CHAPTER 18

29 3 1
                                    

Faith

Naramdaman kong may presensya sa likuran ko kaya ako naalimpungatan mula sa pagkakatulog. Pumulupot ang kamay nito mula sa aking likuran. At mula doon, alam kong may taong yumayakap sa akin.

"Sweetheart," bulong sa akin ng isang pamilyar na boses.

Ngumiti ako. Bumuhos ang pangungulila ko sa kanya nang marinig ko ang pagtawag niya sa akin. Naramdaman ko ang bahagyang paghigpit ng malamig na yakap niya sa akin. Sinikap kong yakapin siya ng mahigpit dahil giniginaw ako. Until I made my way to turn around so I can face him.

"You're here," namamaos na sabi ko dahil kagigising ko lamang.

I caressed his jaw. Ngumiti siya sa akin bago niya abutin ang kamay ko't dalhin iyon sa kanyang labi. He kissed the back of my palms. It's melting my heart seeing him this way.

We stayed quiet for a while. Pinapanood ko lang siya sa aking tabi.

"I want you to be happy, Faith." He started talking. "Please be happy."

"What are you saying? I'm happy because you're here." I said.

Umiling siya. Nagtataka ko siyang tiningnan.

"Maging masaya ka kahit wala ako," aniya. "You deserve to be happy even without me."

Umiling ako. "Please don't say that, Earl. Ikaw lang ang dahilan kung bakit ako masaya."

He smiled but I can't see the happiness in his eyes. "I want you to see the happiness you deserve even if it's not because of me. I want you to learn to live your life again without me, sweetheart. I want you to do again the things you love ans start anew." He kissed the tip of my nose. "Please, Faith." He begged. 

Umiling ako. "You are my life Earl. Please don't say that. Please..." Tears started to form on the sides of my eyes.

"You deserve better," he said.

Unti-unting lumiwanag ang paligid. Nakakasilaw. Masakit iyon sa mata kaya napapapikit ako. Pero nandito si Earl! Nangamba akong pumikit o kahit takpan man lang ng mga palad ko ang aking mga mata dahil anumang oras, baka mawala na naman siya sa paningin ko!

I hugged him, only to realized that he's gone beside me...again.

I desperately shouted for his name!

"Earl!"

Nagitla akong dumilat mula sa aking pagkakatulog.

Panaginip. Ulit. Kasama niya.

Muli kong inalala ang panaginip na iyon. It was vividly graphic. I can even picture his expressions when he talked to me. His icy cold embrace, the emotionless smile...but his insistence for me to be...happy, even if he's not the reason anymore...I shook my head.

Parang pinipilit niya sa aking kalimutan ko na siya at mag-focus na sa sarili kong buhay.

I can't do that to you, Earl. You took my heart with you to the grave.

Kapareho ng posisyon ko ngayon sa kama ang posisyon ko kung paano ako nakahiga sa kamang nasa panaginip ko. Ang pinagkaiba nga lang, wala na si Earl sa tabi ko.

I sighed and closed my eyes tightly. Umayos ako ng higa. Hindi mawala sa isip ko ang sinabi niya. I feel so lifeless and hopeless after that tragedy. Kung pwede lang...

Ako na lang sana. Ako na lang sana ang nawala.

Sinulyapan ko ang digital clock sa bedside table. It's almost six o'clock in the morning.

May lakad nga pala kaming dalawa ni Philip ngayon.

Bumangon ako mula sa pagkakahiga at nagtungo sa banyo para maligo. Alas siyete niya ako susunduin kaya may oras pa ako para mag-ayos ng sarili. Nag-empake rin ako ng ilang damit pamalit dahil maliligo kami sa talon. Ang bikini na susuotin bilang panligo ay isinuot ko na bilang panloob ko.

Fate (Fierce Love Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon