CHAPTER 24

20 2 0
                                    

Faith

Tahimik kaming pinagmamasdan ni Kuya Onyx habang nasa hapag kami. He's sipping his coffee but his eyes never leaves us. Because Philip, being a natural gentleman, served meals on my plate. Iba't-ibang klase ng pagkain ang inilagay niya sa aking plato. At hindi pa nakuntento dahil sinalinan pa niya ng juice ang baso ko!

"Kaya ko na. Okay na 'to." Bulong ko sa kanya dahil hindi ko na matagalan ang paninitig ni Kuya.

Ngumisi siya. "Alright. Sabihin mo sa akin kung ano pang gusto mo't ako na ang kukuha para sa'yo."

Nanlaki ang mga mata ko dahil hindi iyon bulong na tulad ng ginawa ko kanina. Kaswal niyang sinabi 'yon. Alam kong dinig na dinig iyon ni Kuya Onyx kaya lalo lang akong na-conscious sa paligid!

"Ako na ang kukuha ng pagkain ko!" Mariing sabi ko.

Lalong lumapad ang ngisi niya. Hindi ko alam kung nananadya ang isang 'to. Parang 'di niya napapansin ang mga titig ng kapatid ko. Hindi niya ito alintana kahit na kanina pa kami inooberbahan.

He only shrugged his shoulders and eat on his own.

Hindi ako mapakali sa kinauupuan ko. Pakiramdam ko, maha-hotseat ako mamaya ng kapatid ko. Si Earl lang naman ang tanging nakilala nila bilang boyfriend ko kaya nang may makilala siyang lalaki rito sa mismong bahay ko, para akong batang nahulihan ng kasalanan!

Nagpakawala ako ng buntung-hininga. Gusto kong iwaksi ang nabubuong mga posibleng ideya sa utak ni Kuya Onyx pero kung ipapahalata kong apektado ako sa mga pagtitig niya sa amin, magmu-mukha akong guilty.

I cleared my throat and tried my best to be casual when I faced him. Nakahinga ako ng maluwag nang hindi na siya nakatingin sa amin. He's busy in his phone, probably checking messages from work.

"K-Kuya, bakit hindi ka kumakain?"

Mula sa cellphone na hawak niya ay nag-angat siya ng tingin sa akin. Nakataas ang isang kilay niya. At saka ngumisi.

Hawak pa rin niya ang tasa niyang may lamang kape. Hindi siya agad sumagot sa tanong ko. Mas nadepina ang mga naiisip kong ideya. I know my brother. Kung gaano kalikot ang utak ko, triple ang sa kanya!

"Tapos na ako sa biyahe." Tanging sagot niya.

Huminga ako ng malalim at saka dahan-dahan iyong pinakawalan. Ayoko namang ipahalatang naiilang ako sa kinauupuan ko. Ayokong malaman nila kung ano'ng naglalaro sa isip ko.

Pinilit kong iwaksi ang mga naiisip. Baka napapraning lang ako! Masyado lang akong nag-iisip ng kung anu-ano.

Nagpatuloy kami sa pagkain. Hindi ko na ulit tinanong si Kuya Onyx. Philip is occasionaly asking me what I want. Kapag ganoon ang mga ikinikilos niya, pinandidilatan ko lang siya, signaling him to stop doing things that's making me feel uncomfortable.

"Philip, ano'ng pinagkakaabalahan mo ngayon?" Si Kuya Philip.

Nanlaki ang mga mata kong nag-angat ng tingin kay Kuya Onyx. Ano 'to? Interview portion na ba?

"Isa akong engineer." Tipid niyang sagot.

"At?"

Lumingon ako sa katabi. Kita ko ang pag-igting ng panga ni Philip. Galit ba ito? O baka naman naiinis?

"May construction firm akong pinamamahalaan sa ngayon. May ilang negosyo ring pinapalakad."

Tumangu-tango si Kuya. "Paano mo nakilala itong kapatid ko?"

"Firm ko ang kinuha niya sa renovation ng mansyon ng mga...Arconado."

I can see how he looks slithery at my brother. Marahan ko ring ibinaling ang tingin sa aking kapatid. Umarko ang kilay ko dahil katulad ng kay Philip, iba rin ang ipinupukol na titig ni Kuya sa kanya.

Fate (Fierce Love Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon