CHAPTER 26

30 2 0
                                    

Faith

Mabigat ang pakiramdam ko nang magmulat ako ng aking mga mata. Pilit kong inalala ang nga huling nangyari at kung paano ako napunta rito. I felt a pang of pain in my head but it was manageable. Then, I felt a presence around me but ignored it for the meantime. Kahit nanlalabo ang mga mata ko, alam ko kung nasaan ako. The place is indeed familiar. I don't think I could ever forget it.

I am in Earl's room now.

"How are you feeling, Ate Faith?" Si Phoebe.

I blinked my eyes a couple of times to regain a clearer vision. When I tilted my head to my left, I saw Phoebe, sitting on the left corner side of the bed.

She looked at me with so much worry. Pinagmasdan ko ang maganda niyang mga mata. She looked like Earl. Sa kanilang lahat, siya ang pinaka-kawangis nito.

She moved closer to me. Ngayon ay nasa bandang braso ko na siya. Hinawakan niya ang kamay ko at tila hindi maalis sa itsura ang pag-aalala.

"Dito ka na pinagpahinga ni Daddy. Iuuwi ka na sana ni Kuya Onyx pero nagpumilit siya na dito ka na pagpahingahin." Maingat na sabi niya sa akin.

I smiled a bit, giving her a little sense of hesitation. Agad na rumagasa sa isip ko ang mga nangyari kanina. Nakakahiya. I caused a shameful scene. Para akong nanliit sa sarili ko. Ni hindi man lang ako nag-isip ng mabuti! Para ko na ring binastos ang padasal para kay Earl. Everyone in his family and relatives witnessed how Tita Stella hated my presence. Alam ko, maging ang ama at mga kapatid ni Earl ay ganoon din ang nararamdaman.

They were just kind enough not to show it to me.

Parang si Phoebe.

Itinukod ko ang magkabilang kamay ko para maiangat ang sarili sa kama para makaupo. Phoebe moved, na parang gusto pa akong tulungan. Pero ngiti at pag-iling lang ang isinukli ko sa kanya.

"Ayos na ako, Phoebe. Salamat." Ani ko habang pinagmamasdan ang kanyang maamong mukha.

She bit her lower lip. Then released it after I saw how it trembled. Naalarma ako nang makita kong unti-unting nanubig ang kanyang mga mata at namula ang kanyang mata.

"Phoebe---"

Hindi ko na natapos pa ang sasabihin dahil dinamba niya ako ng mahigpit na yakap.

I stiffened. Nanigas ako sa kinauupuan ko. Hindi ko alam kung ano ang uunahin. Kung aaluin ko ba siya o itatanong kung ano ang nangyayari't bakit siya umiiyak.

Sa huli, lumapat ang mga kamay ko sa kanyang likod at marahan iyong pinasadahan ng haplos.

"Shhh..." I whispered. "Bakit ka umiiyak?"

Naramdaman ko ang sunud-sunod na pag-iling niya. My heart melted, thinking that how her family resents me while here she is, embracing me with so much longing.

Kalaunan, sa ilang minutong naging tahimik kami, naramdaman ko ang unti-unting pagluwag ng yakap niya. Hinayaan ko siya, hanggang sa harapin niya ako habang nagpupunas siya ng mga luha sa kanyang magkabilang pisngi.

Nakangisi akong pinagmamasdan siya. She was only twelve years old when I last saw her. That was before my engagement party with Earl. How time flies now that she matured physically. Dalaga na kung mag-ayos. Kahit sa kanyang pananamit.

"Bakit hindi ka nagpakita noong namatay si Kuya Earl?"

Natunaw ang ngisi sa labi ko. Napalitan iyon ng blangkong ekspresyon. Hindi ko alam kung saan ko huhugutin ang sagot sa simpleng tanong niya. Simple...kung iisipin. Ngunit hindi ko alam kung paano ko huhukayin ang sagot sa lalim ng sugat na idinulot no'n sa puso ko.

Fate (Fierce Love Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon