Kabanata Thirteen

2.7K 65 7
                                    

Abegail's POV

For the first time... Naramdaman ko narin sa buong pagkatao ko ang salitang... Pagmamahal. Masarap sa pakiramdam, pero masakit naman.

Dahil alam ko sa sarili ko na... Hindi naman ako ang tibok ng puso niya. Na kahit Anong gawing pag tibok ng puso ko para sa kanya. Iba parin ang tinitibok ng puso niya.

Ito ba ang tinatawag nilang... One sided love?. Ang hirap pala talaga. Now I know what the character feels sa mga librong nababasa ko patungkol sa one sided love na iyan. Pero Love na ba talaga ang nararamdaman ko para sa kanya? Hindi ba masiyadong mabilis? O sadyang... Na in love na talaga ako sa kanya nung una naming pagkikita sa likod bahay nina Insan na siyang dahilan din ng pagbabago ng ugali ko?. Siguro. I sighed.

Tumayo ako sa kinahihigaan ko at nagsimula na akong maglagay ng libro sa shelf na ginawa naming tatlo na gawa sa kawayan. Gaya ng nasa imahinasiyon ko. Mas may malaking halaga ang pinaghirapang gawin kesa sa binili ko lang. Na wala na ngang halaga, mabigat pa sa bulsa. Hindi worth it! Kung baga!

Nasa labas parin ngayo ng bahay si Mike kasama si Vern at Nanay na nakikipagkwentuhan. Nadsa loob ako ng bahay dahil nagpresinta ako na ako nalang ang mag aayos ng mga libro sa ginawa naming book shelf na malaki pa saken. Oo, malaki pa saken.

Nagpupumilit pa nga si Mike na tulungan ako rh. Pero sinabi ko nalang na kailangan niya ng magpahinga dahil pagod na siya. Ang tigas nga na namang ng ulo eh. Pero in the end wala siyang nagawa nung pagsarhan ko siya ng pintuan ng kwarto ko.

" My heart? " isang tinig matapos ang tatlong beses na pagkatok. Napatingin ako sa pintuan ko at bumilis agad ang tibok ng puso ko.

Pintuan palang ang nakikita ko, pero ang lakas na ng tibok ng puso ko. Paano pa kaya kung kaharap ko na siya?.

" K-kailangan mo? " atsaka ako t malikot at inilagay na ang huling libro sa isang espasyo sa gitna. Grabe sa dami ng libro na binili ni Mike saken, napuno ang ginawa naming shelf ngayon. Adik kasi eh. Napangiti ako.

" Ikaw " napatigil ako sa paglapit sa pinto. Bumilis ang tibok nh puso ko kaya napahawak na ako sa kaliwang dibdib ko.

Ano ba'ng ginawa mo saken Bakulaw ka? At ikaw naman Abby! Alam mo namang hindi ikaw ang mahal niya bakit minahal ko pa siya! Tss!

" B-bakulaw ka t-talaga " tangi ko nalang naibulalas sa mahinang tono ng boses. Inayos ko ang sarili ko at pinakalma ko ang pakiramdam ko, bago binuksan ang pintuan. Bumungad sa harapan ko ang nakangiti niyang mukha, pero hindi ko naman iyon nakikita sa kanyang mga mata. Siya parin ba hanggang ngayon Mike?.

" Gabi na. Hindi ka pa ba uuwi? " ngumuso siya ng dahil doon. Gusto kong tumawa. Pero pinigilan ko. Ang kyut kasi niya eh.

" My heart naman! Ayaw mo na bang nandito ang isang gwapong tulad ko? " nakangusong ika niya. Sinamaan ko siya ng tingin.

" Ang hangin mo! Umuwi ka! Uwi! " pananaboy ko pa sa kanya na mas lalo niyang ikinanguso. Rinig ko ang pagbuntong hininga niya atsaka tumango.

" Sige, magkita nalang tayo bukas "

" Mm! " tangong sagot ko.

Limang minuto yata na ang nakalipas, pero hindi parin siya umaalis sa harapan ko a sa paa lamang niya nakatuon ang pansin niya. Kaya tinaasan o na siya ng kilay atsaka ako tumikhim na ikinaangat ng tingin niya saken.

Destiny of the Heart ( Completed-Editing )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon