Kabanata Nine

2.6K 68 3
                                    

Abigail's POV

" My heart, paalam "

" Anong paalam ang sinasabi mo diyan? Mike hindi Pwede! "

" Paalam "

" Mike huwag mo akong iwanan! Mike! " unti-unti na itong nawawala sa paningin ko .kaya mas lalo ko siyang tinawag habang humahagulgol na ako sa pag-iyak. Hinabol ko siya, dahil palayo ito ng palayo saken.

" Mike! Please! "

" Mike! "

" My heart! " lumingon ako sa nagsalita, at ganun nalang ang tuwa ko ng makita ko kung sino ito. Mabilis ko siyang niyakap, at doon ipinagpatuloy sa braso niya ang pag-iyak ko. Akala ko iniwan niya na ako. Akala ko umalis na siya. Huhuhu.

" My heart, anong nangyare sa'yo? My heart! " hindi ako makapag salita. Hindi ko maibuka ang bibig ko para sabihin sa kanya ang totoo. Ngunit hindi ko kaya dahil napapangunahan ako ng takot at ng hikbi ko.

Umiling na lamang ako sa kanya " Are you dreaming? Bad dream? " tumango na lamang ako. Ramdam ko naman na niyakap niya ako pabalik at hinaplos haplos pababa ang buhok ko na may kahabaan " Hush, My heart. Its just only a dream. Hush " maraming beses akong tumango sa kanya.

At alam ko bang nagpapasalamat ako na isa lamang iyong panaginip?. Hindi ko alam kung bakit... Pero isa lang ang alam ko...

Hindi ko kayang mawala sa tabi ko si Mike.

" Hoy! " sabay batok ni Alfredo sa ulo ni Mike. Kumawala ako sa pagkakayakap ko sa kanya at bahagyang tumawa ng dahil doon. Hawak-hawak naman ni Mike ang ulo nito na binatukan ni Alfredo " Anong ginawa mo at umiiyak si Gail? "

" Wala! Makapangbintang ka diyan ha! "

" E bakit siya umiiyak? "

" She's dreaming okay?! Psh! "

" E bakit naninigaw ka? Meron ka? "

" E Bakit ikaw, naninigaw ka rin naman ah? Meron ka rin? "

" Ako ang meron! " natawa naman ako ng tuluyan ng sumabat si Insan sa kanila habang hawak-hawak nito ang kanyang tiyan na malaki na ang umbok nito " Kaya kung ayaw niyong mapalayas na dalawa dito na walang saplot, tumino kayo! "

" Yes Boss! " sabay na sagot nung dalawa at mabilis na nagtabi. Napa iling na lamang ako sa ginawa nila. Mga isip bata!

" Pwede ka na raw madischarge dito ngayon, Mike "

" Talaga? "

" Oo. Pero alam mo Mike, kung magpapakabayani ka nalang, yung kaya mo okay?. Kasi para kang tanga! Para kang tanga na sumugod sa Gera na naka brief at naiwan mo pa ang sandata mo! In short! Nakakahiya ka! " mabilis na ngumuso si Mike ng dahil doon " Kung buhay pa siguro si Arvie, baka napag-untog ko na kayong dalawa! Pareho kayo! "

" Mahina lang talaga si Bakulaw, nangdamay ka pa ng taong tahimik na eh! " naiiling kong ika atsaka tumayo upang uminom ng tubig.

" Oy hindi ako mahina ah! I'm just protecting you! "

Destiny of the Heart ( Completed-Editing )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon