Anisah's pov..
Madilim ang pasilyong tinatahak ko para lang mahanap ang one and only love ko na si roldan.
Saan kaya yun..nagsusuot..nakakainis..
Wala akong pakialam kong matawag akong stalker sa kanya.
Napahinto ako ng may nakita akong nakahiga malapit sa kinarorounan ko.
Bigla akong kinabahan, at di malaman ang gagawin
Anong nangyari sakin,bakit ako nagkaganito?
Habang papalapit ako sa taong nakahiga, hawak ko naman ang dibdib ko dahil sa sobrang lakas ng kabog nito.
Nanlaki ang mga mata ko at napaatras nang malapitan ko na ang taong nakahiga.
Si harvey, duguan at wala ng buhay.
Tatakbo na sana ako ng masalubong ko si iana may dala syang kutsilyo at nakangiting humarap sakin.
Hindi ako makagalaw, hindi ko maintindihan ang mga nangyari.
Sinaksak ako ni iana sa bandang kaliwa ng balikat ko. Natumba ako dahil nawalan ako ng balanse.
Napasigaw ako dahil sa sakit.
Naramdaman ko ang pag agos ng dugo sa balikat ko.
Mabilis ang mga kilos kong gumapang palayo sa kanya, wala na akong lakas pang tumayo para tumakbo dahil hindi ko na kaya nanginginig ang kalamnan ko sa aobrang takot at kaba kaya gumapang nalang ako.
Naramdaman ko na sumusunod sya sakin, mas lalo akong kinabahan. Mabilis ang mga galaw kong gumapang palayo sa kanya habang nagsisisigaw baka may makarinig
Naramdaman ko ang matalim na bagay na sumaksak saking kanang binti. Masakit, ang hapdi naramdaman ko pa ang pag agos ng dugo ko sa kanang binti ko.
mas lalong akong humiyaw dahil sa sakit ng muli nitong saksakin ang sugat ko sa kanang binti.
"tama..na..iana..wala akong kasalanan sayo..bakit mo to ginagawa?"iyak ako ng iyak panay din ang gapang ko para makalayo ako sa kanya.
Napahinto ako ng may isang pares ang humarang sa daraanan ko.
Dahan dahan kong inangat ang aking mukha para makita kung sino ang nag mamayari nito.
Nanlaki ang mga mata ko ng mapagsino ito.
"Rey-reynabel"tanging nasambit ko dahil sa pagkagulat. Hindi ko akalain na ang mga maamong mukha ng dalawang ito ay nagbabalatkayo. Mga demonyo pala ang nagtatago sa anghel na maskara.
Ngumisi sya at mabilis ang mga galaw nyang pinalo ako sa dala nyang dos por dos.
Nag ikot ang panangin ko at unti-unting nagdilim ang paligid.
Isa lang ang alam ko.
Makasabwat sila.
----
May's pov..
nagising ako na masakit ang ulo ko. nang maramdaman kong nakagapos pala ang aking mga paa at kamay nagpanic ako.
nagpalinga linga ako sa paligid baka may makita akong tao. madilim ang palig na kinaruruonan ko sa tantiya ko andtio ako sa abandonadong class room dahil maraming mga upuan ang nakatambak sa gilid.
"hmm"nakarinig ako ng mahinang ungol, malapit lang ito sakin. paglingon ko sa kanan ko nakita ko si anisah na duguan ang kanyang kaliwang balikat maging sa kanan nyang binti. gising na din sya tulad ko.
"anisah!"mahina ang boses ko sa pagtawag sa kanya pero sapat na ito upang marinig nya ang pagtawag ko sa kanya.
naalimpungatan sya, tumingin sya sa pinanggalingan ko, nanlaki ang kanyang mga mata ng makita nya ako. kahit madilim nakikita ko ang takot sa mukha nya. pansin ko din ang panginginig ng tuhod nya dahil siguro sa takot o masakit lang talaga ang sugat nya sa binti.
"nasaan tayo may?"nanginginig ang boses nya ng tanungin nya ako.
"sa palagay ko, andito tayo sa abandonadong classroom!"sagot ko habang nagpalinga-linga sa paligid.
"sina iana at reynabel ang may gawa sakin nito..mga walang hiya sila.."natigil ako sa sinabi anisah. napatingin ako sa kanya at kitang kita ko sa kanyang mukha ang panggigil at umaagos ang luha.
"a-ano?"hindi ako makapaniwala sa sinabi nya dahil hindi makapani-paniwala dahil mababait sila.
"oo..ikaw bakit ka nandito, sino ang may gawa sayo nito..?"tanong nya.
"si roldan..sya ang may gawa sakin nito"mahina kong sagot.
"oh..my god, killer ang may love ko.."bulalas nya, nakakainis itong babaeng to..arghh..
"kaya kailangan nating makatakas dito.."sabi ko sa kanya..
"pero paano?"natiglan ako sa sinabi nya. paano nga ba? eh nakagapos kami. napaka slow ko talaga.
natigilan kami ng makarinig kami ng mga yabag papalapit sa kinaruruonan namin.
nagkatinginan kami ni anisah na may halong takot at kaba.
===
UD na po ang hide and seek..
may part 2 na po ng flash drive..
maraming salamat sa pagbabasa
-edvill-