I open my eyes and take a deep breath; this is the day. It's been a week of staying here inside my condo, isang linggong pag iimpake ng aking mga gamit.
Tumayo ako mula sa kama at hinaplos ang napakaliit kong baby bump, it showed up when I reveal her to Naivy and Bunny. Siguro nga totoo ang sinasabi nila na kapag tinatago mong buntis ka hindi din nagpapakita ang baby mo pero ngayon may nakakaalam na sa kanyang existence, he/she just suddenly showed up in my little baby bump.
"Good morning," I whisper and glance around my room, nakabox na lahat ng gamit ko at nakalagay na ang mga damit ko sa isang malaking maleta sa tabi ng pinto.
Marahan akong nag lakad patungo sa bintana at binuksan ito, sinalubong ko ang sinag ng araw at ipinikit ang aking mga mata. Simula pa kagabi ay mabigat na ang pakiramdam ko. Siguro dahil ito na 'rin ang huling araw ko dito sa New York.
I can't believe that this day will come, muling tumulo ang aking luha at agad ko itong pinunasan.
Naglakad ako palabas ng kwarto at naghanda ng almusal para sa akin at kay Baby, first I drink milk for my baby and toast some bread for myself as a breakfast.
Pagkatapos ay umupo lang ako sa terrace ng condo ko at pinagmasdan ang magandang tanawin dito sa New York. I watch the sun rise and the birds flies, and my heart breaks.
I will miss this, mamimiss ko ang lamig ng panahon dito, ang magagandang tanawin dito sa New York, at ang lalaking nanatili sa tabi na nagpabago ng takbo ng story ko dito sa New York.
I will madly miss him, at wala pa 'man ramdam ko na kung gaano kasakit ang malayo sa kanya.
Habang pinagmamasdan ko ang kalangitan tumunog ang aking phone at nakarecived ng text message mula kila Naivy at Bunny. As I look at it, I saw the picture of our plane ticket for tonight.
Parang isang mabigat na bato ang dumagan sa aking dibdib ng pagmasdan ito, totoo na talaga ito. I don't know what to feel.
Ipinikit ko ang aking mga mata at ibinaba ang aking phone sa aking tabi at pinakiramdaman na lamang ang simoy ng hangin dito sa New York na tila dumadampi sa aking balat.
"I don't want to leave," I whisper, before I stood up and head inside. Pumasok muli ako sa aking silid at mas piniling matulog kesa sa lunurin ko ang aking sarili sa sakit ng aking puso.
Gumising ako ng lunch para kumain at manood ng TV, nanatili lang ako dito na tulala at tahimik, hanggang sa dumilim na sa labasan, nagluto ako ng hapunan at pagkatapos nakarecived ako ng text mula kay Hector.
From Hector,
I'm on my way home, wait for me.
I bit my bottom lips as I tried to control my tears. Tumayo ako at pinunasan ang nagbabadyang luha, I head to the bathroom to take a shower and wear my yellow maxi dress.
I put makeup on my face and fix my red hair. I wanna look pretty tonight, I want him to see me as the most beautiful woman he met in his life tonight.
I want him to smile at me and touch me, kissed me, hugged me and stare at me. I want it all tonight, kasi alam kong ito na ang huling pagkakataon ko para maramdaman iyon mula sa kanya.
Tumayo ako sa harap ng salamin at sinubukan ngumiti, pero tumulo lamang ang aking luha. "Stop crying, Olivia," suway ko sa aking sarili, hinawi ang aking buhok at pinagmasdan ang aking sariling repleksyon.
I touch my tummy and ask, "Maganda ba si Mommy, baby?" bulong ko habang hinihimas ito. Lumabas ako at umupo sa dining table kung saan nakahanda ang adobong hinanda ko para kay Hector.
