Abigail's POV
Aish! Ano na naman kayang kailangan ng Bakulaw na ito at pinapapunta na naman niya ako sa mansion niya? Day off ko ngayon ah! Oo may day off ako! Angal? Atsaka sabado at lingo lang naman eh.
" Istorbo talaga kahit kailan! Tss! " inis kong sabi at padabog na ibinaba ang libro na binabasa ko. Tss! Sana maging ako nalang si Leila Domingo, para makapatay ako, at siya ang uunahin ko.
-
" Kailangan mo? Baka nakakalimutan mong-- " hindi ko na natapos any sasabihin ko sana na panenermon sa kanya ng makita kong may malaking plastic bag siyang iniaabot saken. At ang plastic na iyon ay may tagal na National Book Store. Matapos kong titigan ang plastic ay sa kanya naman ako tumingin " Ano yan? "
" Look it for yourself! " atsaka na nito iniabot ng tuluyan saken yung plastic bag. Kahit nagtatakha, ay kinuha ko iyon at tinignan ang laman. Bigla namang nagningning ang mga mata ko ng makita ko kung ano ang mga ito. Iniangatan ko ito muli ng tingin na may hindi makapaniwala " Did you like it? "
" P-para saan ito? "
" A gift? "
" Pero malayo pa birthday ko "
" Edi, a gift from you for last year of your birthday " pinaningkitan ko siya ng mga mata, napakamot naman siya sa kanyang ulo " Ayaw mo ba? " hindi ako sumagot " Ah sige, ibalik mo na saken, ilalagay ko nalang sa shelf ko dito " atsaka nito bumawi ang plastic bag na hawak ko. Nabigla naman daw ako. May sinabi ba akong ayaw ko? Atsaka ganito ba siya magbigay? Binabawi agad? Tss!
" Sinong nagsabing ayaw ko? Akin na yan! " atsaka ko kinuha sa kanya yung plastic na ikinangiti niya ng parang aso " Salamat, "
" Wala iyon, basta ba ikaw my heart! " tumango nalang ako. Bakit niya kaya ako binili ng ganito karami na libro? Bumabawi kaya siya nung isang buwan na hindi ako nakahiram ng libro sa kaibigan ko nung nagpaka tanga siya? Siguro.
" Ito lang ba ang dahilan kung bakit mo ako pinapunta dito? " pagtatanong ko sa kanya
" Siyempre hindi lang yan, gusto rin kasi kitang makita eh "
" Look Mike, h--- " napatikom ako ng bibig ko dahil inilagay nito ang kanyang forth finger sa bibig ko to cut what I'm saying.
" Ayoko muna ng rejection ngayon, My Heart. Huwag muna ngayon please " Naka ramdam ako ngpagkaawa sa kanya ng makita ko ang sakit sa kanyang mga mata. Pero para kanino kaya iyon? Sino ang nanakit sa kanya?.
Hindi ko alam pero niyakap ko nalang siya bigla " Sorry, I'm sorry " I said in a sincere tone, pero ang ugok tinawanan lang ako kaya Mabilis ko siyang tinulak palayo saken! Ganito ba ang may problema? O baka naman takas siya ng mental! Tss!
" Why are saying sorry? " inirapan ko siya! Gago eh!
" Wala! Kung wala ka ng kailangan saken uuwi na ako, at salamat sa mga ito " sabay angat ko ng hawak kong plastic bag.
" Hindi mo na ako ipagluluto, My Heart? " tinaasan ko siya ng kilay
" Day off ko ngayon hindi ba? Kaya malamang hindi. Sige alis na ako, salamat ulit " atsaka na ako tumalikod at naglakad patungo sa pintuan. Hahawakan ko palang sana ang door knob ng magsalita ito.
" Na sasaktan ako ngayon My Heart " dahan-dahan ko naman siyang nilingon. And to my surprise I sa him crying " Na sasaktan ako, My Heart. Nasasaktan ako " hindi na ako nagdalawang isip pa na takbuhin siya para yakapin.
Shete! Ganito pala ang feeling ng nakakita ng isang lalaki na umiiyak, tapos sa harapan mo pa. Pero paano pa kaya kung alam mong ikaw ang dahilan ng pag-iyak niyang iyon? Ay shete! Kung sino ka mang nilalang ka na Nagpa iyak sa kanya! Huwag na huwag ka ng nagpapakita pa sa kanya! Or else kakalbuhin kita!
-
Nalatulog na siya habang sa mga hita ko siya nakahiga ngayon. Nasa sala kami at sa sofa siya nakahiga. Kawawang nilalang.
Tinitigan ko siya sa mukha, tapos napaibaba ang mga mata ko sa labi niya. Ang labi niya na lagi kong nakikitang nakangiti, ang bibig niya na lagi kong nakikitang tumatawa.
Tama nga sila, na kahit gaano kaloko, kasya ang isang tao ay may itinatago parin itong lungkot at sakit na nararamdaman. Pero sino kaya ang nanakit sa kanya, at ganun na lamang siya umiyak kanina?.
" Gail, " napaangat ako ng tingin sa tumawag saken. Si Alfredo, na halata sa kanyang mga mata ang pag-aalala as kaibigan.
" He's fine, " nakita ko naman na nakahinga siya ng malalim. Kaya nandito si Alfredo ay dahil tinawagan ko siya ng maka tulog si Bakulaw. Gusto kong magtanobg sa kanya kung anong nangyare, pero hindi ko bnklang ginawa dahil... Ayokong pumasok sa buhay ng may buhay.
" Ako na humihingi ng pasensya sa'yo, Gail " atsaka niya nilapitan si Bakulaw at inakay ito patungo sa kwarto ng lalaki.
" Okay lang, atsaka mabuti na yung dito siya naglabas ng sama ng loob niya kesa sa ibang lugar pa, baka mapahamak pa siya " ika ko ng maka labas na ito ng kwarto ni Mike. Tumango ito sa sinabi ko at muling Nagpa salamat saken.
" Pauwi ka na ba? Hatid na kita " pag-aalok nito, pero umiling ako.
" Kailangan ng kaibigan mo ngayon ng karamay, kaya sasamahan ko muna siya dito hanggang sa magiging okay na siya "
" Maraming salamat ulit , Gail " tumango bna lamang ako " Kapag may ginawang kalokohan sa'yo si Mike, itawag mo agad sa'ken ha? Para masapak ko! " natawa ako sa sinabi niya.
" May problema na nga kaibigan mo, sa sapakin mo pa? "
" Oo! Kahit meron pa siyang problema! Ang akin lang, ay yung mailigtas ka! Pinsan na yata kita ngayon! Di ba? At kapag pinsan ko, ayoko silang nasasaktan! " napapailing nalang ako sa sinabi niya at napa sabing 'Oo nalang'
Umalis narin ito pagkaraan dahil iniwan lamang Nita abng kanyang mag-ina habang nagtutulog ang mga ito sa kwarto. I'm happy for my cousin, I'm so much happy for them. Dahil sa wakas! Naging maligaya narin ang pamilya nila.
Magulo man ang kwento sa pamilya nila, pero nagawa parin nila itong maging masaya.
Alas siete na ng gabi ng matapos akong makapagluto ng pagkain naming dalawa. Kaya umakyat na ako at ginising siya dahil hindi siya kumain ng pananghalian kanina. Hindi ko na siya ginising dahil alam kong kailangan niya ng pahinga at para hindi siya makapag isip ng kahit na ano, patungkol sa problemang dinadala niya.
" Baks, gising! " I wake him while tapping his cheek " Mike, kakainin na, Mike! " naalimpungatan na siya kaya tumayo na ako sa pagkakaupo ko sa gilid ng kama niya at inayos ang kumot at unan na nakakapag. Ang gulo niyang matulog promise!
" Jasmine! "
" Ahh! " tili ko ng bigla na lamang niya akong hilahin at niyakap. Nagpumiglas naman ako.
" Jasmine please, stay with me, kahit ngayon lang please "
Jasmine? Sino si Jasmine? Siya ba anhg babaeng dahilan kung Bakit siya umiiyak?. But suddenly, I feel a pang of pain in my chest. Pero bakit? Para saan iyon?.
" Mike, Si Abigail ito, hindi si Jasmine " nagmulat siya ng mabilis ng mga mata at looked at me. Ng marealize niya na siguro na hindi nga ako ang Jasmine na tinatawag niya, ay kumawala na siya sa pagkakayakap saken.
" S-sorry, "
" Halika, kain na tayo " pag-aaya ko sa kanya atsaka na ako lumabas ng kwarto niya. Napasapo naman ako sa dibdib ko habang naglalakad paibaba ng hagdan.
Hindi pwede, hindi ka pwedeng mahulog sa kanya Abigail!
Masasaktan ka lang!
Masasaktan ka lang!
~~
Tuloy-tuloy na ito! Walang makakapigil saken! Bwahahaha xD
Good evening :)
VoMment ❤❤❤
BINABASA MO ANG
Destiny of the Heart ( Completed-Editing )
RomanceMike and Abigail's Story Enjoy guys :D