Kabanata Seven

2.5K 70 0
                                    

Abigail's POV

" My heart! Dalian mo, mahuhuli na tayo! " sigaw ni Bakulaw sa labas ng kwarto ko. Bahala siya diyan! E bakit ba kasi siya nagmamadali? E may kotse naman siya na pwede naming gamitin patungong water falls. Psh! If I knew, gusto niya lang makita si Jazmine.

Jusko! Ganito ba talaga ang mga lalaking nagmamahal sa isang babae na hindi na pwede sa kanila? Manhid? Tanga? Tss! Ang sarap lang niyang bigwasan.

Pero ano kayang dahilan niya at hindi parin niya sinasabi sa mga kaibigan niya na nakakaalala na siya?. Hay nako Bakulaw! Ang sakit mo sa bulsa!

Isang minuto yata kami nagbiyahe bago kami nakarating ng mother falls, pero shete! Hindi pa siya yung waterfalls talaga. Kasi you know? Aakyat ka pa paitaas para puntahan iyon. Shete lang!

Sabi nung napagtanungan ko, malayo pa iyon kung nasaan kami. Na aakyat ka pa ng tatlong pung minuto bago ka makarating doon. Kamusta naman daw iyon? Huhu. Sana hindi nalang pala ako sumama.

May madaraanan daw kaming tatlong tulay, tapos isang  brick tunnel patungong waterfalls then yun na yun! Hayy nako! Sana pala talaga nagpaiwan nalang ako sa kwarto ko! Edi sana natapos ko na ngayon ang libro na kahapon ko pa binabasa! Jusmiyo!

" Picture tayo, My heart! " isip bata talaga. Tinapat niya na ang camera saming dalawa. Inakbayan pa ko. Tsansing ang lalaking 'to! Tss!

Kung siya malapad ang ngiti, ako nakangisi lang na para bang nakabusangot pa. Inalis niya na sa tapat namin yung camera at ang pagkakaakbay nito saken. Nauna na akong naglakad at iniwan ko na siya.

" Ang gwapo ko talaga, my heart! " I made a face. Kasali rin pala siya sa mga taong GGSS. Gwapong gwapo sa sarili. Psh!

" Jazmine, okay ka lang? " napa hinto ako sa paglalakad ng marinig ko ang boses ni Francis na binanggit ang pangalan ni Jazmine. Lumingon ako mula sa likuran. And there, I saw Mike looking at the two person na ngayon ay nakahinto habang nag-uusap. Napaka seryosong pag-uusap.

" Bakulaw! " pagtawag ko sa kanya, pero hindi siya lumingon saken o sumagot man lang. Huminga ako ng malalim " Mike! " pero wala parin. Napa iling na lamang ako at ako na mismo ang lumapit sa kanya't hinila na siya na ikinabigla pa nito.

" Bakit, my heart? " pagtatanong nito.

" Picture tayo dun! " sabay turo ko na para bang baluga na hindi malinaw ang pagtuturo.

" Talaga? Ngingiti ka na ba? "

" Bakit? Hindi ba ako nakangiti kanina? " pagmamaang maangan ko.

Hay nako! Hindi ko alam kung bakit ko ginagawa ito para sa kanya. Hindi ko alam. Kasi Pwede ko naman siyang pabayaan nalang at hayaang masaktan hindi ba? Pero hindi iyon ang ginawa ko eh. Kundi tinutulungan ko pa siya.

" Hindi eh, nakabusangot ka "

" We? Patingin nga! " atsaka ko inagaw sa kanya ang camera, napakamot naman ako sa ulo ko ng makita ko ang litrato na kuha niya kanina.

" Okay lang yan! Maganda parin naman ako eh! " atsaka ko na ibinalik sa kanya yung camera.

" Wow! Confident much, my heart ah?. But you're right! You're beautiful kahit saang anggulo at kahit ano pang expression ang gawin mo " pinapalobo ba nito ang ulo ko? But suddenly I felt my face burning. Namumula kaya ako?.

" Anong pangbobola ang sinasabi mo diyan sa pinsan ko ha, Mike? " para naman akong nabunutan ng tinik nang marinig ko ang boses ni Insan.

" Tita Gail! " tumakbo naman papunta saken si jean at Nagpa buhat saken. Kinarga ko naman siya at Mabilis na binigyan ng halik sa pisngi.

" Are you tired, Tita? " nagtakha naman ako sa sinabi niya

" Why? "

" Because your face is Red po " nabigla ako sa sinabi niya at mabilis na napahawak sa mukha ko. Namumula talaga ako?. Shete!

" Ah yeah, I walk too far, baby jean eh "

" Me too also, Tita Gail " atsaka nito ipinatong ang ulo niya sa balikat ko habang yakap-yakap rin nito ang leeg ko.

" I see " natatawa kong sabi nalang sa kanya.

" You can carry her, my heart? " nilingon ko ang nagsalita at tinanguan na lamang ito " You sure? Baby Jean is heavy "

" Yeah, don't worry " atsaka na ako nagpatiuna sa paglalakad.

" Sigurado ka talaga ha? " tumango nalang ulit ako " Okay, alalayan ko nalang kayo, at if ever na hindi mo na kaya, ibigay mo nalang siya saken ha? " I nodded again.

Sana ganiyan ka rin sa nararamdaman mo para kay Jasmine, Mike. Na kapag hindi mo na kaya, ibigay mo na sa iba ang pagmamahal mo. Para hindi kana mahirapan at masaktan.

" Are you going to sleep baby jean? "

" No Tita. I want to see the waterfalls po, kaya I will not gonna sleep "

" Okay, "

" Take tayong picture, Jean! With Tita Gail. Is that's okay? " Mabilis namang humarap si Jean kay Bakulaw. At tumango ito ng tumango habang nakangiti ng malapad " Great! " lumipat ito sa kabila at inakbayan ako na ikinabigla ko pa. Kanina pa tsansing ang lalaking ito at hanggang mamaya, may puputulin na akong braso.

" 1, 2, 3! " sabay nilang dalawa na bilang. Napa iling na lamang ako atsaka ngumiti nalang rin.

" Can I see! Can I see! " excited na ika ni Jean at sumama na kay Bakulaw, ibinigay ko naman siya. Dahil tama nga si Bakulaw. Hindi magaan si Jean. Ang takaw kasing bata e!

" Wow! Mommy look look! Tita and Me are beautiful! " ano daw? Lokong bata to ah! Isa pang nagpapalaki ng ulo ko. Haha.

" We look like a big happy family there, my heart " tinignan ko si Bakulaw ng magsalita ito. Nakatitig lamang ito saken, sa mga mata ko. Sasagot na sana ako ng makita ko na papalapit na ang dalawa na sina Francis at Jazmine na nahuhuli sa paglalakad.

" I want so see that water falls! Come " hinila ko na sa kamay si Mike palayo doon.

Hayy nako Abigail Grace Cuison! Nababaliw ka na! Baliw ka na!

***

Mas baliw na ako Abigail Grace Cuison! Dahil hindi ko na naman alam kung saan na naman akonhuhugot ng tadyang para makapag update xD Hahahaha.

Hope you enjoy the short update :) God bless us all :)

VoMment :)

Destiny of the Heart ( Completed-Editing )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon