Chapter 10

5.1K 59 0
                                        

Chapter 10

SHE OPENED the doors that leads  to her room’s balcony. Inilapag niya ang hawak na baso ng gatas sa lamesang naroroon. There’s a faint orange light from the east indicating that the day is about to start.

Nagising na naman siya dahil sa pagbaliktad ng sikmura niya. Hinaplos niya ang tiyan kung saan naroroon ang anak niya. Hindi siya kaagad nakatulog kagabi dahil sa pag-iisip ng mga plano kung paano ipaparamdam kay Munzio ang pagsisisi sa mga ginawa nito. His behavior deeply bothers her. It’s seems like he extremely care for her and her baby. Sobrang mapagpasensiya rin ito sa kahit anong gawin niya.

Maybe it’s the conscience that was eating him. Yeah, it’s the conscience, pagkumbinsi niya sa sarili.

One thing that troubled her was the thought that he actually raped her while he was drunk. Ganoon ba ito kalasing para magawa ang mga bagay na iyon? Kung ang totoo bang pagkatao nito ay no’ng pinagbantaan nito ang kanyang pamilya kung hindi niya susundin ang gusto nito at ipapaako niya sa iba ang bata? It seems like even his maid just like his cousins thinks so highly of him.

Siguro nga ay hindi pa lang nila nakikita ang buong pagkatao ni Munzio. She wondered if Munzio’s family already knew that she was living and married with him? Her family was calling her yesterday but she didn’t know if she can lie and tell them that she was okay.

Tumingin siya sa ibaba at napangiti ng matunghayan ang garden sa  ibaba na punong ng iba’t ibang bulaklak. She decided to come down and inspect the flowers.

Napaisip siya kung sino ang nagma-maintain ng napakalaking garden na ito. Tantiya niya ay halos nasa isang ektarya ang laki nito na nakapalibot sa bahay. Iba’t ibang klase ng bulaklak ng naroon. Pamilyar sa kanya ang iba pero karamihan ay ngayon lamang niya nakita.

Different smells of flowers soothed her mind. May mga bulaklak na halos kasing taas niya. Until she remembered that Munzio’s farm cultivate and harvest vegetables that the towns market, restaurants, and neighbouring industry. Naalala niya ay minsan na itong ini-encourage ng pamilya nito na ibenta na lamang ngunit hindi ito pumayag at narinig niyang mas lalo pa nitong pinalago iyon.  Now, the farm covered hundreds of hectares. Dumeretso siya sa hanggang marating ang dulo ng hardin. Matatanaw doon ang napakalawak mga pananim na iba’t ibang klase ng gulay. May mga kubo rin sa hindi kalayuan.

Mainit na sikat ng araw ang nagbigay indikasyon na kanina pa siya naroon. She decided to go back. Bitbit ang tatlong rosas at dalawang tulips ay naglakad na siya patungo sa direksiyon ng bahay.

She got confused when she heard Munzio frustrated voice from afar. Out of curiosity, she hide at towering bougainvillea plant and observe what he was doing. He was panicking while giving orders to the farm workers.

“Galugarin ninyo ang lugar. Check the fences and gates!” he angrily shouted. Bakit kaya ito nagagalit?

Lumapit dito si Manong Lito at mukhang natatakot sa matalim na mga tingin ni Munzio, “S-sir na-check na po namin ang gate sa may silangan pero nakakando po. B-baka po sa may parteng gubat po dumaan si Ma’am,” Ma’am? Sino kaya ang hinahanap ng mga ito.

Akmang lalabas na siya sa kanyang pinagtataguan ng humahangos na lumabas ni Sisa.

“Sir Zio! Sir Zio wala po talaga siya sa loob ng bahay! Pero wala din pong nawawalang damit sa kabinet ni Ma’am Dara!”

Napamulagat siya ng marinig ang kanyang pangalan. Realization hit her. They were looking for her! Should she announce her presence or let him suffer more?

Sa pag-iisip kung anong gagawin ay hindi niya napansin na namataan siya ni Sisa, “Si Ma’am! Ayun si Ma’am!”

Nailang siya ng mabaling sa kanya ang atensyon ng lahat. Kusang humakbang paatras ang kanyang mga paa napatingin sa kanya si Munzio. He looked angry and...worried when he sauntered towards her. Humigpit ang kapit niya sa bulaklak ang dumako ang tingin nito doon. Nahigit niya ang paghinga ng dumako ang madilim nitong tingin sa kanya. His jaw tightened at the sight of her.

Bumilis ang tibok ng puso niya dahil sa nag-aalalang mukha nito at hindi dahil sa takot.

