hide and seek c-5..

200 12 2
                                    

may's pov..

nagsilabasan na ang mga kaklase ko, dahil recess na..habang ako nakaupo pa rin akong mag isa.

kaya ako pumasok dito sa ford academy dahil may dahilan ako, hindi katulad ng mga kaklase ko na pumapasok lang dito dahil pasosyal sa iba.

may naalala ako, huling pag uusap namin ni ate marah bago sya namatay..

-flashback-

"ate..kakauwi mo pa lang ah..aalis ka na agad..one week ka palang nag stay dito??"napansin ko kasi syang bihis na bihis na nagsuklay sa buhok nya sa harap ng salamin..

"may night vigil kasi sa ford academy.."tangi nyang sagot sa tanong ko, habang nakatalikod sakin, napagmasdan ko ang repliksyon nya sa salamin..

nanlaki ang mga mata ko at nagimbal ako sa nakita sa salamin..

dahi si ate marah ay..

walng ulo.

napansin siguro nya ang pagatras ko  dahil  nilingon nya ako..

"bakit??"tanong nya sakin na nagtataka.

"hwa-hwag ka ng umalis ate,natatakot ako para sayo???"nanginginig ako na sabihin ko iyon sa kanya.

nilapitan nya ako, at niyakap.

pagkatapos nya akong yakapin na mahigpit kumawala sya sa yakap..

napansin ko ang pagtulo ng luha nya, iyon ang nakapagtataka.

"a-ate??" tanging na sambit ko.bakit umiyak ang ate ko???may problema ba ito..

"may sasabihin ako sayo may..isang sekreto sa ford academy..pag mawala ako ngayong gabi gusto ko ikaw ang makadiskobre nun..kaya pumasok ka sa ford next year.."sekreto???sa pinapasukang paaralan ni ate?? at ano naman kaya iyon..gusto kong malaman??

"a-anong ibig mong sabihin ate??"puno ng pagtatakang tanong ko..

"narinig ko na may kausap ang dean namin sa ford academy...

flashback..

nagkagulo na ang nasa labas bunga ng pagputok ng chemical sa lab ng 4-e.

""marah,puntahan mo ang dean?"utos ni teacher rianne sa kanya.

naalerto naman ito at dali daling tinungo ang office ng dean..

pagdating nya sa pinto, huminga muna sya ng malalim bago kumatok..

kakatok na sana sya ng marinig nya ang dean na may kausap sa phone..

malakas ang boses ng dean tila galit na galit, kaya agad na intriga si marah, nilapit ya ang kanyang tenga sa pinto para umpisahan na makinig..

"ano??"bulalas ng dean sa kausap..

"oo,nasa akin ang susi ng lagusan" dagdag pa nya.

"lagusan??para saan at anong mayron duon??"sa isip ni marah..

"sige..sige..bye.."pagkasabi ng dean, 

naalerto si marah agad itong nagtago sa gilid ng pasilyo para hindi sy makita ng dean,may plano sya,,,kukunin nya ang susi sa office ng dean..

HIDE AND SEEKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon