Chapter 12
May 2017
SHE WAS in already in 17th weeks of her pregnancy. Her swollen belly was bigger than normal pregnancy. Palagian din iyong pinapansin ni Manang Rosa at Sisa dahil hindi iisang beses na tinanong ng mga ito kung pang-ilang buwan na siya sa kanyang pagbubuntis. Sometimes she would feel weird fluttery in her stomach.
Everything falls into a routine. She would wake up from trying to throw up everything she ate or from the discomfort she felt. Maaga siyang gumigising at nag-aalmusal. Pagkatapos ay maglalakad lakad sa hardin o gagawin ang mga exercise naitinuro sa kanya ng kanyang doctor.
Everyday, she would find roses at her doorstep as everytime she find roses, she mercilessly throw it away. Minsan na niyang nahuli si Manang Rosa na kinukuha ang bulaklak na itinatapon niya at inilalagay sa vase sa ibaba.
After the day she found out that she was carrying a twin, something changed the way Munzio behave. He would often try to talk or initiate a conversation with her. It was very different from his silent personality.
Sa tuwing tatangkain nitong kausapin siya ay iniignora niya ito. She would often make demands to let him suffer pero wala siyang naririnig siya na kahit anong reklamo dito. Walang araw na hindi niya pinaramdam dito ang kanyang galit. Ang kanyang ipinagtataka ay kung bakit napakahaba ng pasensiya nito sa kanya. Most of the time, she would do worst of things to wear out his patience but it never happens and it appear to fuel his determination more.
Ilang buwan na niyang hindi nakikita ang kanyang pamilya. Nang huling tumawag ang mga ito para kumustahan ang kanyang kalagayan at magbigay ng mga payo tungkol sa pagbubuntis ay nabanggit ng mga ito na alam na ni Ares kung nasaan siya at kung sinong kasama niya. She got a feeling that his whole family or maybe his clan already knew. Ares even asked for her new number. There were times that she would think hard about what would Ares felt about this. Would he try to come for her or let his Munzio have his way?
Bihira ng sumagi sa isipan niya ang kanyang dating kasintahan because she was more occupied on what schemes she would do to ruin Munzio's day. Mas nagpokus siya sa galit niya kaysa sa pagmamahal niya kay Ares.
Lumabas siya ng kuwarto para sana kumuha ng mango shake na kanyang bagong kinahihiligan bukod sa leche plan at ube. She was descending the stairs when her phone rings.
Unknown number calling.....
Sino kaya 'to? tanging pamilya lamang ang nakakaalam ng kanyang bagong numero. She hesitantly clicked the green button. "...hello?"
Walang sumagot sa kabilang linya, "Hello?" she stated once again more firmly, "Hello? Sino ba 'to?"
A long silence followed. Akmang ibaba na niya ang telepono ng magsalita ang nasa kabilang linya, "Dara..."
Nanlamig ang kanyang pakiramdam at bumilis ang tibok ng kanyang puso. Hindi siya kaagad nakahuma dahil sa narinig. Her hands holding the phone started to sweat coldly, "Dara....ako 'to si Ares."
"Ares?" Her voice quivered. Hindi niya napaghandaan ang muli nilang pag-uusap.
"H-hon are you o-okay? Where have you been? I've been trying to talk to you since you that happened! Mom decided to give you space. I gave you space then you went missing! Missing! Tinatanong sa pamilya mo kung nasaan ka pero wala silang maibigay. Hinanap kita kung saan saan pero hindi kita makita.
Not until, I begged your family to tell where you are!And I must say you they told me the most absurd thing I ever heard. They told me you were living with that fucktard cousin's of mine! Of course I'm not going to believe that, Lolo make sure to sent that bastard to the another country. Are you mad at me? Alam kong galit ka. Hon, I'm sorry. I've done everything I can para makulong ang hayop na 'yon but Lola Jes health was at risk. I'm very sorry hon. Please tell me where you are and I am going to fetch you. We are going to talk over okay? Please tell me where you are...nababaliw na ako sa pag-aalala sa'yo," napakabilis ng pagsasalita ni Ares gamit ang boses na punong puno ng pag-aalala, pagmamahal, galit at pangungulila. Her breathing became ragged and her eyes started to water.
Hindi niya maiwasang ma-guilty dahil sa nalamang pinaghahanap pala siya nito. Halos bilang lamang sa daliri niya na naalala niya ito dahil halos kay Munzio nakatuon ang atensiyon niya.
"Ares..." his name only came out as croaked.
"H-hon D-dara please tell me where you are. Susunduin kita. I love you. I love you. I love you," her heart broke at the desperately in his voice.
"Ares...tama sila mama."
"Anong tama sila? Anong ibig mong sabihin D-dara?" naguguluhan nitong tanong.
"I'm with... I'm with Munzio," mahabang katahimikan ang namayani sa pagitan nilang dalawa.
"A-ano?! Bakit...h-how...anong ginawa niya sayo? S-sinasaktan ka ba niya?! Tell me your address! San ka niya dinala? I will kill that fucking son of a bitch! He—"
Hindi na niya napakinggan pa ang mga sumunod na sinabi ni Ares ng maramdaman niya ang presensiya sa likod niya.
A surprise gasp escaped her lips when she found out that it was Munzio. He was standing while tightly holding the banister that cause his hand to turned white. Ang mukha ay puno ng iba't - ibang emosyon na nagpalito sa kanya. It was full of pain, anger, jealousy, fear, panic and something deeper she couldn't explain.
Tila ba may gusto itong sabihin pero nanatiling tikom ang mga bibig. His jaws tightened when he saw the fear in her face. Like he was in deep pain. Napaatras siya sa tindi ng emosyon at tensiyon galing dito. Bumalatay ang sakit sa mukha nito sa pag-atras niya dito. She felt something tugged in her heart at his disposition.
"Siya....siya pa rin. Siya pa rin hanggang ngayon..." he started to laugh. Gusto niyang yakapin at magpaliwanag dito ngunit pinipigilan siya ng isang parte ng kanyang isipan. Bakit nga naman siya magpapaliwanag dito?
Napasakit pakinggan ng tawa nito. It was humorless and full of pain, "Can't still replace him...no matter what," he was shaking his head while laughing bitterly.
Bago pa siya makapagsalita ay nilampasan na siya nito. Her heart clenched for an reason unknown to her. She stared at his retreating back.
Hindi niya alam kung ilang oras na siyang nakatayo doon. Hindi niya namalayan ang pagdaan ng oras. She didn't even notice worried Ares on the other line. She was too focused on the clenching pain on her chest. There's an idea why Munzio was acting like that but she keep pushing the idea back.
ITS BEEN TWO weeks since that incident happened. Isang linggo na rin na hindi niya nabubuksan ang kanyang cellphone dahil sa panay na pagtawag ng kanyang dating kasintahan. Isang linggo na siyang hindi nakakatunghay ng bulaklak sa kanyang pintuan.
Since that day, Munzio never pays attention to her not even trying to talk to her. She would often make outrageous demands hoping it will rise some protests but she didn't receive any. Sa mga panahong iyon, hindi siya mapalagay sa kanyang nararamdaman. Hindi ba dapat siyang matuwa na tila unti-unting nawawalan na ng interes ang lalaking iyon sa kanya at sa bata?
Then, why she always feel this sinking feeling in her stomach when Munzio didn't even throw a glance at her direction? Palagian din itong uuwi ng sobrang lalim na ng gabi.
Napagdesisyonan niyang tumambay sa sala habang nag-iisip. Maya-maya pa ay dumaan sa harapan niya si Sisa na may dala dalang papaya.
"Anong lulutuin mo, Sisa?" tumingin sa kanya si Sisa na para bang may kakaiba sa kanya.
She already knew what it was. Bihira niyang kausapin ang mga katulong dahil lagi siyang nakakulong sa kuwarto o kaya ay nasa hardin, "Tinola po, Ma'am. Paborito po kasi ni Sir Zio 'yon. Madalas po kasing hating gabi na si Sir. Naisipan po ni Manang na ipagluto si Sir ng paborito niya."
Tumango tango lang siya. Nang akmang tatalikod na si Sisa ng magsalita ulit siya, "Puwede ba akong tumulong?" nanlalaki ang matang bumaling sa kanya si Sisa.
Sisa inspected her like she had grown two head, "M-maam okay lang ba kayo? Okay lang ho kahit ako na lang."
"No, tutulong ako," aniya sabay kuha ng mga dala nitong papaya.
Agad naman iyong binawi ni Sisa. "Ay, Ma'am ako na ho magdadala. Baka mapaano baby niyo. Sunod kayo sa'kin," nagderetso sila sa kusina.
"Marunong ho ba kayong magluto ng tinola?" kapagkuwan ay tanong nito.
She stared at her and hesitantly said, "Hindi."
Tumaas ang dalawang kilay ni Sisa, "Eh, Ma'am paano kayo makakatulong eh wala naman pala kayong alam?"
Iniiwasan niya ang mapanuring tingin nito, "Sabi ko tutulong ako kasi pag-aaralan ko. Gusto ko din ng tinola. "
"Parang wala naman kayong sinabi kanina na pagtutunan niyo."
"Ganoon na rin 'yon! Tutulong ako kasi gusto kong matuto. Wala naman magawa maghapon," she said defensively.
Kinuha ni Sisa ang manok at hinugasan habang siya ay dahan dahang binalatan ang papaya, "Eh paano kasi Ma'am wala si Sir kaya wala kayong mapag-initan este mautusan pala."
Her forehead creased, "Kailangan ko ang mga iniutos ko."
"'Yon nga ang sabi ko Ma'am. Mahalaga talaga sa buntis ang magpalinis at magpalampaso ng kuwarto, magpapintura ng kisame, magpalinis ng buong banyo, ipalaba ang lahat ng mga damit, magagawa ng rose garden sa tabi, magpagawa ng crib, magpakuha ng fresh na fresh na mangga araw araw, magpatanim ng mga saging sa likod ng bahay, magpagawa ng kabinet, magpaluto ng sandamakmak na leche plan at ube, palitan ang carpet ng buong sala, at pag—" pinutol niya ang mahabang litanya ni Sisa tungkol sa mga ilang pinagawa niya kay Munzio.
"I told you mahalaga para sa bata 'yon," Daidara defensively said.
"Iyon nga ang sinabi ko Ma'am napakahalaga talaga. Hanga nga ako sa haba ng pasensiya este tiyaga at kasipagan ni Sir eh," patuloy ang pagsasalita nito habang inihahanda ang mga ingredients na kakailanganin.
"Kaya lang mukhang laging problemado si Sir nitong mga nakaraaang araw. Palaging lasing uuwi eh," komento bigla nito.
Lasing? Tumahimik na lamang siya habang iniisip ang huling sinabi nito.
Sinimulan niyang hiwain ang papaya ng biglang sumigaw si Sisa, "Ma'am! Hindi ganyan ang paghihiwa ng papaya," napapitlag siya sa lakas ng boses nito.
"Akin na mga Ma'am. Ganito oh ipapakita ko sa inyo," kinuha nito ang kutsilyo at ipinakita kung paano ang tamang paghihiwa ng papaya.
Sa buong oras ng pagluluto nila, palagiang nakabantay si Sisa sa mga ginagawa niya. Hindi na siya nakialam sa iba pang lulutuin nito dahil pakiramdam niya ay mas lalo siyang nakaistorbo at lalong tumagal ang pagluluto nito dahil sa pagtulong niya.
Pagkatapos magluto ay umakyat siya sa kanyang kuwarto para magpalit ng damit. Sobrang pinagpawisan siya kanina. Siguro 'di talaga para sa'kin ang pagluluto.
Paligian ang kanyang ina ang nagluluto para sa kanila dati. Wala talaga siyang talent sa pagluluto. Mabuti na lamang ay may katulong siyang kasama sa bahay. Kahit hindi siya sanay na pinagsisilbihan ay nasanay na rin siya sa pagdaan ng mga buwan.
Pagkababa niya, mag-isa lamang siya siya na umupo sa hapagkainan. Pasimple siyang luminga-linga sa paligid.
"Ma'am may hinahanap ka?" biglang sumulpot si Manang Rosa sa tabi niya na may dala dalang pagkain.
"Wala po," tanging nasabi niya.
"Kumain na ho kayo? Sumabay na kayo sa'kin," alok niya kay Manang Rosa. Naguguluhang tiningnan siya nito na para bang iba siyang tao. Ngayon lamang kasi niya inalok ang mga ito na sumabay sa kanyang pagkain. She realized that she became too focused on her anger than the people around her.
"Hindi na Ma'am. Mamaya pa ho kami kakain," sabi nito at tumalikod na papuntang kusina.
Mabagal niyang tinapos ang pagkain bago nagpasyang pumasok sa kanyang kuwarto. Hindi siya mapakali sa kanyang pagkakahiga kaya naman nakapagdesisyon siya na magbasa na muna ng aklat. Hindi siya mapakali dahil na narinig niya kay Sisa kanina. Alam niyang iniiwasan siya ni Munzio pero hindi niya alam na lagi itong naglalasing.
Is that worry that I hear? tanong ng isang bahagi ng kaniyang isipan.
No, no, no, this can't be!
She leaped from where she was sat earlier when she heard a car engine from the garage below. It's already twelve thirty in the morning! Hindi niya napansin na nakatulugan na niya ang pagbabasa.
Then suddenly, she heard a crash followed by deafening sounds of glass breaking. Tumayo siya para tingnan kung ano ang pinagmumulan ng ingay.
Her mind was screaming disapproval but her curiosity pushed her to do more. Nang makarating siya sa gitna ng hagdanan ay natanaw niya ang nabasag na flower vase sa may tabi ng pintuan pero wala siyang napansin kung sino ang salarin sa pagkasira nito. She noticed that the doors were opened.
Dahan-dahan siyang naglakad para isarado ang pinto. Before she closed the door, she looked around to see who entered the house. Napalingon siya sa parte ng kusina ng may tila pagkabasag ng baso na naganap doon. Lumakas ang pagtahip ng kanyang dibdib. Her feet started to walk towards the kitchen.
No! That could be a thief or murderer! You are pregnant for Pete's sake! her mind repeatedly screaming at her.
Bago pa siya makapasok sa kusina ay bumungad na sa kanya ang namumulang mukha ni Munzio. His hair was disheveled and his eyes was bloodshot. He smiled when he saw her.
"Han..*hik*..dito...pala ang *hik* ang asa..wa ko," he happily said while hiccupping.
Pasuray-suray itong lumakad papalapit sa kanya kaya unti unting siyang napaatras.
Kumunot ang noo nito sa ginawa niyang pag-atras. "Ba't... ba't ka na nalayo? Dito...dito ka lang," sabi nito saka mabilis na humakbang papalapit sa kanya.
She stood there, frozen unable to run. She remembered the last time she encountered him while he was drunk. And it was very traumatic and still haunting her everytime she looked at his face.
End of chapter 12
If you like this particular chapter, please vote on it. I appreciate every votes and comments from you guys. Voting is a huge support on authors. Thank you!<3
BINABASA MO ANG
He Badly Wants Her (R-18)
RomanceWARNING! SPG | R- 18 | MATURE CONTENT! He raped her. He violated her. And now, she hates him. Hindi mapagkakailang atraksiyon ang naramdaman ni Munzio 'Zio' Eleazar sa kanilang unang pagkikita ng babaeng unang nagpatibok ng kanyang puso, Daidara 'Da...