CHAPTER 25

36 2 0
                                    

Faith

Tumuloy kami ni Kuya Onyx sa Maynila. Si Bianca, himalang nagpaiwan sa mansyon. Tututol sana ako sa ideya niya dahil mag-isa lang niya roon kung sakali pero ang sabi niya'y gusto niyang magbakasyon. Being an accountant and an acting manager in our clinic, ang sabi niya'y deserve niya ang magpahinga kahit isang linggo lang.

Hinayaan ko na siya sa gusto niyang mangyari. Matanda naman na siya. She can take care of herself though I don't think she can't barely survive without someone who can accompany her in the household. Kaya sa maigsing oras ng pag-iisip kung sino ang pwede niyang makasama, nagpresinta si Philip na papuntahin ang isang kasambahay niya para masamahan ang kapatid doon.

Hindi ako sumabay kay Kuya. I drove my own car. Sanay naman ako sa long drive at nakapagpahinga ako ng maayos sa bahay ni Philip kaya kumpyansa akong kaya ko kahit gabi.

Walang nakapigil sa akin. Kahit si Philip na mariin ang pagtutol, sa huli, ako pa rin ang nasunod.

Bagsak ang katawan ko nang marating ko ang condo unit ko. I glanced at my watch and it was already past 4 a.m. in the morning. Alas siyete ng gabi ako nakaalis sa San Nicolas. Mas mabilis akong nakarating kesa sa usual time of travel dahil hindi na ako nag-stop over. Hinawi ko ang makapal na kurtinang tumatakip sa sliding door sa sala. I opened it and let the wind blew on my face. It was refreshing and cold. Ito na lang ang binuksan ko kesa sa airconditioning.

Ramdam ko na ang pagod mula sa biyahe. Kaya nang ihagis ko sa isang banda ang maliit na bag na dala ko, isinalampak ko ang sarili sa mahabang sofa na naroon.

Hindi ko napansin kung gaano na ako katagal nakapikit, o ilang minuto na akong nakatulog pero nagmulat ako ng tingin nang maramdaman kong may malamig na hangin ang dumampi sa balat ko. Hindi ko iyon kayang ignorahin kahit namimigat pa ang katawan ko sa pagod at antok.

I looked around. Nag-aagaw na ang dilim at liwanag sa langit. I blinked a couple of times to regain more consciousness when I noticed someone sitting on the edge of the sofa. I saw a familiar figure. Ang mga kamay niya'y nakapahinga sa magkabila niyang hita. Diretso lamang ang kanyang tingin at halos hindi gumagalaw. Wearing a long sleeve white dress shirt and black slack, and sporting a clean haircut, I know, it was him.

Nilingon niya ako nang bahagya akong kumilos paatras. He looked...happy. Sumisilay ang nakatagong ngiti sa kanyang labi. And I saw how his eyes twinkled, despite how deep he stares at me.

Hindi ko mapigilan ang gumanti ng ngiti sa kanya. I saw him again few days ago. Nag-usap pa kami. I was sorrowful that time, so eager to see and talk to him.

Miss na miss ko pa rin siya kahit na naging abala ako sa sarili ko nitong mga nakaraang araw.

"Welcome home, darling..." he said.

Lalong pumunit ang ngiti sa labi ko. Unlike of my past encounters with him, iba ang awra niya. Pati sa boses niya, hindi maitatago ang saya sa kanya.

"It's been a while since I..." roamed my eyes around the place. When I returned my gazes to him, I caught him still looking at me with a small smile written on his lips. "I-I went here."

Tumango siya. "Your sister took good care of it."

Ngumisi ako. Pinagpantay ko ang mga paa ko dahil sa nararamdamang pagkangalay. I even stretched my arms because I can still feel how tired I am from the trip. I saw Earl moved to me closer. Ibinaluktot ko ang mga tuhod ko at isinalikop iyon gamit ang mgkabilang kamay ko para bigyan siya ng espasyo sa aking tabi.

"Ang tagal kitang hinintay dito..." aniya.

"I'm s-sorry," my voice cracked. "Are you mad?"

Umiling siya. "But I miss you. I miss you so much."

Fate (Fierce Love Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon