Kabanata Eleven

2.5K 74 0
                                    

Abigail's POV

Naka sakay na kami ngayon ng kotse ni Mike pauwi sa bahay. Pero nag-aya Ito na pumunta muna daw kami ng mall bago umuwi.

Ewan ko kung ano na namang naisipan nito. Baliw na yata eh. Pero okay lang... Atlis mailalayo ko siya dun sa Jazmine kahit Ilang oras lang.

" Mag grocery kana rin ng stocks goods mo, para pagdating ko bukas sa mansion mo, magluluto nalang ako ng pagkain mo "

" Kailangan mo pa ba talagang umuwi ng probinsya mo, My heart? Hindi ba magastos sa pamasahe? Hindi ka ba nagsasawa sa pagbiya-biyahe ng pagbiya-biyahe? "

" Okay lang, malaki naman sweldo ko sa'yo eh. Kaya okay lang ng magpabalik-balik ng probinsya namin " ngumuso siya ng dahil doon. Hinampas ko naman sa nguso niya ng bahagya ang librong binabasa ko. Ang hilig niya talagang ngumuso. Haha.

" Atsaka, hindi ko kayang iwan si Mama ng mag-isa sa bahay namin, may sakit kasi ito, kaya kailangan niya ako sa bahay kahit tuwing gabi lang "

" Anong sakit ng Mama mo? "

" Asthma?. Okay naman siya tuwing umaga kaya okay lang na iwanan siya, pero kapag gabi, doon kasi siya sinusumpungan. Nag-aalala na nga ako sa kanya ngayon eh, dahil dalawang araw ko siyang hindi nasamahan "

" I'm sorry, My heart " Mabilis akong napalingon sa kanya. Sorry?

" Para saan? "

" Para sa pagpipilit ko sa'yo na sumama kahit hindi naman pala pwede. Na mas pinili ko na makasama ka sa outing kesa sa maalagaan mo ang Mama mo. Kaya sorry my heart, pangako, hindi na muli kitang isasama sa mga ganito "

" Anong sinasabi mo diyan? Wala kang kasalanan okay? Atsaka si Mama na ang nagpumilit saken na sumama ako sa'yo kahit ayoko talaga, para daw mabawasan ang pagbabasa ko ng libro at para maarawan naman daw ako "

" But I'm still sorry, " inihinto na nito ang kotse dahil nakapag park na siya sa isang bahagi sa parking lot. Tumingin ito saken ng may pagka malungkot ang mukha.

Napa iling ako atsaka pinisil ang kanan nitong pisngi. Na ikinabigla pa niya, kaya natawa akong bahagya ngunit hindi halata.

" Okay lang sabi. Tara na, huwag ka ng mag drama diyan, hindi mo Bagay " atsaka na ako nauna sa paglabas ng kotse nito. Napa-iling nalang ako dahil nagtagal pa siya doon ng limang oras bago sumunod saken sa labas " Akala ko sa loob ka nalang ng kotse mo eh " mapang insulto kong ika sa kanya.

" I-ikaw k-kasi eh! " kunwari ko siyang kinunutan ng noo.

" Anong ako? Kasalanan ko sa'yo? " ngumuso siya. Kaya mabilis na kinagat ko ang labi ko upang pigilan ang tawa na lalabas sa bibig ko dahil sa kanya. Hahaha. Ang sarap lang pala niyang lokohin. Parang pinisil lang yung pisngi eh! Hahahaha.

Umiling-iling nalang ako atsaka na ako nagpatiuna sa paglalakad. Pero agad ring nawala ang ngiti sa mga labi ko ng may maalala ako.

Sige lang Mike. Paasahin mo ako. Paasahin mo pa ako. Dahil asang Asa na ako sa'yo. Mahal na kita. Mahal na mahal na kita.

Mike's POV

" Bilhin mo na ang lahat ng kailangan sa mansion mo. Dahil sa oras na wala ang kailangan ko para sa iluluto ko. Mag re-resign ako! "

" What? " nanlalaking mata na tanong ko sa kanya. Ang unfair naman yata nun! E paano nalang kung sibuyas lang ang wala? Aalis na siya ganun? Ang daya naman!

Destiny of the Heart ( Completed-Editing )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon