CHAPTER 3

22.7K 591 59
                                    


Nilanghap ko ang malamig na simoy ng hangin dito sa New York paglabas ko ng hotel. Tapos na ang trabaho ko at nagpaalam na man ako kay Ma'am Tallia na hindi ako papasok ngayong gabi dahil may kailangan akong puntahan.

Pumayag naman siya agad, pumara ako ng taxi at tumuloy sa Macdougal Street. Dahil gabi na buhay na buhay ang lugar. Maraming tao at bukas na bars ang makikita mo dito.

Pero hindi iyon ang dahilan kung bakit ako pumunta dito. Pumunta ako dito upang hanapin si Darcy at Carline ang dalawang magnanakaw na iyon, mga scammer.

Lumiko ako sa isang makitid na eskinita dito sa lugar at nagsimulang magtanong sa mga tao dito.

"Ahm.. excuse me, Miss, do you know these girls?" I asked and showed her some pictures I took with Darcy and Carline.

Pero imbis na sumagot agad, binugahan muna ako nito ng usok sa mukha bago nagsalita. "I don't know them; do you want drugs?" nanalaki ang mata ko dahil sa sunod niyang sinabi.

Umatras ako at lumayo sa kanya, "No, thanks" I uttered and start walking. "Mukha ba akong drug addict?!" bulong ko at nagpatuloy magtanong sa mga nakakasalubong kong tao.

"Hi excuse me, have you seen these girls?" I asked another girl. "No, sorry" I nodded and asked another one. "Hi, have you ever seen these girls around here?"

"No." she said, tumango ako at nagpatuloy sa paglalakad. Sobrang daming tambay sa lugar na ito at tila parang drug addict ang karamihan ng nandito kaya hindi ko magawang magtanong sa lahat ng tao.

"Excuse me, do you guys know these girls?" I ask this guy seated at the staircase. He looked at my phone before he stood up and looked me in the eyes.

"I've seen them, I guess," he said while rubbing his beard. "Really?!" masigla kong sambit.

He nodded, "Really can you show me where they are right no---" hindi ko natapos ang sasabihin ko ng agawin niya ang phone ko at tumakbo ng mabilis papalayo.

Hindi ako na kagalaw at nakakibo dahil sa sobrang bilis niya, "Y-yong p-phone k-ko" nauutal-utal kong sambit, at sa isang iglap para akong sinampal ng katotohanan kaya napasigaw ako.

"Ahhhh yung phone ko!!! magnanakaw! my phone, please help me!! thief!!!" sigaw ko at lahat ng mga tao dito ay nag sitinginan sa akin.

I get stiff when I realize that everyone is a thief here. "No, not you guys hehe" I said, mabilis akong tumakbo at hinabol ang lalaking nag nagnakaw ng phone ko.

"Ahhh there is a thief, help me!! my phone he stole it!!!" sigaw ko habang patuloy itong hinahabol, sobrang layo ng pagitan naming dalawa kaya sobrang takbo ako.

"My phone, help!!!" I was shouting already but all the people here seemed to not care, they were all busy drinking and talking to someone.

"Gago ka tumigil ka!! ibalik mo yung cellphone ko!!!" kong sigaw ng sobrang napapagod na ako kakatakbo. Sobrang bilis niya at pumapasok pa siya sa daan kung saan maraming tao kaya hindi ko talaga siya maabutan.

"Hey!!! fucking give me back my phone!!!! ahh!!!" sigaw ko ng magkamali ako ng tapak at natapilok.

Nakita ko nalang ang sarili kong nakasalampak sa gilid ng kalsada at kumirot ang balakang ko. "Aray!!!" indi ko dahil medyo masama ang pagkabagsak ko.

At paglingon ko sa magnanakaw ay wala na ito sa aking paningin. "Cellphone ko!!!!" inis kong sigaw bago nag papa padyak na parang bata dito.

"Kung minamalas ka nga naman oh!!!" wala na akong magagawa, kahit na magreklamo ako sa police, talamak ang magnanakaw dito, at kasalanan ko na hindi ako naging aware habang ipinapakita ko ang cellphone ko sa mga tao dito.

Untouchable  Handcuffs  (LOA 2 #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon