mau's pov.
habang tinatahak ko ang madilim na pasilyo patungo sa kwarto. lumalakas din ang tibok ng puso ko dahil sa kaba dahil natatakot ako na baka dumating ang killer at patayin ako.
nakahinga ako ng maluwag ng nasa tapat na ako ng pinto at thanks god walang nangyari sakin.
pinihit ko na ang doorknob ng pnto ng kwarto.
nang tuluyan na itong mabukas,nagambal ako sa nakita.
si mitch,nakahandusay sa kama,puro saksak ang katawan. ang puting bedsheet ay napalitan ng kulay pula na dugo ni mitch.
hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko,umagos ang luha sa mga mata ko.
nagulat ako ng makarinig ako ng danguynguy ng iyak na galing sa banyo.
naalala ko si may..kaya dali dali akong pumunta sa banyo.
hindi nga ako nagkakamali si may ang naabutan kong umiyak.. nakayakap sya sa kanyang tuhod at nanginginig dahil sa takot. iyak ng iyak ito.
"ma-may!" sambit ko sa pangalan nya, agad naman syang tumalima at iyak pa rin ito ng iyak..
"mau..wala na si mitch!"nanginginig parin ito ng magsalita.
nilapitan ko sya at tinanong..
"a-anong nangyari may?" takot na takot na rin ako,sino bang hindi matatakot sa sitwasyong ito, na alam naming may killer tyak nanganganib ang buhay namin dito.
nanginginig parin ito dahil sa takot,ikinwento nya ang buong pangyayari.
[flashback]
may's pov.
sa bawat agos ng tubig sa katawan ko,hindi ko parin mawala sa isip ko ang nangyari kanina sa bahay ng tita ni jhon, hindi ko akalain na may anak palang demonyo si mr.tereyaki..kung ganun..nanganganib ang buhay ng mga estudyante dito maging ang mga guro..kailangan kong pigilan ang panganib na iyon.kailangan kong sunugin ang kwartong pinglalagyan ng halamaw.
napahawak ako sa kwintas kong suot.
mula sa labas,may narinig akong katok.. baka si maureen na iyon.dahil narinig ko kanina na mag c-cr sana sya kaya lang andito ako naliligo kaya lumabas sya at sana walang masamang nangyari sa kanya.
narinig ko ang pagbukas ng pinto at kasunod iyon ang malakas na sigaw ni mitch.
nagulat ako dahil sa lakas ng sigaw na mitch.. bumalot ang kaba sa dibdib ko..
gusto kong lumabas pero wala akong lakas na loob para buksan ang pinto ng cr at tingnan kong anong nangyari sa kanya.