CHAPTER 1

37K 727 68
                                    



*Ring ring*

"Hmmm." mahina kong sambit at pilit na inaabot ang aking cellphone habang ako'y nakapikit. I was rolling all over my bed trying to look for my ringing phone while my eyes we're close.

Tinatamad pa akong imulat ang mga ito dahil nais ko pang matulog ng mas mahaba. "Aghh! Nasaan na ba kasi" mahina kong sambit habang pilit kinakapa ang ilalim ng aking unan, at ilalim ng aking comforter.

My phone kept on ringing, kaya wala akong choice kung hindi buksan ang aking mga mata at hanapin ang phone gamit ito.

Pagmulat ko ng aking mga mata, hinanap ko ito sa gilid ng aking kama at ilalim ng unan pero wala ito dito. Hanggang sa napapunta ang aking paningin sa lamesa sa harapan ng kama.

Kung saan nakalagay ang aking TV. "Paano ka napunta dyan?" pumupungas-pungas kong sambit at dahan-dahang tumayo sa aking kama at sinubukan itong kuni---.

"Ahhh!" Malakas kong sigaw ng sumabit ang aking paa sa pulupot kong comforter, dahilan para sumalampak ako sa sahig ng sobrang lakas.

Namilipit ako sa sakit ng aking pagkabagsak at padabog na tinggal ang comforter na nakabalot sa aking katawan. "Katangahan mo Olivia!!!" singhal ko sa aking sarili at dahan-dahang gumapang para abutin ang aking cellphone sa tabi ng TV.

Kinuha ko ito at agad sinagot ng tawag kahit hindi kilala kung sino ito. Dahil hindi na ako nag-abalang tiningnan kung sino ang caller sa screen ng aking phone.

"Hello?" nakabusangot kong sagot.

"Hello, Olivia anak buti naman sinagot mo na ang tawag ko" nanlaki ang aking mga mata, at agad tiningnan ang screen ng aking phone.

Shit! Bakit hindi mo tiningnan Olivia!?

"Hello, M-mom" pinagsisihan kong hindi ko tiningnan ang caller. "Kumusta ka na? Bakit ganyan ang boses mo? Ok ka lang ba dyan? Are you feeling well?" puno ng pag-aalala nitong tanong.

Napapikit ako dahil sa mga tanong niya at hinimas ang aking noo ng marahan. "Ok lang ako Mom, I'm just busy with the shop po hehe, alam mo na marami kaming orders nitong darating na buwan" pagsisinungaling ko at pilit pinasigla ang aking boses.

"Ganon ba, nakakaproud naman. Gusto kang bisitahin ng kapatid mong si Arries dyan kaso hindi niya daw alam ang new address m---" I cut her out and spoke.

"Ay mom, wala kamo akong time ngayon hanggang next month. Sobrang busy ko kasi talaga sa shop and isa pa hindi ko siya mahaharap, sobrang hectic ng sched and sa restaurant na nga lang ako halos kumakain dahil sa sobrang busy ko, then madalang akong mag stay sa condo, next time na lang kamo" tumayo at agad akong lumabas ng aking silid habang patuloy kinakausap si Mom sa kabilang linya.

"Ay ganun ba, sige sasabihan ko na lang siya na next time ka nalang niya puntahan d'yan. Pwedi mo ba ibigay na lang sa akin ang address mo para sabihin ko na lang sa kany----" muli hindi ko napinatapos magsalita si Mom at sinabi.

"What? Ok, ok, I'm coming wait for me outside... Mom, I need to go now, I'll just call you later ok" nagmamadali kong sambit kahit wala naman talaga akong kausap dito sa loob ng condo ko.

"Ah, ok, Ingat ka d'yan Olivia, I miss you and... I love----" before she could finish it, I end up the call and weakly seat on the floor. Staring at my silent condo.

Hindi ko 'rin maiwasang matawa ng peke, dahil nagawa kong umakting na may kausap kahit na ang totoo wala naman talagang ibang tao dito sa condo ko kung hindi ako lang.

"Hectic schedule sa shop?!" sarkastiko kong sambit bago hinawi ang aking buhok pa itaas at muling tumawa.

"Napakapeke mo Olivia." sumbat ko sa aking sarili bago yumuko at niyakap ang aking tuhod.

Untouchable  Handcuffs  (LOA 2 #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon