PROLOGUE

3.7K 47 2
                                    

"Saan niyo ako dadalhin?" Nanginginig ma'y tanong niya sa tita at tito niya.

"Manahimik ka na lang." Sigaw sa kaniya ng Tita Mylene niya at piniringan ang mga mata niya.

"T-tita, maawa na po kayo sa akin." Pagmamaka-awa niya habang umiiyak.

Mabilis na dumapo sa pisngi niya ang malakas na sampal.

"Kulang ka pang kabayaran sa lahat ng utang ng mga magulang mo!" Sigaw naman ng tito Miguel niya.
Tita at tito niya ang mga ito sa papa niya.

"Alam ko naman po iyon, kaya nga po sinusunod ko ang lahat ng utos niyo" Kahit natatakot sa posibleng kahahantungan niya ay naglakas-loob parin siyang sumagot.

"Manahimik ka na lang dahil pagkatapos nito ay makakabayad ka na." Gigil na ani ng auntie niya at tinali patalikod ang dalawang kamay niya, binusalan din ang bibig niya at wala na siyang makita dahil naka-piring ang mga mata niya.

Gusto pa niyang magsalita ngunit tanging ungol na lang ang lumalabas sa bibig niy, patuloy namang namalisbis ang masagang luha niya.

Naramdaman niya na lang na puwersa siyang pinasakay sa isang sasakyan.
Labis-labis ang takot na nararamdaman niya sa mga oras na iyon.

Hanggang sa maramdaman niyang tila may itinurok sa kaniya, unti-unting bumigat ang talukap ng mata niya at tuluyan na nga siyang nakatulog.

NAGISING siya dahil sa ingay ng mga tao. Mabilis niyang inimulat ang mga mata at sana ay hindi na niya ginawa. Nasa isa siyang parang kulungan at napapalibutan siya ng maraming tao.
Bumaba ang tingin niya sa tanging suot niyang kulay pulang bra at t-back. Kitang-kita na ang buong kaluluwa niya. Kinagat niya ang pang-ibabang labi niya, nagbabakasakaling nanaginip lang siya ngunit nakaramdam siya ng sakit sa sa labi niya.

Hindi! Hindi siya nananaginip! Totoo ang nangyayari sa paligid niya.

Gustuhin man niyang yakapin ang sarili ay hindi niya magawa dahil ang magkabilang kamay niya ay nakatali sa bakal.

Nagsimulang mag-ingay ang mga tao sa loob ng parang isang gym. Nasa gitna siya ng stage at pinagpipiyestahan ang ng mga tao sa loob na iyon ang katawan niya.

Naalala niya ang ginawa sa kaniya ng tito at tita niya kanina, dito siya dinala para ano? Para saan?

Bilang sagot sa katanungan niya ay nagsimulang mag-salita ang parang emcee.

"Ms. Jane, a fresh and virgin-"

Hindi pa man ito natapos ang sasabihin ay may biglang nagtaas na ng kamay, sa kamay nito ay may hawak na numero.

"1 million" Sigaw ng matandang maraming alahas sa katawan.

"2 million." Sigaw naman ng may hawak na numerong 28, mukhang mayaman din iyon.

"5 million"

"7 million"

As the bid goes higher was the time her heart has been ripped into tiny pieces.

"No, please" Nanghihinang bulong niya.
Kahit nakakapagod at masakit ang pinapagawa sa kaniya ng tito at tita niya ay magtitiis na lang siya doon, h'wag lang ganito. H'wag lang siyang ibenta.

Tahimik siyang napahagulgol habang pataas ng pataas ang presyo niya.

"500 million, going once going twice-"

"1 Billion"

Nanlaki ang mga mata niya at napa-awang ang labi.
Umabot ang presyo niya sa halagang 1 billion?

"1 Billion, going once, going twice," Kahit ang mga nag-iingay na mga kalalakihan kanina ay natahimik. Tanging ang emcee na lang ang nagsasalita.

"Okay, sold to number 101" Anunsiyo ng emcee.

Halos hindi na siya makahinga ng maayos dahil sa sobrang pagkabog ng dibdib niya.

"No, please... Please, god save me" Nanghihinang bulong niya.

Napayuko siya at mabilis din napa-angat ang ulo niya nang marinig ang tunog ng rehas niya. Nanlalabo na ang paningin niya dahil sa luha hanggang sa unti-unting lumiwanag ang paningin niya sa lalaking nagbukas ng kulungan niya, ang lalaking nagbayad ng 1 billion para lang makuha siya. Mga walang puso! Akala naman nila lahat ng bagay ay nababayaran ng pera!

"Why crying, bitch." Nanigas siya at kusang tumigil ang luha niya dahil sa narinig na galit sa boses nito. Napalunok din siya kasabay ng pagkunot ng kaniyang noo.

"Walang-wala ka na naman ba kaya ibibenta mo na ang sarili mo?" Matatalim ang mga matang tanong nito sa kaniya, nang-uuyam ito at parang diring-diri sa kaniya.

"Kaya pala hindi ka mahanap-hanap ng mga police dahil nandito ka sa organization na ito at nagbebenta ng laman." Ngumisi ito ng malamig sa kaniya dahilan para manindig ang lahat ng mga balahibo niya.

Sinong hinahanap ng mga police? Sino?
Bakit parang kilala siya ng lalaking merong mapanganib na aura.

The man is sporting a Astonishing Coat, he looks so fabolous at the same time dangerous.

Hindi siya makapag-salita, nagbukas-sara lang ang bibig niya ngunit walang lumabas na salita doon.

"Quit playing like you don't know me!" Nagtatagis ang bagang na anito.

Napailing siya. "P-pero... S-sino ka?" Nanginginig na tanong niya rito. Hindi niya ito kilala.

Tumaas ang sulok ng labi nito ngunit mas lalo lamang siyang natakot. "Stop that. Hindi mo na ako maloloko dyan."

Gulong-gulo siya sa nangyayari, wala siyang alam.
Ni-hindi niya namalayan na inilabas na siya ng lalaki sa kulungan niya.

Nanlalamig siya dahil sa takot at mahapdi narin ang mga mata niya dahil sa pag-iyak.

"Gusto mo ng laro, sige. Bibigyan kita ng magandang laro." Bulong nito nang nasa kotse na sila.

Nanghihina na siya at sumasakit na ang ulo niya dahil sa kalituhan.

Nahigit niya ang hininga ng maramdamang kinagat nito ang leeg niya. Napadaing siya dahil sa kirot na dumaloy doon.

"Let's play, bitch"

Chasing Her (Dark Series book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon