Kabanata Fourteen

2.8K 75 15
                                    

Aby's POV

Parang gusto ko ng ipadukot ang puso ko sa nakikita ko ngayon. Ang sakit eh. Ang sikip kasi, ang sikip-sikip.

Napapaisip tuloy ako kung ipagpapatuloy ko pa ba ang kabaliwan kong ito. Napapaisip ako dahil...

sa nakikita ko ngayon.


Nakasilip ako mula sa pinto sa loob ng kwarto ni Francis dahil may nangyare sa kanya na hindi namin alam. Pero dahilan ito  nung bigla na lamang siyang iwan ni Jazmine out of nowhere and out of reason why.

Lagi kasi akong nasa amin this past few months, kaya wala na akong masiyadong balita sa mga kaibigan ng asawa ni Vera, lalo na kay Mike-- na siyang pumupunta pa sa amin upang dalawin daw ako-- pero alam ko naman na... kaya niya ako dinadalaw ay alam kong kailangan niya lang ng paglalabasan ng sama ng loob at sakit na nararamdaman dahil kay Jazmine.

Ano bang meron kay Jazmine na hindi niya makalimutan? Jazmine dumb him, Jazmine hurt him! Jazmine, left him! Kaya ano pa ba ang hinahabol niya sa babaeng iyon? ako ang nasasaktan sa kanya eh!


" Frank, ibalik mo na saken si Jazmine, please! " napahawak ako sa kanang dibdib ko nung marinig ko iyon mula sa kanya. Nanlaki ang mga mata ko at napatakip ng bibig ko nung bigla na lamang siyang suntukin ni Francis sa mukha na ikinahagis nito sa lapag. Gusto ko siyang tulungan pero... may pumipigil saken.


" You betrayed us, Mike! "


" Oo na! OO na! Kaya ibalik mo na saken si Jazmine please! "


" Mike, are you out of your mind? nag-iisip ka pa ba? asawa ko na si Jazmine! Atsaka, may Abigail ka na hindi ba? "


" I dont love her! Si Jazmine parin ang mahal ko ngayon! "


ouch...


i bit my lower lip to control my sob. Mabilis na nag-agusan ang mga luha ko sa narinig ko mula sa kanya.


Sabi ko na nga ba eh. Sabi ko na kasi sayo Gail! Tigilan mo na! Tigilan mo na ang kahibangan na ito.


" I-insan... " mabilis na pinahid ko ang basa kong pisngi kahit wala naman iyong nagawa dahil patuloy parin sa pag-agos ang luha ko. Hinarap ko nalang si insan, atsaka ako ngumiti sa kanya ng pilit habang napapaluha parin.


" I-insan, h-hello " bati ko sa kanya atsaka ko pa itinaas ang kamay ko.


" Y-you heard what Mike-- "


" Huh? h-hindi ah! H-hindi ako chismosa noh! Kaya wala akong nari--" i burst into tears when Vera hugged me tight. Napahagulgol ako sa balikat niya. Doon, ibinuhod ko lahat ng sakit na nararamdaman ko.


P-parang... parang kahapon lang masaya pa kaming dalawa sa mansion niya. Nagsisigawan, nagbabasaan, nagpapahid ng sabon sa mukha, maganang kumakain, masayang nanunuod ng nakakatakot na pelikula, tawa-tawa kapag naging tanga ang isa saming dalawa. Huhuhu. Parang kahapon lang talaga nangyare ang mga iyon, tapos ngayon... shit!


Masamang panaginip ba ito? kung oo, pagising nako please! Ayoko ng ganito, ayoko nito!


Destiny of the Heart ( Completed-Editing )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon