Abigail's POV
Waaa! Bakit kasi may lahi ring tanga ang bakulaw na ito?. Nauntog kasi yung ulo niya sa hawakan ng bomba eh, yan tuloy nasugatan siya sa gulo kaya kailangan pa siyang dalhin sa hospital at ipagamot.
Buti nalang at nasaktuhang kakarating nina Insan at Alfredo, kaya yung kotse na gamit nila ang ginamit namin patungong hospital.
" Doc, kamusta na po si Mike? " tanong ko sa doctor na lumabas sa ward kung Nasaan si bakulaw. Waaa! Baka may nangyareng masama na doon. Huhu, konsensya ko ito, kasalanan ko ito eh. Dahil kung hindi ako nagpakulit sa kanya, hindi ito mangyayare sa kanya.
" You look much worried, Mrs Cordova. Stitches lang po ang nakuha sa ulo ng pasyente, mababaw lamang ito kaya wala na po kayong dapat ipag-alala pa " nagpantig tenga ko. Kelan pa akong naging Mrs Cordova? Nababaliw na yata ang doctor na ito eh. Atsaka uso magtanong kung anong apilyido ko, hindibyata ito nag-aral eh, ibalik ko kaya siya ng elementary!
" Ahh Sir--- "
" My heart! Narinig ko sinabi ni Doc, bagay na bagay sa'yo hindi ba? Mrs Abigail Cordova, what a nice! Hihi " sinamaan ko ng tingin ang ward ni Bakulaw. Tapos itong si doc may gana pang tumawa. Hayy! Kung hindi lang masamang pumatay baka kanina pa malamig na bangkay ant dalawang taong ito.
Idinaan ko na lamang sa buntong hininga ang narinig ko sa kanya at hinarap muli ang doctor.
" Salamat po, Doc "
" Wala iyon. Makakauwi na rin pala ang pasiyente mamaya, sige maiwan ko na kayo " tumango ako sa kanya. Echuserong doctor! Hay nako! Gusto ko pa man ding maging doktor na tulad niya, pero kung magiging echusera ako na tulad niya, no way! Mag-aaral na lamang ako ng law.
Padabog kong nilihis ang kurtina sa ward ni bakulaw habang hindi parin naaalis sa mukha ko ang inis na nararamdaman ko sa kanya dahil sa sinabi niya kanina.
" Musta pagiging tanga? Masarap ba? " ugh! Ugali kong hindi mag ganito sa ibang tao ng harapan harapan, at ginagawa ko lamang ang ganito sa isip oo, pero nung nakilala ko siya, wala na. B.I siya B.I!
" My heart naman eh, naaksidente na nga ako ng dahil sa'yo ginaganiyan mo pa ako " nakunsenya naman ako sa sinabi niya, kaya nawala na ang pagka inis sa mukha ko. Umupo ako sa dulo ng kama nito.
" Ginusto mo yan, kaya huwag mo akong sisihin " pero may kasalanan rin naman kasinsiya rh, dahil kung hindi niya ako kinukulit, hindi ko siya papayagan ng ganun. Pero... Aish!
" Oo na, sorry na. Masaya ka na? Aish! "
" Sorry rin My Heart, " ano sinasabi ng lalaking ito? " Kasi ng dahil saken hindi mo na nahiram sa kaibigan mo yung libro na gusto mo " I was surprised. Paano niya nalaman iyon? Wala naman akong sinabi sa kanya kanina ah.
" P-paano mo nalaman? " may lahi na ba talagang mind reader ang lalaking ito, kaya na laman niya iyon?. Pero shit! Oo nga noh? Ugh! Hindi ko tuloy magbabasa yung kasunod nung The Camp! Shemay naman kasi! Katangahan kasi eh!
" Ahh, narinig ko kanina nung nakahiga yung ulo ko sa balikat mo, tapos lagi mong sinasabi iyon " sabi ko nga wala siyang lahi eh. Tanga Karin minsan Abi. Aish! Buti nalang at hindi ko sinabi kung mind reader ba siya, kundi... Wala! Pahiya ang Lola ninyo!
" Makakauwi kana rin daw pala mamaya, " mag-iiba ko na lamang. Baka kasi matuluyan akong mapahiya kung magpapatuloy pa ang pag-uusap naming iyon.
" Talaga? Hindi ako magtatagal dito? " tinignan ko siya ng may magtatakha. Err? Bakit ayaw niya yatang matagal dito?.
" Takot ka ba sa hospital? " baka, kasi hindi naman ganun masasabi niya kung hindi di ba?. Tignan mo nga naman. May kinatatakutan pala ang Baku law na ito. Hahaha, may kang black mail na ako sa kanya.
BINABASA MO ANG
Destiny of the Heart ( Completed-Editing )
RomanceMike and Abigail's Story Enjoy guys :D