"Ate?" sambit niya at tiningnan ko mula ulo hanggang paa, bakas sa mukha niya na hindi inaasahan makita ako ngayon at tila gulat siya.
Ganun din ang aking naramdaman pero agad kumirot ng puso ko ng pagmasdan siya, sa daming beses namin nagkatagpo dito sa New York ngayon lang kami talaga nagkabangga na ako ang totoo Olivia na kilala niya.
Gusto ko na agad umiyak habang nakatayo sa kanyang harapan pero hindi pwedi, "Ate, I've been look---" hindi ko na siya pinatapos magsalita at agad tinulak upang malampasan siya at tumakbo ng mabilis.
"Ate!!!" I heard him shouted my name, kaya tuluyan nang tumulo ang luha ko, naghahalo-halo ang aking nararamdaman ngayon, nahihiya ako sa kanya, he saw me in this state.
I look so terrible, mas binilisan ko ang paghakbang ko at lumiko sa liblib na eskinita dito kung saan nakalagay ang mga pasurahan. Nagtago ako sa gilid nito at tinakpan ang aking bibig, kasabay ng pag-agos ng luha mula sa aking mga mata.
"Ate!!!!" Arries chase after me, pero hindi niya ako nakitang lumiko dito, at ng sumilip ako nakita kong lumagpas na siya dito.
Nanghihina akong napaupo ng tuluyan, basang-basa ako dahil sa iced coffee, I'm a mess, a big mess for everyone I loved.
I wanted to shout, let out the pain but all I can do is cry. Cover my lips so no one would know how deep is the pain inside of me. Anong ginawa mo sa sarili mo Olivia? I ask myself.
Pero ang totoo hindi ko na'rin alam kung ano ang ginagawa ko, I'm so lost. I don't even know how to go back anymore.
Umiyak ako ng umiyak dito sa madilim sulok at dinamdam lahat ng sakit na nanggagaling sa aking puso. Lahat ng pinilit kong iwasan na sakit at disappointments noon ay bumabalik na sa akin ngayon.
Sa sobrang sakit hindi ko na alam kung ano pa ang gagawin ko, I lose my dreams, myself and my hope. Walang-wala na ako ngayon, I'm worthless and stupid.
"Haha," Natawa ako sa aking sarili habang patuloy ang pagtulo ng aking mga luha, ito na lang ang kaya kong gawin ngayon, ang tawanan ang aking failure na sarili, siguro nga tama si Hector. I'm always trying but at the same time I always ended up failing.
Because I was never enough for my dreams.
Siguro, ito na talaga ako, I'm a failure, stupid, and I have no vision in life. Hindi ko na nakikita kung ano ba ang gusto kong maging dahil sobrang labo na ng buhay ko.
Lahat ng pinaghirapan, nawala lang ng isang iglap.
Dahan-dahan akong tumayo at naglakad palabas ng eskinita, sumakay ako ng taxi at dumiretso pauwi. I stoped in front of the door of my condo and gaze at Hector's condo.
Alam kong wala siya sa likod ng pintong iyon, pero hinahanap-hanap siya ng aking puso. Dahil alam kong sa puntong ito, siya lang ang gusto at kailngan kong sandalan. Naglakad ako papalapit sa harap ng condo niya, muling tumulo ang aking luha habang pinagmamadan ang pintong na sa aking harapan.
Nanghihina kong sinandal ang aking ulo sa pinto, at binuhos ang sakit na aking nararamdam. My chest is heaving up and down as I sobbs so loud. I kneel and lean on the door, give all my weight on it and all the pain I have inside of me.
Inilabas ko ang aking phone sa loob ng aking bag and I dial his number. My hands were shaking, my body feels numb and cold. My eyes sores and my heart is crashing into pieces.
Mga ilang ring lang ang lumipas ay sinagot niya ito, huminga ako ng malalim. "Hello, Olivia?" narinig ko ang boses niya mula sa kabilang linya kaya mas lalo lang ang naluha.