“Where have you been?! Kanina pa kita hinahanap! Paano kung napaano ang baby? You should have ask for permission before you go out. Hindi mo naman kabisado pasikot sikot dito. Maraming ahas ang paga–“

“Wala na ba akong karapatang lumabas? Pati ba naman iyon bawal na rin?” pagputol niya sa sasabihin nito. Naiinis siya dahil tila pinagbabawalan siya nitong lumabas ng bahay.

“Hindi ‘yon ang ibig kong sabihin. Ang sabi ko lang ay magpaalam ka o magpasama ka kay Sisa dahil—”

“Dahil baka mapaano ang baby o tumakas ako?” he looked frustrated at her,”I told you that’s not what I meant.”

“’Wag ka ng magpaliwanag dahil alam ko naman and don’t worry hindi ako tatakas kasi alam ko naman ang mangyayari,” he sighed then he looked at the flower in her hand.

“If you want flowers, you should have informed me so that I get it for you...”

“At ‘di ko iyon tatanggapin! Hindi ako tatanggap ng bulaklak galing sayo!” nilampasan niya ito at dumeretso sa bahay. Nadaan niya ang mga trabahador nito at si Sisa na mga halatang nagulat sa pagtrato niya dito.

Nanggigitgit ang loob na pumasok dumeretso siya sa dining room. Ipinatong niya sa tabi niya ang mga bulaklak. Biglang sumulpot sa tabi niya si Manang Rosa, “Ma’am sa’n ba kayo nanggaling? Nag-aalala kami sa’yo ng maabutan ko na wala ka sa ‘yong kuwarto. Nataranta agad si Zio ng malamang nawawala ka.”

Napabuntong hininga siya, “ Gusto ko lang naman ho na makita ang garden.”

“Ay iyang garden ba? Napakaganda nga niyan. Ipinagawa na iyan noon pa lamang nabubuhay si Nita.”

“Nita?”

“Si Nita ang lola ni Munzio na dating nagmamay-ari ng farm na ito. Matagal tagal na rin buhat ng siya’y pumanaw,” napatingin ito sa kanya.

“Anong gusto mong almusal, hija? Narinig ko’y hindi mo daw gusto ang cheese kaya agad na pinaalis na agad iyon ni Zio. Kung may ayaw ka pang pagkain o gustong kainin ay sabihin mo lang sa’kin,” napaisip siya then a evil idea popped up in her head.

Naalala ala niya ang puno ng mangga na nasa may tabi ng bahay. Saktong pumasok si Munzio sa kusina at umupo sa harap niya. She sneered at him before turing her attention to Manang Rosa.

“Gusto ko po ng mangga.”

Napatango lamang ang katulong, “May mangga riyan sa kusina. Babalatan ko na.” Akmang aalis na ito ng magsalita siya.

“Gusto ko po’y hilaw,” tumango si Manang Rosa.

“May hilaw dito, “ napakunot-noo siya. Mukhang mabubulilyaso pa ang plano niya.

“Gusto ko po ay ....kakukuha lang po galing sa puno,” Manang Rosa stared at her like she’s out of her mind.

“Sige tatawagin ko lang si Lito at sasabihing isungkit ka,” Oh damn!

“Ayaw ko po ng sinungkit,” naguguluhan na si Manang Rosa sa inuutos niya.

“Paano makukuha ang mangga?”

“Inakyat po,” Manang Rosa stared at her like she was crazy, “Anong pinagkaiba no’n sa sinungkit? Ay hala, tatawagin ko si Buboy at paaakyatin ko,” Lalabas na ito at hahanapin kung sinuman na Buboy nang magsalita ni Munzio.

“Ako na ang aakyat Manang,” napatingin siya dito. Nakatingin din ito sa kanya. It was like he already know what she was planning at sumasakay lang ito.

“Sigurado ka, Zio? Hindi ka naman sanay umakyat ng puno. Ang mabuti pa’y tawagin ko na lang si Buboy.”

Inalis ni Munzio ang tingin sa kanya at tumayo. She frozed at her place when he kneeled beside her and touch her flat belly. Naramdaman na naman niya ang kakaibang sensasyon galing sa init ng palad nito, “’Yon ba ang gusto ni baby? Ang aga-aga gusto mong kumain ng maasim? Wait ka lang a, kukuha lang si Daddy,” pinaliit nito ang boses na para talagang kumakausap sa bata. Agad siyang tumayo at lumayo dito. She shot Munzio spiteful glare.

It seemed like he expected her reaction that he nonchalantly turned toward the door.

“Sigurado ako Manang. Pakikuha na nga lang ho ng sisidlan ng mangga,” pagkatapos ay lumabas na ito. Sumunod dito si Manang Rosa na panay ang paalala kay Munzio.

Naiwan siyang nakahawak sa kanyang tiyan at tila nararamdaman pa rin ang mainit na kamay ni Munzio. Iwinaksi niya ang nararamdaman at sumunod sa labas. Nakita niyang naghahanda na itong umakyat habang panay ang cheer ng mga trabahador nito sa ibaba. She sat the bench next to the porch.

Tahimik niyang pinapanood ang mga nangyayari habang panay ang sigaw ng mga trabahador ni Munzio. Napaisip tuloy siya kung anong oras ang simula ng trabaho ng mga ito. Truthfully, she planned to make Munzio climb the mango tree because deep inside her, she knew he would offer to get the mango himself.

Lalong lumakas ang sigawan ng mga tao sa ibaba kahit si Sisa at Manang Rosa ay nagpa-panic na, “Munzio! Tama na ‘yan. Bumababa ka na lumabas na iyang mga putakti!”

“Sir, may nalipad na sa may kaliwa mo!”

“Boss lipat ka sa kabila!”

Napatayo siya sigawan ng mga ito pero pinigilan niya ang sarili na lumapit. Ilang sandali pa ay bumaba na si Munzio na nakangiwi at namumula ang kanang pisngi. Agad itong nilapitan nina Manang Rosa ngunit sa halip na pakinggan ang mga ito ay lumapit ito sa kanya at sinabing, “Come on, I am going to peel this for you,” pagkatapos ay tumalikod ito ay pumasok sa loob.

Agad na sumunod si Sisa at Manang Rosa na kapwa sinulyapan siya. Pagpasok niya sa kusina ay pilit na inaagaw ni Sisa ang binabalatang mangga ni Munzio.

“Sir ako na po niyan. Ipagamot niyo na po kay Manang Rosa ang kagat ng putakti. Ayan Sir oh! Namamaga na!” Mamimilit ni Sisa pero hindi ito pinapansin ni Munzio at inilagay sa pinggan ang binalatang mangga

Namataan siya ni Sisa, “Ma’am Dara si Sir oh. Ayaw ipagamot yung kagat ng putakti! Namamaga na!” ngunit mas pinili niyang manahimik at pinanood niya lamang ang nangyayari.

Munzio walk towards her and offered his hands with plate of mangoes. His right side of face and left arm were slightly swollen.

“Ayaw ko na pala. Wala na akong gana,” she stepped back and turned towards the stairs.

She felt guilty of what she had done. No! Stop feeling guilty at all. He deserves it! Right. She shouldn’t.

Iniwasan niyang isipin ang nangyari at nanatili lamang siya sa buong kuwarto maghapon. Nagpadala na lamang siya ng pagkain kay Manang Rosa. Napansin niya na hindi siya nito tiningnan o kinausap man lang kagaya ng dati. Sa halip ay malamig ang naging pakikitungo nito sa kanya na pakiwari niya ay may kinalaman sa nangyari kanina.

She decided to sleep after she ate her lunch. Nagising lamang siya ng madilim na ang kalangitan. Her stomach growled and suddenly she felt a real cravings this time. She had this sudden desire to eat leche plan and ube.

Agad siyang bumaba papuntang kusina. Walang ibang tao doon kundi si Sisa na nagluluto ng pagkain. Kumekendeng kendeng pa ito habang nagluluto.

“Sisa..” tawag niya subalit nagpatuloy lang ito sa pagkanta at pagsayaw, “Sisa.”

“Ay puke ng ina mo! Ay sorry, Ma’am kayo pala ‘yan. Pasensiya na ginulat niyo ako eh. Ang tagal niyo po nakatulog ah. Maayos na naman po ang lagay ni Sir Munzio. Nakagat lang naman ng putakti ang mukha, braso at binti nito. Kung nagugutom na po kayo ay intayin niyo na lang ako sa dining room,” Dara ignored the hint of sarcasm in Sisa’s voice.

“Do you have any leche plan and ube here?”

Sisa was taken a back at her reply, “Leche plan at ube Ma’am? Ay naku wala, Ma’am.”

Wala? “Marunong ka ba magluto ng no’n?” Sisa shook her head. “Hindi ho Ma’am e. Baka si Manang marunong.”

“Asan si Manang?”

“’Di pa po nakakabalik e. Namamalengke po kasi siya, kasama si Manong Lito. Medyo maulan kasi sa labas kaya ‘di pa nakakauwi.”

“Puwede bang tawagan sina Manang? Gusto ko sanang magpabili kahit ingredients man lang,” pagpipilit niya.

