Kabanata Eight

2.5K 60 0
                                    

Mike's POV

Bakit? Bakit hindi ko parin makalimutan ang nararamdaman ko sa kanya hanggang ngayon? Napakatagal na nung iwanan niya ako! Napakatagal ng panahon. Pero ang hindi ko lang maintindihan. Ay kung bakit hindi niya sinabi saken ang dahilan kung bakit siya nakipaghiwalay saken?! Edi sana na tulungan ko siya! Edi sana hindi kami naghiwalay! Edi sana kami ang kinasal at hindi sila ni Frank!

Bakit, Blanch? Bakit?!

Gusto ko man siyang kalimutan, pero nahihirapan ako. Mahirap, kasi mahal na mahal ko siya. Mahal na mahal higit pa sa buhay ko.

Pero ano pa nga bang magagawa ko? Kasal na sila, at nahuhulog na silang dalawa sa isa't isa.

" Bakulaw, " napabusangot ako sa tinig na narinig ko. Bakit ba ang hilig niya akong tawaging bakulaw? Hindi naman ako maitim eh! Atsaka gwapo ako, hindi ako panget!

" My heart, stop calling me nga like that! "

" I will stop, if you also stop calling me My heart " ang sungit talaga niya. Pero bakit Pagdating sa mga kaibigan ko ang bait niya? Ang unfair di ba?. Ako ang boss niya, pero saken siya nagsusungit! Huhu.

" O, bakit nalang? " mpag-iiba ko nalang ng topic! Kasi, hindi ko naman na jatatanggal pa ang pagtawag ko sa kang ng My heart eh. Ilang buwan na ba ang lumipas simula nung tawagin ko siyang ganun? Kaya mahirap din!

" Marunong ka bang tumupad sa pangako? " tumango ako sansinabi niya. Bakit ba napaka seryoso niya ngayon? Anong nakain niya? " Kung ganun, makakapangako ka bang sasagutin mo lahat ng itatanong ko sa'yo ng totoo at hindi kasinungalingan? " ha? Para saan naman kaya iyon?. Ito kaya ang epekto ng pagbabasa niya ng libro?. Aish! Habilinan niyo ako na huwag na siyang ibili ha? Para hindi na siya magkaganiyan!

" Mike! " corny, pero tumalon ang puso ko ng tawagin niya ako sa pangalan ko! Kahit nung una na tinawag niya ako, ganito rin ang naramdan ko.

" Oo naman my heart! I will be honest to you. Ano ba itatanong mo? " ngumiti ito ng Pilit saken atsaka tumingin sa malawak na karagatan.

" You are--- "

" Insan! Mike! Kakain na! " Aish! Istorbo naman itong si Al oh! Aish!

" Ano na iyong sasabihin mo, my heart? "

" Wala, Tara kain na daw! " atsaka na ito tumayo at naglakad na palayo. Napa kamot naman ako sa ulo ko habang nakatingin sa kanya. Ano kaya sana itatanong nung? Aish! Kasalanan ito ni Alfredo eh! Masiyadong Istorbo!

" Oh, nasaan si Frank at Ms Pretty? " pagtatanong ko ng makarating ako sa cottage kung saan kami kakain. Napalingon naman ako kay My heart ng mapansin kong nakatingin siya saken. At... May lungkot sa mga mata niya.

Bakit... Para saan iyon?.

" Nauna na silang umuwi, may pupuntahan yata eh, kasi nagmamadali sila ng umalis. Nagteks na nga lang sila saken na, umalis na sila eh " sagot naman ni Al na ikinabaling ng pansin ko sa kanya.

" Atsaka, kailangan rin na magpahinga ni Jasmine. May hika daw kasi siya eh "

" May hika si Ms Pretty? " hindi makapaniwalang tanong ko kay Ms beautiful ng sabihin niya iyon. May hika si Blanch? Peri bakit hindi ko yata alam iyon?.

Bigla namang may nag flashback saken, 5 years ago... Kaya ba siya hindi nagpakita saken ng isang lingo matapos niya akong ipag cheer noong lumaban kami ng finals?. Baka nga...

" Oo, kahapon lang nila nalaman nung tumawag si Frank sa Mommy ni Blanch " napatango ako sa sinabi niya. Okay na kaya siya ngayon?.

" Okay na ba daw ngayon si Ms pretty? "

Destiny of the Heart ( Completed-Editing )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon