CHAPTER 13

31 3 2
                                    

Faith

Simpleng pulang sleeveless blouse at maong pants ang sinuot ko na pinaresan ko ng simpleng sandalyas na may taas na dalawang pulgada para sa okasyon na pupuntahan ngayong gabi. Dumaan na rin ako sa isang wine shop para bumili ng mamahaling alak at sa bakery para naman sa cake. I don't want to go to the party empty handed. This will serve as my present since I don't have much time to buy a gift to Mark.

I texted Banjo earlier to attend the birthday party with me. But unfortunately, he won't come.

He gave me some instructions, though, na sa tingin ko'y hindi ko rin maiintindihan dahil mahina ako sa direksyon.

"Banjo, nandito na ako sa parke! Ano'ng parke pa ba ang sinasabi mo dahil ito lang ang nakikita ko?" Banas kong sabi sa kanya.

Kasalukuyan ko siyang kausap sa telepono habang nagmamaneho ako. Nakailang ikot na ako sa sinasabi niyang parke rito sa plasa pero hindi ko matukoy kung saan ang sinasabi niyang kanto.

"Mini park 'yon, Madam! Kung manggagaling ka mula sa hotel na tinutuluyan mo, makikita mo iyon sa iyong kanan."

"Mini park?" Kinabig ko sa gilid ang sasakyan at nag emergency signal dahil sa alanganing pag-park ko. Inilinga ko ang paningin sa paligid. "Malaking parke ito! Hindi ito papasang mini park!"

Tanaw ko rin mula sa sa kinaroroonan ko ang building ng opisina ng De Guia Construction. Kalapit lang ito sa munisipyo ng San Nicholas. At ang parke na tanaw ko ngayon ay nasa harap mismo ng munisipyo.

"Lalampasan mo 'yan Madam. Dumiretso ka lang diyan. Sa pangalawang kanto bago ka makarating sa kurbada, makikita mo 'yong mini park na sinasabi ko. Lumiko ka sa kanan. Makikita mo agad ang bahay ni Engr. Mark Constantia dahil iyon lang ang bahay na may tatlong palapag sa hilera na 'yan." He explained patiently.

Ramdam ko na rin ang iritasyon sa boses niya dahil sa kakulitan ko. Pero ano'ng magagawa ko kung hindi ko rin siya kukulitin na ituro sa akin ang daan papunta kila Mark? I don't have his number, though. And knowing that Philip will also be there, calling him to ask about it is the least thing I would.

Mabilis akong nagmaneho, Banjo is still on the line. I'll ask him again just in case I'm loosing my way.

Sa pagmamaneho ko, agad kong natanaw ang mini park at ang kantong sinasabi niya. I slowed down. Pagliko ko, nakita ko ang iilang sasakyan na nakahilera sa gilid ng kalsada.

"I think, I'm here," sabi ko kay Banjo.

I saw a three-storey house on the left side of the street. Tama si Banjo. Iyon lang ang bahay na ay tatlong palapag doon. Maluwag na nakabukas ang gate at maliwanag sa buong kabahayan, may musika rin akong naririnig mula sa loob ng bahay at ilang taong labas masok sa kanila.

"Oh sige, Madam, mag-enjoy ka! Huwag mong kalimutang magbalot, ah?" Aniya at sinundan iyon ng mahinag halakhak.

"Kung sumama ka sana sa akin—"

"Hindi nga po pwede, Madam. Kulet mo." Putol niya.

I unbuckled my seatbelt, "Fine! Mabilis lang ako. Uuwi rin ako agad. I'll hang up."

"Oh sige, bye!"

I didn't to answer back and just ended up the call. Pinasadahan ko muna ang mukha sa rear view mirror. Okay naman ang itsura ko kahit papaano.

Ngumisi ako nang makita ang sariling repleksyon sa salamin. It's been a while since I dressed up like this. Ngayon lang ulit ako nag-ayos ng sarili at nag-attend sa party kahit na alam kong simple lang iyon.

Bitbit ang bote ng wine at ang karton na may lamang cake, binaybay ko ang daan papunta sa bahay nila Mark. Habang unti-unti akong lumalapit doon, mas napapakinggan ko ng mabuti ang mga ingay ng tao. May nagtatawanan, kumakanta sa videoke, at ang iba'y nagkukwentuhan.

Fate (Fierce Love Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon