CHAPTER 29

34 2 1
                                    

Faith

Nakakapanibago ang mga nagdaang araw na lumipas sa tuwing nagigising ako sa umaga. Para akong may inaasahan, may inaabangan. Dati, kung hindi sakit ng ulo dahil sa hangover sa dami nang nainom kong alak sa nagdaang gabi, puro naman pampalipas oras ang ginagawa ko sa pamamagitan ng pagtunganga habang naninigarilyo ako at nakatingin sa kawalan.

My vices drowned me from my misery.

Nakakagulat dahil ang huling hithit ko pa ng sigarilyo ay buwan na ang lumipas. Pati sa pag-inom ng alak, ang huli'y noong nasa hotel kami ni Philip. And now, I don't see myself smoking nor drinking too much alcohol.

Philip has a great influence in me to avoid it. Since we came home, we were more visible to the public. Madalas kaming magsama kapag may mga libreng oras siya. Hindi naman ako nabo-bored sa bahay dahil kasama ko si Bianca na ilang linggo na ring nandito sa mansyon.

"Ate, ano'ng balak mo ngayon?" Si Bianca, isang araw habang nag-aagahan kami sa veranda.

Wala pa kaming kasambahay sa ngayon. Kami lang ng kapatid ko ang kumikilos dito. Si Benjo naman ay pumupunta lang dito kapag tinatawag kong magdamo sa garden. At kung minsan, ay nagha-hire ako ng cleaning services sa Centro.

Nagkibit-balikat ako. "Nag-iisip pa ako," sagot ko.

"You're not going back to Manila any moment, right?"

I shook my head and continue eating.

"Then maybe, you should consider what Tita Stella wants. Tutal, hindi mo naman mina-manage iyon ng personal. And to be honest," she smiled dreamily. "I wanted to stay here, too."

Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya.

"Stay here?" Inabot ko ang baso kong may lamang orange juice. "Saan naman nanggagaling ang motivation mong manatili rito?"

Napapansin ko ang gabi-gabing paglabas ni Bianca. I don't mind, though. Bukod sa nasosolo namin ni Philip ang mansyon kapag umaalis siya, bumabalik naman siya kinabukasan kaya hindi ko na siya masyadong inuusisa pa.

But now, I think I have to ask her about it.

"Bakit? Dahil ba roon sa lalaking kasa-kasama mo gabi-gabi? Naku Bianca! Hindi kita pinapakealaman sa mga ginagawa mo but please!" I rolled my eyes with a pinch of irritation on it. "Practice safe sex."

Kitang-kita ko ang pamumula ng magkabilang pisngi niya sa sinabi ko. I tsked inwardly.

Sinasabi ko na nga ba.

"Ate!" Saway niya sa'kin.

I grimaced and mocked her reaction. "Ate!" Pagsusungit ko. I even mimicked the way she said it.

"Stop it! Lester and I...w-we're just f-friends!" Nauutal na sagot niya sa'kin.

Ngumisi ako at nagpatuloy sa pagkain. "By the way, I am actually thinking about what you've said. Tulungan mo akong i-liquidate ang shares ko. Saka ko na ipapasa ang management sa pamilya ni Earl."

Namimilog ang mga mata ni Bianca sa narinig. Parang hindi makapaniwalang sinasabi ko ito sa kanya ngayon.

"Talaga, ate? Bibitawan mo na ang ProCare?"

"You heard what I've said—-"

"Goodness! I've been praying that you would do that! Grabeng stress ang dinala niyan sa'yo. If it's not because of Kuya Earl, hindi mo talaga bibitawan 'yan!"

"Well," ngumisi ako. "Eto na."

"Iba talaga ang impact sa'yo ni Kuya Philip, 'no?"

Nangingiti ako kasabay nang pagkunot ng noo ko. Inaamin kong may katotohanan iyon. Ayoko lang aminin sa sarili ko minsan, o kahit dito sa babaeng kausap ko ngayon!

Fate (Fierce Love Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon