PROLOGUE

225 4 0
                                    

Faith


Dinungaw ko mula sa windshield ng oto ko ang isang lumang two-storey na bahay. Sa nagdaang panahon na walang tumingin doon, napakalayo na ng itsura nito kumpara sa litratong hawak ko. Matataas na talahib ang nasa paligid nito at gumapang na rin sa pader ang mga ligaw na damo.

Eto ba talaga 'yong bahay na sinasabi ng tatay ko?

Umiling ako. Mukhang hindi naman ako nagkakamali. Sa likod ng litrato ay may nakasulat na address. Naipagtanong ko na ito sa lalaking tambay sa dulo ng kalyeng 'to at positibong siyang ito nga ang hinahanap ko.

"Salamat, boss!" sabi ko at saka siya inabutan ng bente pesos. "Kunin mo na, pangmeryenda!" at saka ako ngumisi.

Rumehistro ang tuwa sa kanyang mukha nang abutin niya ang perang hawak ko. "Tenkyu, madam! Sa susunod kung may kailangan ka, magsabi ka lang saken!" makumpyansa niyang sinabi.

"Sige lang!" sagot ko.

Dalawang beses akong bumusina at saka pinaandar na ang sasakyan ko paalis sa tindahan na 'yon. Hamog na alaala na lang ang natitira sa akin sa lugar na ito. Tumira rin yata kami rito noong bata pa ako o nagbakasyon lang.

Lumabas ako sa kotse ko. Sumandal ako at humalukipkip ako sa gilid nito habang mataman kong pinagmamasdan ang bahay. Matitirhan pa ba 'to? Para isang buga lang ng malakas na hangin, matitibag na 'to eh.

Nilabas ko ang pakete ng sigarilyo at lighter mula sa bulsa ng pulang checkered na polo ko. Tinanggal ko na 'yon mula sa pagkakabutones dahil nakasuot naman ako ng itim na racerback sa ilalim kaya hindi diyahe kung maisipan ko mang hubarin.

Hinithit ko ang sigarilyo at ibinuga ang usok no'n sa ere. Nag-iisip kung saan ako tutuloy ngayon. Hindi naman pwedeng dito sa bahay na 'to dahil obviously, hindi pa naaayos.

"Tangina..." anas ko habang hinihilot ang aking batok. Pinitik ko ang hawak kong stick ng sigarilyo at saka humithit ulit.

Maghahanap na lang muna ako ng hotel sa bayan na 'to. Bukas ko na uumpisahan ang pag-aayos. Bibili rin ako ng mga kailangan para sa gagamiting paglilinis...at sino'ng makakasama ko?!

Tumaas ang kilay ko nang maalala ko 'yong lalaki kanina sa tindahan. Siguradong may kilala 'yong trabahador na pwedeng makasamako sa paglilinis. Saka...kailangan ko rin yata ng engineer o architect o sinumang pwedeng makatulong sa akin para maibalik ko ang ganda nitong bahay.

Matapos kong maubos ang isang stick ng sigarilyo ay tinapon ko ang upos no'n at inapakan iyon gamit ang suot kong itim na ankle boots. Kinabig ko ang sasakyan pabalik sa kantong iyon. Tanaw ko pa rin siya habang kumakain ng sitsirya at nakaupo sa maliit bangko.

Kumunot pa ang noo niya nang hininto ko ang kotse sa harap ng tindahan. Tinapon niya sa basurahan ang plastic at nagmadaling uminom ng softdrinks. Pagkatapos, patakbo siyang lumapit sa akin.

Sumilay ang ngisi sa labi ko. Lumabas ako sa kotse para salubungin na siya. Itinaas ko ang aviators ko at inilagay sa aking ulo. Maluwang ang ngiti niyang lumapit sa akin habang pinupunasan ang bibig niya gamit ang laylayan ng kanyang t-shirt.

"Ano, madam? Nakita mo ba 'yong bahay na hinahanap mo?" nakangiting tanong niya sa akin.

Tumango ako at muling sinulyapan ang daang pinanggalingan ko kanina.

"May...kilala ka bang naghahanap ng trabaho?" tanong ko sa kanya.

"Ako madam!" presinta niya.

I puckered my lips. "Kailangan mo ng kasama."

Sandali siyang nag-isip. Ipinilig niya ang kanyang ulo at nang may maisip ay ngumiti ulit ng pagkaluwag-luwag.

"Nanay ko po! Pwede rin madam!"

Fate (Fierce Love Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon