Abigail's POV
Nasa hardin naman ako ng bahay namin sa probinsya, nakatulala at malalim ang iniisip. Paanong hindi... E nalaman ko na may amnesia pala itong si Bakulaw na gawa nung pagkaka aksidente niya nung maghiwalay sila nung Jasmine na sinasabi niya.
Lagi kaya niyang napapanaginipan kaya niya yung Jasmine, kaya lagi niyang binabanggit ang pangalan nito? Pero bakit hindi niya ito hinahanap kapag nagigising siya?.
Pero kasi ang masaklap na iniisip ko doon, ay ang Jasmine na binabanggit niya, ay ang naging asawa ni Francis. What a coincidence! Or its just destiny? Ugh! Nakakabaliw! Hindi ko na alam kung saan ako lulugar!
Tumunog ang cellphone ko kaya nilingon ko ito, tumatawag si Bakulaw. Dahan-dahan kong kinuha ang cellphone ko atsaka pinindot ang accept button.
" My heart! " na ilayo ko ang cellphone ko sa tenga ko! Ugh! Kung hindi ko lang siya kilala baka naisipan kong isa siyang paminta! Berde ang dugo! Baklush! Aish!
" Problema mo? "
" Wow ang ganda ng pambungad mo, My heart! " napaikot ako ng mga mata ko.
" Kailangan mo? "
" Ikaw. Ayiee, kinikilig siya "
" Tigil tigilan mo nga ako, Bakulaw! "
" Maka Bakulaw naman itong si My heart oh, "
" Bakit? Angal ka? "
" I like you my heart! "
" Kailangan mo ba? I'm busy! "
" Ay sungit. Aayain lang sana kitang mag outing! Sa Batangas! "
" Tayo lang dalawa? "
" Gusto mo? "
" I mean... May kasama ba tayo? "
" Oo "
" Para saan? "
" Kailangan talaga muna ng rason bago mag outing? "
" Bakit hindi mo nalang kasi ako daretsohin at sagutin ng maayos? Naiinis na ako sa'yo ha! "
" Luhh! Ano na namang ginawa ko sa'yo? "
" Isa! "
" Edi dalawa. "
Sa inis ko sa kanya, pinat ayan ko na siya. Bahala siya sa buhay niya! Nakakainis, nakakairita talaga siyang kausap kahit kailan. Ugh! Ang sarap niyang itapon a malayo! at kung hindi ko ang talaga kailangan ng parang pagkakakitaan upang maka tulong ako sa mga magulang ko at makapag ipon ng pera para sa pag-aaral ko, ay aalis na ako sa kanya eh.
BINABASA MO ANG
Destiny of the Heart ( Completed-Editing )
Lãng mạnMike and Abigail's Story Enjoy guys :D