hide and seek c20

66 6 0
                                    

jade's pov..

nagising ako dahil sa sakit ng ulo, dahan dahan kong minulat ang aking mga mata pero bakit ang dilim dilim dito,nilibot ko ang aking paningin sa paligid,kahit madilim tanaw ko ang mga upuan at ang blackboard sa harap.room to ang kinalalagyan ko pero saang room kaya ito?

tatayo sana ako pero hindi ako makatayo dahil nakagapos ako sa kamay,maging sa paa ko.

"shit.."napamura ako ng di oras dahil sa kalagayan ko ngayon. paano ako makakaalis dito kung nakagapos ako.

narinig ko ang pagbukas ng pinto,pinakiramdaman ko ito,lalapit sakin ang mga yabag kung sino man ito.

"kuya jade,gising ka na pala?" kahit madilim kita ko na nandito sya saking harapan, hindi ko maaninag ang mukha nya dahil may maskara sya pero familiar ang boses nya.

"sino ka?anong kasalanan namin sayo?"kahit nanginginig na ako sa takot nilakasan ko ang loob ko at sinigawan ko sya.

"wala..pero may nag aaral dito na may kasalanan sakin,isang malaking kasalanan?"sagot nya sa mga tanong ko.

"sino?pero bakit kami ang pinapatay mo?"sigaw ko sa kanya.

"basta..kuya jade,wanna know me?wanna see behind my mask?"tumawa sya na parang demonyo.

tumango lang ako dahil ito na ang kasagutan sa mga katanungan ko ngayon.


dahan dahan nyang tinanggal ang maskara nya. nang mahubad na nyang tuluyan,napanganga ako at hindi makapaniwala,bakit sya pa?akala ko inosente sya?akala ko hindi nya magagawa ang pumatay?lahat puro akala pero ang totoo demonyo sya? hindi ko na mapigilan ang pagtulo ng luha ko dahil hindi ako makapaniwal na magagawa nya ito?. maraming katanungan ang bumabagabag sakin ngayon.pero kailangan muna akong makatakas sa demonyo nato.

"now,nakita mo na ang mukha sa likod ng maskara"sabi nya sakin.

may kinapa sya sa bulsa nya,at laking gulat ko paghugot nya ay isang napakatalim na kutsilyo.

winagayway nya sakin ang hawak nyang kutsilyo taz nagsalita.

"kuya jade,madali lang to..at pwede ka ng sumama sa kapatid mo!hahaha.."baliw na sya.

hinawakan nya ang daliri ko at pinutol gamit ang kutsilyo,napasigaw ako dahil sa sakit..dahil sa bawat dinadaanan ng kutsilyo ang buto ko sa daliri lumalabas ang maraming dugo..ng maputol na ang daliri ko,itinapon nya sa kung saan. nanginginig ang kamay ko dahil sa sakit.

"tama na..plz...patayin mo na lang ako" mangiyak ngiyak kung sabi.

HIDE AND SEEKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon