“tagu-taguan, maliwanag ang buwan..tayo’y maglaro ng tagu-taguan mula sa harap at mula sa likod, magbilang ng tatlo kailangan makatago na kayo..
1….
2…
3…
Huli kayo!” sigaw ng bata.
Pagkatapos nyang sabihin ang mga katagang iyon, hinanap nya ang mga kalaro nya.
Pumunta sya sa mga halamanan..
“huli ka!”walang tao..
Saan kaya sila nagtatago..hm..
May narinig syang hagikhik sa likod ng puno, napangiti sya dahil alam na nya kung saan nakatago ang mga kalaro nya..
Lingid sa kanyang kaalaman may taong papalapit sa kanya at may dalang kutsilyo na kumikinang pa..
Dahan dahang lumapit ang tao sa bata…
Hinablot nya ito..
“ahhhhhhhhhhhhhhhhh”sigaw ng bata dahil sa takot..
Nanlaki ang mga mata ng bata ng Makita ang makinang na kutsilyo, nanginginig sa takot ito at umiiyak dahil sa takot na takot sya..
“wag po..parang awa nyo na..!” napaatras ang bata dahil sa takot..
Pero parang walang kaluluwa ang nasa harap nya agad syang inundayan ng saksak..
Isang saksak sa ulo..
Dalawang ..
Tatlo.
Hanggang sa naghihingalo na ito,umalis na ang killer..
Ang tatlong batang kanina nagtago sa likod ng puno ay lumabas.
Nanlaki ang mga mata nilang nakatingin sa kalaro nilang naliligo na sa sariling dugo..
“tu-tulungan nyo ako..parang awa nyo na!”naghihingalo na ang bata..habol hininga na ito dahil sa natamong saksak sa ulo, sa tyan at sa dibdib..
Nataranta ang tatlo, imbes na tulungan ito..tumakbo sila..
==