Kinabukasan ay maaga akong gumising para magluto ang almusal at inilagay ito sa mangkok at dinala sa harap ng condo ni Hector. Aayain ko siyang kumain ng almusal kasama ko.
I smile and knock on his door, tatlong beses lang akong kumatok at bumukas agad ang pinto kung saan bumungad sa akin ang nakaayos na si Hector. Papasok na siya ng ganito kaaga?
Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa at halata ngayang bagong ligo siya at tila handa nang umalis, "Papasok kana kaagad?" tanong ko sa kanya, he avoided my gaze and nodded, "I have a lot of things to do, we have so many cases for this month, so I bet I'm not gonna see you often," habang nagsasalita siya pinagmasdan ko lang siya at hinintay na tingnan ako pero pilit siyang umiiwas ng tingin sa akin.
"Mag-almusal ka muna, nagluto kasi ako ng adobo baka---"
"I have already drunk my coffee, and I really need to go Olivia, I'll see you next week," he said, grabbing his gun and jacket on the table and stepping out of his condo.
Umatras ako upang maisara niya ng maayos ang pinto ng condo niya at tila nahihirapan akong huminga habang pinapanood siyang iwasan ako.
"Gusto mo bang baunan na lang kita nito? Sandali lang ipagbabalot kit---" again, he cut me off and face me, "No need Olivia, I'm not hungry," parang dinurog ang puso ko ng marinig iyon mula sa kanya.
Hector don't really decline my food, lahat ng niluluto ko kinakain niya kahit hindi siya gutom. I purse my lips, trying to control my tears and slightly shook my head down.
Hindi siya nagsalita at nanatili lang nakatayo sa harapan ko kaya naglakas loob akong magsalita kahit na alam ko ang kahihinatnan ko pagkatapos nito.
"Iniiwasan mo ba ako?" diretso kong tanong at buong tapang siyang tiningnan sa kanyang mga mata, this time I caught his eyes and hold my tears.
Nagkatitigan kami sa sandaling panahon bago siya muling umiwas ng tingin at nagsalita, "No, I'm not, I'm just really busy Olivia, you know my job," he said trying to make me feel ok with that tone, but I knew it to myself that he was keeping his distance away from me because of what I've said that night.
"Bakit next week ulit kita makikita, may malaki ba kayong case?" tanong ko. "Yes, it will probobly last a week or two, I don't know, I'll just text you," sambit niya.
"Pwedi ba kitang puntahan don, magluluto ako ng minudo mamayang gabi." I tried to smaile even though my heart is aching already. "You better not go there Olivia, I'll just call you, I need to go," aalis na sana siya ng hawaka ko ang braso niya upang pigilan siya.
Hector glance at me and I speak, "Yung about sa sinabi ko nong gabing iyo---" nagulat ako ng tanggalin niya ang pagkakahawak ko sa braso niya bago ko pa matapos ang sasabihin ko.
"I really have to go Olivia, bye," sambit niya, at naglakad ng mabilsi papunta sa elevator. Ng pindotin niya ang pagsara ng pinto ng elevator, tumakbo ako palapit sa harap nito at tinawag siya.
"Hector," tumigil ako sa harap ng pinto at tiningnan siya sa kanyang mga mata, tumulo ang luha ko at ngumiti, "See you next week," ani ko at tuluyang nagsara ang elevator.
Agad akong napayuko, at gamit ang aking kaliwang kamay tinunasan ko ang aking luha na tila bumuhos pagkasara ng pinto.
Hindi ko alam na ganito pala kasakit ang pinasok ko, dahan-dahan akong tumalikod at naglakad pabalik sa aking condo dala-dal ang ulam na niluto ko.
Binitawan ko ito sa dining table at dumiretso sa aking kwarto. Nanghihina akong napaupo sa sahig at niyakap ang aking tuhod at muling binuhos ang aking mga luha.
