Chapter 3 - Part 5

7 1 0
                                    

Part 5

"At ito po si Master Showman, na nagpapaalalang, ikaw ang bida sa kwento ng iyong buhay. Magandang gabi po, mga kapamilya..."

"Hindi mo lamang inaksaya ang oras ko. Kinopya mo pa ang joke ko kanina. Walang originality!"

Sa gabing nagbunyag sa tunay na katauhan ng tanyag na payaso, nalaman ng lahat ang koneksyon nito sa dakilang punong kanilang tinatayuan. Pero hindi pa roon natapos ang pagkukwento.

"At ang title ng MMK episode natin ngayon gabi ay... Boteh..."

Nakaupo sa isang maliit na sanga si Kidlat Florante habang nagmamasid sa nalalapit na sagupaan. Si Winter Faraon nama'y nakapamewang pa rin ilang metro ang layo sa payaso, habang hawak-hawak ang isang napulot na piraso ng sanga.

"Ngayong alam n'yo na ang nakaraan, ang mana tree na produkto ng ilang taon naming pag-aaral ang tutupad sa pangarap naming dalawa. Ang kapangyarihang mas hihigit pa sa mga inheritor!"

Ngunit si Winter, kumunot lamang ang noo. Tila may isang bagay siyang hindi maintindihan.

"Ibig mong sabihin, pumapatay ka ng mga inosenteng inheritor dahil sa trahedyang nangyari sa iyong kapatid?"

"Hindi pa ba obvious?" sagot naman ng payaso. "Malamang, kung nagawa niyang mabuhay, kanyang ipinagdiriwang ang dakilang Mana Tree sa inyong harapan!"

Napabuntong hininga na lang ang binata sa kanyang narinig.

"Engot ka rin, ano?" pahayag ni Winter.

"Ha?" pagtataka ng payaso.

"Hindi man lamang ba pumasok sa'yong kokote ang tunay na kagustuhan ng iyong kapatid? Ang kanyang layunin buhat nang siya'y unang mag-ensayo?"

"At ano namang pinagsasasabi mo, Winter Faraon?"

Muli, napabuntong-hininga ang binata.

"Hay... Ikaw ang kanyang kapatid ngunit hindi mo nagawang makuha ang kanyang kagustuhan. Ang pangarap niya'y hindi lamang maging isang bayani o maging superhero tulad ng iyong nasabi. Ginusto niyang maging isang simbolo. Ang maipasa ang kanyang mga pangarap sa susunod na henerasyon!"

Agad nanlisik ang mga mata ng payaso.

"Kasinungalingan!" gigil na sagot ni Master Showman matapos umugong ang kanyang mikropono. "Hindi ka pa isinilang sa mga araw na nilinlang kami ng gobyerno! Wala kang karapatang sabihan ako tungkol sa aking kapatid!"

"Bovo ka talaga. Eh anong ibig sabihin ng lubos niyang pagtulong sa'yo maging sa inyong mga kaibigan?"

Sa mga sandaling iyon napatulala si Master Showman. Si Kidlat nama'y napangiti sa kanyang narinig.

"Wala akong anumang ideya kung pinaniwalaan niya ang panganib sa mana training. Ngunit nagpatuloy pa rin siya sa kabila ng mga haka-haka, alang-alang sa hinaharap. Kung ako ang tatanungin, gano'n katatag ang kanyang pananaw. Nakakalungkot lang isipin na hindi ka tumugma sa nakatatanda mong kapatid."

"Kasinungalingan."

"Kung hindi mo maunawaan ang mga sinasabi ko sa'yo, walang problema..."

Muling isinuntok ng binata ang kanyang kamao sa kanyang palad.

"...itutuwid ko ang kokote mong puno ng kahibangan!"

*

Animo'y isang bulalakaw na bumagsak sa pagitan ni Winter at ng payaso ang isang nilalang na nagmula sa kadiliman ng kalangitan. Sa lakas ng pagbagsak ay lumikha ito ng isang mabilis na pagyanig sa higanteng sanga kasabay ang pagkalat ng alikabok sa paligid.

A Knight's Tale Vol. 0 [Tagalog Fantasy Anime]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon