hide and seek c 27

91 2 0
                                    




may's pov..


nagkatinginan kami ni anisah ng marinig namin ang mga yabag na paa papalapit sa kinasasadlakan naming silid.

mas lalo akong kinabahan ng makita ko ang door knob na unti-unting umiikot.


ng tuluyan ng bumukas ang pinto, nakita ko sina roldan, iana at reynabel na pumasok sa silid.


nakangiti silang nakatingin samin.


"gising na pala kayo?"nakangiting turan samin ni roldan.


"a-anong ibig sabihin nito? magkasabwat kayo? paanong?"hindi ako makapaniwala sa mga nalalaman ko. paanong makasabwat sila, eh hindi nga sila magkakilala.


"magkakakilala kami, hindi lang magkakilala..magkapatid kaming tatlo.."nanlaki ang mga mata ko sa pagkagulat. 


"a-ano?"bulalas ko.


"kung ganun..pinlano nyo lahat ito..hindi ba? diba kayo rin ang pumatay sa kanila..hindi ba?"napatingin ako kay anisah.


"oo pero hindi lahat!"wika ni iana.


"anong ibig mong sabihin?"mas lalo akong naguluhan dahil ang boung akala ko sila yong pumapatay pero mayron pa pala.


narinig kong tumawa si reynabel.

"oo, tama ang iniisp mo hindi lang kami nagiisa..mayron pa pero take note kalaban namin sya hindi namin sya kasabwat!"

sheyt! sumasakit na ang ulo ko sa kaiisip kong sino at ano? anong ibig nilang sabihin na hindi nila kasabwat ang isang pumapatay? paano nangyari yun? hindi ko maintindihan ang mga nangyari.


"kaya ba kayo pumapatay dahil sa kanya? naghihigante ba kayo? pero bakit? at anong kinalaman namin dito? wala kaming kasalanan sa inyo. bakit noy to ginagawa samin.."umiiyak na si anisah.


"exactly, anisah..umiiral din pala ang pagkamatalino mo noh..alam mo kung bakit namin to ginagawa..simple lang, ang patayin kayong lahat.."lumapit si iana kay anisah at hinawakan nito ang baba ni anisah at pinaharap sa kanya.

narinig namin na may pumalakpak sa likod. nagulat ako at hindi makapaniwala.


bakit sya, bakit sya pa?


tumulo ang luha ko dahil hindi ako makapaniwala sa nakikita ko, hindi ko akalain na sya pala ang humahabol samin ni anthony kanina dahil sa suot nyang itim na pants at tshirt, sa kaliwang kamay  din nya hawak nya ang maskarang makapagpatunay na sya talaga ito at sa kabilang kamay may hawak syang isang container na kulay blue, malamang isa itong gasolina.


"sa wakas, nagkita-kita rin tayong mga demonyo..hindi ba kayo masaya?"isang malapad na ngiti ang ibinigay ni junjie sa tatlo.


at first, gulat ang rumehistro sa kanilang mukha pero ng lumaon ang gulat ay napalitan ng ngiting demonyo.


"masayang masaya dahil mapapatay ka na namin.."susugod na sana si iana kay junjie kaya lang inilabas nya ang lighter na nasa bulsa nya. hindi ko namalayan natumba na pala nya ang dala nyang container na puno ng gasolina.


"kung mamamatay man  ako ngayon gusto ko kasama kayo, kasama ko kaya sa impyerno.."initsa ni junjie ang hawak nyang lighter. napaatras ang tatlo dahil nagsimula ng lumiyab ang apoy.


nagpumiglas kami ni anisah para makawala sa tali, natumba na kami hindi parin natanggal..


nagulat ako ng makarinig kami ng sigaw, napatingin ako sa likuran ko.

nanlaki ang mga mata ko dahil si junjie pala nag nagmamay ari ng sigaw na iyon dahil kinain sya ng malaking ahas, kasunod non sina roldan, reynabel at iana.


napaatras kami ni anisah, dahil sa takot. 


lumapit sya kay anisa at walang ano-anoy nilamon nya ito, sa bawat pagnguya nya, tumatalsik ang dugo ni anisa sakin.


napasigaw ako ng malakas.


gusto kong tumakbo pero paano ako makatakbo eh, nahihirapan akong alisin ang mga tali sa paa ko  maging sa kamay ko.


nanginginig ako sa takot, hindi ko hawak ang buhay ko, anumang segundo nito pwede nya akong kainin.


gumapang sya papalapit sakin, wala na akong magawa kundi ang ipikit nalang ang mga mata ko at tanggapin ang kapalaran ko.

==


author's note..


hehehe..pasensya talaga, wala na talaga akong plano tapusin ang kwentong ito pero tatapusin ko nalang para sa inyo. sayang naman ang mga votes at reads kung idedelete ko ito sa works ko..sayang talaga. kaya tatapusin ko na ito..

1 to 2 chapters to go.


yes, malapit na, malapit na malapit ng matapos. sa 3yrs na pagawa haha..atlast matatapos narin itong kwento na ito.. salamat sa nyo sa pagsuporta..hehehe.














Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 30, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

HIDE AND SEEKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon