hide and seek c-23

63 5 0
                                    

May's pov..

Takbo ako ng takbo sa madilim na pasilyo para lang makalayo sa kanya!

Sino ba sya? Bakit nakatago sya sa kanyang maskara?

Nanginginig ako sa takot habang tumatakbo,hindi ko mapigilan ang hindi umiyak dahil sa sitwasyon kong ito.

May nakita akong nakabukas na kwarto alam kong hindi nya ako makikita dito dahil ang dilim, nagtatago ako sa likod ng pader malapit sa pinto. Nanginginig dahil sa takot, tinabunan ko ang aking bibig sa dalawa kong kamay para hindi ito gumawa ng ingay dahil sa hikbi ko.

"Tagu-taguan maliwanag..ang buwan   ......" Nanlaki ang mga mata ko ng marinig ko ang pamilyar na boses nya. Napadiin ang pagtabon ko sa bibig ko para hindi makagawa ng ingay ang paghikbi ko habang umiiyak.

"May..saan ka.? Haahaha..you can hide but you cant run because you will die..hahaa!"nabingi ako sa lakas ng pagtawa nya. Malapit na sya sa kinaruruonan ko dahil naririnig ko na papalapit ang mga yabag nya sa tinataguan kong kwarto.

Nagulat ako ng biglang may tumakip sa bibig ko..sisigaw sana ako kaya lang pinipigilan ko dahil sa natatakot akong matuntun nya.

Hinila ako ng strangherong ito,papunta sa madilim na bahagi ng kwarto.

"Shhh"napalingon ako sa kanya nawala ang pangamba ko ng mapagsino sya.

"A-anthony" nanginginig kong sabi sa kanya. Para gumaan ang pakiramdam ko,hinawakan nya ng mahigpit ang kamay ko na nanlamig dahil sa takot.

Atras lang ng atras sa anthony dahil naririnig namin na malapit na malapit na sya..

Bogshh

Nakarinig ako ng  kalabog, at alam kong si anthony ang may gawa nito

Arghh..mapadali ang pagkamatay namin dito ah..shit..anthony

==

harvey's pov..

napakadilim naman dito sa girls dormitory, saan kaya nagpunta si anthony, sabi nya pupuntahan lang daw nya si may dahil may kailangan daw silang gawin?

biglang may naisip akong berde at bigla akong napatawa sa naiisip ko..

lakad lang ako ng lakad, hindi ko sinasadyang matabigan ko ang nakaharang na bakal sa daraanan dahil napaka dilim ng girls dormitory.

pupulutin ko sana ng may tumambas sa harapan ko, isang tao na nakasuot ng jabawookees mascara?

napatingala ako at nagsalita..

"sir,walang custome party dito..baka nali.."hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng bigla nya akong inundayan ng saksak sa tyan.hindi ako nakasigaw dahil sa kabiglaan napahawak ako sa tyan ko, naramdaman ko na umaagos ang mainit na likido na nagmula sa tyan ko. dahil sa sakit nalugmok ako sa sahig,,para makatakas sa salarin gumapang ako, sa bawat pagdampi ng mga kamay ko sa sahig, nagmantsa ang sariwa kong dugo. alam kong sumunod sya sakin, isang saksak nanaman sa likod ang natamo ko.

pero pinipilit kong makawala sa kanya, lumalabas na ang dugo sa bibig ko pero kinakaya ko parin na makatakas sa kamay nya. gapang lang ako ng gapang habang sumisigaw.

"tulongggggggg..tulongggggg"sigaw ako ng sigaw pero bakit wala paring tumutulong sakin? saan na ba si anthony, sya lang ang pagasa ko na mabuhay? ayoko ko pang mamatay..

nang biglang hinila nya ang buhok ko at pinataas ang ulo ko. hindi ako makagalaw dahil andito sya sa likod ko nakadagan at tinapat nya ang dalang kutsilyo sa leeg ko.

"goodbye harvey!"ang boses nya,ang boses nya, kilalang kilala ko? hindi ako nagkakamali sya si jfhskjfhsjkfhjsk. shit! hindi ko akalain? tumulo ang luha ko at naramdaman ko nalang ang hapdi at sakit sa leeg ko at biglang naglabo ang paningin ko

3rd person's pov..

Wla ng buhay na iniwan niya si harvey na nakatihaya sa sahig, umaagos ang dugo mula sa leeg nito.

Sina anthony at marah naman, nagpalinga linga sila para makahanap ng daan, nang hindi sinasadyang may naapakan si anthony na tumutunog na tila hindi na parte ng sementadong sahig.

Niyuko ni antony iyon at kinapa kapa, ng makapa nya na tila may hawakan hinila nya at rumambad sa kanila ang lagusan.

Napatingala si anthony kay may at tumango sya para iparating dito na dito sila dadaan at iyon nga ang ginawa nila. Unang pumasok si may sa lagusan at sunod naman si anthony at isinara na nya ang lagusan.

Madilim ang paligid, habang binabagtas nila ang hagdan pababa wala silang idea kung hanggang saan ang katapusanng hagdang ito. Napakataas na hagdan.

Nang maramdaman nila na wla ng baitang na maapakan,sigurado silang nakatapak na sila sa sahig, ang dilim ng paligid.

"May" narinig ni may ang pagtawag ni anthony sa pangalan nya agad naman syang lumingon pero wala syang makita dahil ang dilim wala silang dala kahit flashlight or lighter para magsilbing ilaw nila.

"Anthony,asan ka?"naiiyak na si may dahil sa sobrang takot,dahil feeling nya ay magisa na lang sya dito dahil wala syang makita. Atras lang sya ng atras at naramdaman nya na napasandal na sya sa pader.

Kinapa-kapa nya ang pader nagbabakasakali na may mahanap syang switch,at iyon nga nakapa nya ang switch,ini on nya ito at biglang lumiwanag ang paligid. Atlast nagkita rin sila. Patakbong nilapitan ni anthony si may at niyakap ito ng mahigpit,ganun din si may. Nagyakapan sila.

Humiwalay si anthony sa yakap at nagsalita..

"May,we need to get out of here!"sabi nito at hinila si may sa kamay.

"Sa-sandali"Napahinto si may dahil may napasin siyang nagiisang pintuan at inikis palocked ng kadena. Tumalima naman si anthony at binitiwan ang kamay ni may na kanina ay hawak nya.

Lumapit si may sa pintuan habang si anthony ay kasunod nya.

Nang nasa harap na si may sa pintuan,pinagmasdan nya ito at walang ano-anoy hinawakan ang kwintas nito na may pindat na susi.

Kinuha nya ito at walang ano-anoy sinuot sa padlock,inikot nya ito at nanlaki ang mga mata nya dahil nabukas ang padlock.

Napalingon sya kay anthony, tulad nya gulat na gulat rin ito dahil ibig sabihin dito nakatira ang halimaw na anak ng may ari ng ford academy.

Lumatay ang takot at kaba sa ekspresyon ng kanilang mga mukha..

HIDE AND SEEKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon