CHAPTER 21

33 2 2
                                    

Faith

Kitang-kita ko ang saya na bumalatay sa mukha niya nang bitawan ko ang mga salita ko kanina. He only hid it in his mocking stares. Akala niya siguro, hindi ko mapapansin ang ngiti niyang pilit niyang itinatago.

Ako naman ngayon ang natahimik. Sinagot ko na talaga siya. Ni hindi ko iyon pinag-isipan. My answer just came out elsewhere. Basta sumagot lang ako dahil ang sarap patulan ng hamon niya.

Sabagay, pwede ko rin namang bawiin 'yon 'di ba? Hindi naman ako seryoso sa mga pinagsasabi ko kaya dapat lang na bawiin ko rin 'yon para iwas kalituhan sa pagitan naming dalawa.

"Really, Faith Bernadeth?" He asked mockingly. "Hindi ako papayag kung babawiin mo ang sinabi mo."

Nagngitngit ang loob ko. Alam niya ang tumatakbo sa isip ko!

"I'm true to my words, Philip." Mayabang na sabi ko.

Sinubukan kong itulak siya palayo sa akin pero parang bakal ang mga braso niya sa higpit ng yakap niya. I glared at him because I felt his grip tightened a bit. Naramdaman niya ang bahagyang pagtulak ko sa kanya. His lips pursed, trying to hide a mischievous smile.

"Sabagay. Sa ilang buwan nating pagkakakilala, alam kong kapag sinabi mo ay gagawin mo."

I scoffed. "How observant you are to know that? O baka naman stalker ka? Lahat ng kilos ko ay binabantayan mo?"

He chuckled in a high sense of sarcasm. Nairita ako sa paraan ng pagtawa niya. Parang sinasampal niya ako dahil sa masyado akong feeling magsalita!

"Dead na dead ka ba sa akin kaya nanligaw ka kaagad? Pati ang paraan ng pagpapasagot mo sa akin, masyadong demanding. Para kang mauubusan ng babae ah?" Dagdag ko.

Lalong lumakas ang halakhak niya! Damn you, De Guia! Kung gaano kalakas ang angas ko, triple iyon sa lakas ng apog mo!

He loosened his arms on me but he stood still in his place. Kung kanina ay nakapulupot ang mga braso niya sa katawan ko, ngayon ay nakahawak na lamang ang mga iyon sa magkabilang baywang ko.

Para akong kinukuryente sa paraan ng pagkakahawak niya sa akin. Nanalaytay sa buong katawan ko ang kiliting nararamdaman ko dahil sa marahang haplos na ginagawa niya. Pinipigilan ko lang ang sarili kong magpaapekto dahil ayokong malaman niyang apektado nga ako!

Ngunit iba ang dikta ng isip ko sa kagustuhan ng katawan ko. My hands wrapped on his nape. Hindi ko alam kung bakit naisipan kong gawin 'yon pero alam kong iyon ang tingin kong dapat na mangyari ng mga oras na 'yon.

I smiled seductively. I wanted to distract his thoughts. I know he's affected with my touches and my gestures. At alam kong hindi ako nagkakamali dahil nakita ko kung paano niya ako pukulan ng mariing tingin.

"Don't laugh. I can take back what I said." Ani ko.

"Kasasabi ko lang na hindi ko papayagan 'yan kung sakali."

"Talaga?" I whispered. "Then don't mock me with your laughs."

"Don't mock my feelings for you, too." He answered back. "Hindi mo alam ang nararamdaman ko para sa'yo."

I smiled and licked my lower lip. Mas lalong tumalim ang mga tingin niya. But I saw how he gulped hard when his Adam's apple move. Sinundan ko ng tingin iyon at gusto kong magmura dahil nagsisimula akong makaramdam ng ibang pakiramdam.

I am suddenly bothered when I felt trouble in between my fucking thighs!

Unti-unting lumuwag ang pagkakahawak ko sa kanya. Dahil lang 'to sa masyadong magkadikit ang katawan namin. Isa pa, it's normal to feel this way. It's a response to a stimulating action. At tingin ko'y nasa tamang pag-iisip pa naman ako kaya kung pwedeng iwasan, iiwasan ko.

Fate (Fierce Love Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon