Chapter 6
NAPAKAINGAY ng buong silid, lahat ay may kanya kanyang sinasabi at pilit na nakikipagtalo sa isa't isa. Iba't ibang opinyon ang patuloy na nagsasagupaan. Kung may makakapanood man sa kanila ay tiyak na maguguluhan talaga. Ramdam na ramdam ng bawat isang nando'n sa silid ang paglaganap ng tensiyon.
"We set this meeting up to settle this issue. So be calm, Baylee, hindi naman ito matatapos kung lagi kang nakasigaw," mataray na sabi ni Evie.
Nagpupuyos na bumaling si Baylee sa pinanggagalingan ng boses.
"Paano kasi ay pilit ninyong sinasabi na patahimikin na lamang ang issue na 'to. Settle? That's your way of settling the issue? Patatahimikin na lang? Ha! It's very obvious kung anong gagawin dito. Munzio should be in jail right now!" pilit na pinaupo ni Andie ang kanyang asawa para pakalmahin.
"Mapapangasawa ng anak ko 'yon! Itinuring na naming parang anak si Dara tapos bababuyin lamang ng gagong 'yon!" galit pang dagdag ni Baylee.
Sergio coldly stared at Baylee, "It's my son that you're calling a nincompoop."
"Bakit totoo naman, kuya ah. Gago iyang anak mo!"
"Baylee!" saway ni Andie kay Baylee.
"I agree to what Baylee said, Kuya," Marigold cut in. "It's very obvious na kailangang makulong ni Munzio. He's my nephew but that doesn't mean na kukunsintihin ko siya. Paano kung maulit iyon?"
Suminghap si Sabel sa sinabi nito. Sa loob ng ilang taon niyang pag-aalaga kay Munzio ay napakabuti nitong tao, "Alam mong hindi ganyang tao si Zio. You knew him for years! He was just drunk!"
Humagalpak ng tawa si Othello. Nabaling sa kanya ang atensyon ng nasa kuwartong iyon. Tumigil lang ito para magpahid ng luha, "Drunk, really? He must be super drunk then. Naglalasing naman kami pero hindi kami umaabot sa puntong mamimilit kami ng babae. At ang pagkakaalam ko, nando'n ka. Nakita mo. You witnessed it. 'Tapos you're still defending him."
"Kaya kuya, hindi mo dapat kinakampihan iyang anak mo dahil kahit sa korte, hindi uubra iyang nga dahilan niyo. Bakit hindi niyo na lang kaya isuko sa mga kapulisan? Tutal marami namang nakakita," Dagdag pa nito.
"Hindi ako makapaniwala na magagawa 'yon ni Munzio. Among our children, he was the one I really adored. He's intelligent, calm, composed and very responsible. I even lectured my sons to be like him but I regretted it now," naiiling na sabi ni Maiya na bakas sa mukha ang disappointment na nararamdaman nito.
Hindi naman maipinta ang mukha nina Evie at Durham sa takbo ng usapan habang tahimik lang na nagmamasid ang kanilang tatay na si Mando sa takbo ng usapan. Samantalang si Cameron at Cordelia ay hindi alam kung sino ang kakampihan sa nagtatalong panig. There's fault and consequences in every choices.
Nagpipigil ng galit si Sergio sa mga sinasabi ng kanyang mga kapatid tungkol sa kanyang panganay na anak. Kahit alam niyang tama ang mga ito ay hindi niya mapigilan na ipagtanggol ang anak. Sinong ama ang gugustuhin na makita sa kulungan ang anak? Kahit siya ay hindi rin maintindihan ang ginawa ng kanyang anak. Matindi rin ang galit niya sa nakakabatang kapatid na si Baylee sa pambubugbog nito sa kanyang anak.
"May spekulasyon at tsismis ng kumakalat. Naapektuhan na ang ating reputasyon at imahe dito sa ating lugar," si Evie. Sinabi ng kanyang katulong na kumakalat daw sa kanilang baryo na may ni-rape daw ang isa nilang kapamilya. Walang binabanggit na pangalan ang tsismis kaya naman tila lalong nagbigay ito ng kuryosidad sa mga tao. Hindi matukoy kung saan nagmula ang tsismis na siya naman niyang ikinabahala.
Hinarap ni Andie si Evie at matalim na tumingin dito, "Really Evie? That's your only concern? Alam mong may naagrabyadong tao tapos diyan ka pa rin nakapokus?"
BINABASA MO ANG
He Badly Wants Her (R-18)
RomanceWARNING! SPG | R- 18 | MATURE CONTENT! He violated her. And now, she hates him. Hindi mapagkakailang atraksiyon ang naramdaman ni Munzio 'Zio' Eleazar sa kanilang unang pagkikita ng babaeng unang nagpatibok ng kanyang puso, Daidara 'Dara' Sevita. T...