Umiling lang si Sisa.”Wala pong cellphone si Manang eh. Makaluma ‘yon.”

“Si Manong Lito?”

“’Di ko po alam ang number,” her eyes started to water.

Hindi niya alam kung bakit naiiyak siya sa isiping hindi siya makakain ng leche plan at ube. Nataranta si Sisa ng makitang umiiyak na siya at dali daling lumapit sa kanya, “Ma’am ‘wag na kayong umiyak. Babalik din naman si Manang mamaya saka madali lang naman lutuin ‘yong leche plan na ‘yon di ba? Mga asukal siguro saka gatas at itlog lang...” pampalubag nito.

“Paano yung ube?” she asked

Hindi nakasagot si Sisa kaya lalong lumakas ang iyak niya, “I want to go to the town...”

“Ma’am ‘di po puwede! Maulan saka madulas ang daan. Hindi po ‘yon maganda lalo na sa kalagayan niyo.”

“May driver naman!”

“Eh Ma’am si Manong Lito lang ang driver namin dito eh. Walang magda-drive sa’yo. Puwede namang ipagpabukas na lang ‘yan Ma’am.”

She cried harder, “Eh gusto ko nga ngayon na.”

“Haist....hirap...buntis.....maintindihan,” she heard at Sisa’s incoherent mumbling.

“Anong problema dito?” Sabi ng nag-aalalang boses sa likuran niya.

Binaling niya ang tingin at namataan niya si Munzio. She cried harder when she saw his face. The right side of his face was swollen at halos pumikit na ang mata niyo dahil sa pamamaga ng pisngi nito.

“Si Ma’am kasi, Sir eh, nanghihingi ng leche plan at ube eh wala naman dito saka ‘di naman ako marunong magluto no’n. ‘Di pa nadating si Manang para ipagluto siya. E wala rin namang pong mada-drive kay Ma’am papuntang bayan. Mukhang gustong gusto kasi ni Ma’am Dara na kumain no’n Sir,” Sisa explained.

Munzio sighed, “Ako na lang papuntang bayan,” her cries turned into small sobs when she heard what he said.

“Sir hindi po niyo kayang mag-drive. Namamaga pa po mukha niyo at braso saka maulan, Sir.”

Tumalikod na ito at kinuha ang susi sa likod ng pinto,”pakainin mo muna ang asawa ko, babalik ako mamaya,” narinig niyang utos nito kay Sisa.

Narinig niyang pinigilan pa ito ni Sisa pero tumuloy pa rin ito.

Pinakain siya ni Sisa ng niluto nitong caldereta. Hanggang dumating na rin si Manang Rosa na dala dala ang mga pinamili nito. Malamig pa rin ang pakikitungo nito sa kanya. Manang Rosa asked Sisa where’s Munzio. She saw from her peripheral view that Manang Rosa throw stern look at her direction.

Tapos na siyang kumain pero nanatili siya sa dining table. Its already nine in the evening at naiinip sa siya sa kahihintay. Naulinigan niyang nasa kusina pa ang sina Manang Rosa at Sisa na nag-uusap.

Napatayo siya ng bumukas ang pinto at bumungad ang basang basa na si Munzio. Iginala niya ang tingin sa kabuuan nito at napansin ang isang supot na balot na balot sa plastik,
“Munzio! Diyos ko po. Bakit naman nagpaulan kang bata ka? Sisa! Kumuha ka nga ng towel doon,” she silently watched as Manang Rosa fussed over him.

Lumapit sa kanya si Munzio, pinunasan muna nito ang supot bago inaabot sa kanya,”Sorry, natagalan. Nahirapan kasi ako sa paghahanap. Sarado na kasi halos lahat ng tindahan,” walang sabi-sabing tinanggap niya ang supot at tumalikod ng hindi nagpapasalamat.

Nagdere-deretso siyang pumasok sa kanyang kuwarto. Napasandal siya sa pintuan at natulala. She felt the feeling of guilt seeping through her again.

No! He’s just acting like that because he’s guilty o nagpapanggap lang dahil may mga taong nakamasid.

Tinanggap niya ang ganoong ekplanasyon at binuksan ang supot. She almost drooled at the sight of fresh looking custard and ube. Mainit-init pa ang singaw ng mga ito.

Agad niya itong nilantakan habang nag-iisip ng mga plano para bukas. She will make him regret that he brought him her and strip off the disguise he worn.




End of chapter 10



If you like this particular chapter, please vote on it. I appreciate every votes and comments from you guys. Voting is a huge support on authors. Thank you!<3


He Badly Wants Her (R-18)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon