Abigail's POV
" Hoy Insan! " Nilingon ko si Insan na busy sa pagluluto ng barbeque. Pero mabilis ko ring ibinalik ang tingin ko sa ginagawa ko.
" Hmp? " habang ako naman ay busy na gumagawa ng desert namin.
" Anong ginawa mo kay Mike? " mabilis ko siyang nilingon ng dahil doon.
" Wala? Ano namang gagawin ko dun? "
" Tignan mo siya! " sabay turo kung saan nasaan ang mag-ama at si... Mike.
" Oh, napaano naman si Mike? "
" Kanina pa tulala yan! Kayo lang naman magkasamang dalawa kagabi hindi ba? Kaya anong ginawa mo diyan? "
" Ah, baka nung hinalikan ko siya sa pisngi " o baka dahil, wala dito ang mahal niya.
" Ni halikan mo siya sa pisngi? "
" Oo, pero huwag kang mag-isip ng kung ano insan ha? Para lang naman iyon sa pagliligtas niya saken nung nakaraang araw at sa pageeport na gawan ako ng bracelet " atsaka ko ipinakita sa kanya ang bracelet na ibinigay saken ni Mike na siya pa mismo ang nag suot saken nito.
" Ginawa niya sa'yo yan? !" Tumango na lamang ako " Wow! Masabi nga iyan kay Al, at alam ko na matutuwa iyon "
" Matutuwa? Para saan naman? "
" Alam mo naman siguro na may amnesia si Mike hindi ba? " may amnesia nga ba, Insan? Gusto kong sabihin sa kanya iyon. Pero ayokong pangunahan si Mike, dahil baka may rason naman siya kung bakit niya itinago iyon.
Pero kapag ang rason na iyon ay tungkol kay... Baka hindi ko siya... Basta!
Hindi pa ako sigurado na may naaalala na nga ito, pero may kutob ako. Kutob lang naman. Nakakapanghinala kasi ang mga kilos niya. Lalo na kung paano niya kausapin si Jazmine, ipagtanggol at pangaralan si Francis para rin dito.
" Tawagin mo na sila Insan! Kakain na tayo! " tumango ako sansinabi niya. Buti at tapos narin ako sa ginagawa kong desert. Lumapit ako sa kanila at tinawag na ang mag-ama. Mabilis naman silang tumakbo na dalawa patungo doon, maliban sanisa na para bang ang lalim ng problema at may tama sa pag-iisip.
" Bakulaw! Kakain na! " ika ko ng makalapit na ako sa kanya, pero no response. Napa iling nalang ako " Huwag kang mag-alala, okay lang siya " para akong tinusok as dibdib ko ng lumingon ito saken. So its true... Siya nga ang iniisip nito " Kalimutan mo na siya, pakawalan mo na. Dahil kung hindi... Patuloy mo lang sasaktan ang sarili mo "
" Anong sinasabi mo, My heart? " painosente pa more!
" Wala, sabi ko Kakain na tayo! Kaya tumayo kana diyan at huwag ng mag senti dahil gutom lang yan! " atsakanko na siya tinalikuran.
Manhid at martyr na nga! Bingi pa! Jusko! 3 in 1 saan ka pa? Tss!
Huminto ako sa paglalakad ng hindi ko maramdaman na sumunod siya sa paglalakad. Paglingon ko mula sa likuran ko ay nandoon parin ito, nakaupo at nakatitig saken. Kung yelo lang ako, kanina pa ako lusaw dahil sa init ng pagtitig nito saken.
" Kakain ka ba o Kakain ka ba? Pumili ka! " no response " Isa! Dalawa! Tat-- "
" Gail, "
" Bakit? "
" Bakit ang... Bakit ang... "
" Bakit ang ano? Mike tumino ka nga! "
BINABASA MO ANG
Destiny of the Heart ( Completed-Editing )
RomantikMike and Abigail's Story Enjoy guys :D