hide and seek c25

45 1 0
                                    


May's pov..

Siniksik namin ang sarili sa madilim na bahagi ng silid na ito, kung saan madaming mga upuan na pinagpatong patong. Pigil ang hininga ko at tinakpan ko ang bibig ko sa kamay ko. Nanginginig na ako sa takot dahil takot akong mamatay. Hindi ko na alam ang gagawin ko.

Sinulyapan ko ang dalawang lalaking kasama ko, takot din ang rumihestro sa kanilang mga mata tulad ko nanginginig sila sa takot, tagaktak ang pawis.

Naramdaman naming pumasok sya at sinisipa ang bawat nadaanan nya. Panay parin sya sa pagkanta ng tagu-taguan at humalakhak na parang demonyo.

Papalapit na sya sa pinagtataguan namin, natatakot na ako, ayoko pang mamatay..

Nakita ko si anthony na pinulot ang bakal sa tabi nya at mahigpit nyang hinawakan.

Narining ko ang pagbilang nya hanggang tatlo, saktong pagkatapos ng tatlo ay nasa harapan na nmin sya.

Napasigaw ako ng malakas..

Hinataw ni anthony ang killer sa hawak nyang bakal, natumba ang killer dahil sa lakas ng paghataw nya. Akma na sanang lalapitan ni anthony ang killer ng undayunan sya ng saksak sa sikmura!

Hindi ako nakapagsalita dahil sa nasaksihan ko. Kitang kita ko ang pag agos ng dugo sa kanyang bibig at impit ng sigaw dahil sa sakit.

Hinablot pa ng killer ang kutsilyo sa kanyang sikmura at inundayan pa nya ng saksak sa likod, duon na natumba si anthony.

Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko dahil sa sobrang shock.

Tumingin sya sakin at binuka nya ang kanyang bibig..

"Run!" Ang pagkaintindi ko.

Hindi parin ako gumagalaw, naramdaman ko nalang na hinila ako ni roldan palabas ng silid. Tumakbo sya habang hila hila nya ako, na wala ako sa sarili ko at shock parin ako hanggang ngayon.

Naramdaman kong huminto si roldan, napatingin ako sa kanya.

Napaatras ako ng makita ko na sumilay na ngiti sa kanyang labi.

Mabils ang pangyayari, sinuntok nya ako ng ubod na lakas sa sikmura ko.

Napahawak ako sa sikmura ko dahil sobrang sakit at unti-unting nagdilim ang paningin ko

----

Malapit ng matapos ang hide and seek.. tatapusin ko na ito..

Maraming salamat sa pagtingkilik sa mga gawA ko..

Edvill

HIDE AND SEEKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon