"Sigurado ka bang pwedi akong sumama sayo doon?" tanong ko habang tahimik siyang na dadrive papunta sa headquarters ng FBI office.
Hindi ako mapakali habang hawak ang seat beat dito sa shutgun seat, hindi ko alam pero kinakabahan ako. First time kong makakapunta sa ganong klaseng lugar.
"It's fine, hindi naman tayo magtatagal, I'll just need to check something," seryoso niyang sambit, tumango ako at ipinilit na lamang kumalma hanggang sa makarating kami sa harap ng FBI office.
"Woah, Federal Plaze," bulong ko, itiningala ko ang aking ulo upang pagmasdan ang mataas nitong building.
"Let's go," Sambit ni Hector bago inabot ang aking kamay at hinila ako papasok sa loob ng building. Pagpasok sa loob hindi ko maiwasang mamangha sa magandang disenyo ng buong lugar.
Pati ang mga taong nakakasalubong namin ay kahanga-hanga, nakasuot sila ng mga formal na unifrome at may mga baril sa kanilangtagiliran. Yung iba naman mukhang mga special agent sa movies.
"Woah, wow," patuloy kong sambit, may ilan kaming nakakasalubong na kilala si Hector at nagsasalute sa kanya, Hector looks so coold right now. Iba talaga ang dating niya pag-umaakto na siya bilang isang FBI agent.
Nakasunod lang ako sa kanyang likuran habang hawak niya ang aking kamay, tumuloy kami sa isang elevator na wala ma syadong tao. "Ang ganda pala dito," bulong ko sa kanya habang nakangiti, he glances at me with a smirk in his eyes.
"You won't wish to be here Olivia," he said and pull me closer to him when the elevator opens and three agents come in.
"Agent Evans, Sir." napalingon ako sa dalawang lalaki at isang babae na pumasok nang bigla silang magsalute kay Hector dito sa loob ng elevator. Mukha silang mga bata pa kaya I assume na baguhan pa lang ang mga ito.
Yung kasi din mukhang kinakabahan at nanginginig pa ang kamay, Hecto glance at them and nodded at them, bego ito tumigil sa pagsalute at tumayo ng tuwid sa gilid namin. Para akong bata na nakatago sa likuran ni Hector habang pinapanood silang tatlo na parang estatwa kung tumindig.
"Ahm... Sir Evans," lumingon ang babae kay Hector at tinawag ito, Evans? Hindi ba Miranda ang surname ni Hector? Why are they calling him Evans?
Tiningnan ni Hector ang babae at hindi nagsalita, "Sir, are you f-free f-for d-dinner?" tiningnan ko ng mabuti ang babae ng mamula ang pisngi nito habang nakayukong tinatanong si Hector.
She likes him, "Why are you asking?" tanong ni Hector sa kanya habang diretso itong bumalik ng tingin sa pinto ng elevator. Matangkad si Hector kaya kinailangan ko pang tumingala ng konti upang tingnan ang reaksyon nila.
Ngumiti itong americanang agent na ito at hinawi ang buhok upang ilagay sa likod ng kanyang tenga, I instanly make face here while watching this cringe agent.
Akala ko ba cool ang mga agent na babae? Bakit mas pabebe pa ito sa pabebe girls.
"I was j-just h-hoping if y-you c-can c-come v-visit my pad and eat d-dinner w-with me?" the fuck, utal-utal siyang magsalita pero napakalandi ng boses. Hindi mo alam kung kinakabahan o sinasadya niya lang mag pakacute sa harap ni Hector.
At isa pa visit my pad? Eat dinner?! Duh, sinong matinong babae ang papayag na magpapasok ng hindi boyfriend sa pad niya for din---
Natigilan ako sa aking iniisip ng marealize kong isa ako sa hindi matinong babae na nagpapasok ng hindi poyfriend sa condo ko.
Palingon ako sa dalawang lalaki na tila natutuwa sa nakikita nila, para silang supportive bestfriend dito kay ate gurl, tiningnan ko si Hector at hinintay ang isasagot niya.