CHAPTER 6

24 2 0
                                    

Faith


Few days after I signed the contract with Engr. De Guia's firm, the renovation of the mansion started. Nag-simula lang muna kami sa paglilipat ng mga gamit sa stock room sa likod ng bahay. Halos natuon ang dalawang araw namin sa paglilipat lang ng mga gamit. Mabuti na lang, kahit medyo aanga-anga sa pagbubuhat ng babasaging gamit ang mga tauhan niya, naitawid pa rin nilang lahat 'yon sa stock room.

Sinaway ko ang dalawang lalaking naglilipat sa painting ng lola ko, si Celeste Del Mundo Arconado.

"Ingatan niyo 'yan!" I sneered then whispered. "Baka tanggalan ko kayo ng hininga." I almost murmured.

Kitang-kita sa mukha ng dalawang lalaki ang pangamba ng sitahin ko sila. Agad silang tumalima at inayos ang pagkakahawak ng kwadrado. Luma na iyon kaya kung gagalawin man, kailangang pakaingatan para hindi masira.

Narinig ko ang mahinang halakhak ni Engr. De Guia sa likuran ko. Hindi ko na siya nilingon pa dahil abala ako sa pagtingin ng mga tauhan niya habang naglilipat ng gamit.

"Ang lupit mo naman sa mga tauhan ko." tudyo niya sa akin.

Humalukipkip ako at nilingon siya.

"Sinasabihan ko lang." matabang na sagot ko sa kanya.

Baka isipin pa niyang pinagmamalupitan ko nga ang mga tauhan niya.

He clicked his tongue thrice and move closer to me. He is in his working clothes, not his usual attire na polo shirt at jeans paired with boots. Mukhang sasabak din sa pagtatrabaho.

"May ayaw ka ba sa paraan ng pagtatrabaho nila? Sabihin mo sa'kin para maayos ko." he said while looking at me intently.

I can see his eyes glistening while talking to me. It's tantalizing. Tila naninimbang pa ang itsura niya sa isasagot ko.

Meanwhile, I am very sure with myself. I only mirrored his gazes with my cold blank stares.

"Pakisabihan lang sila na mag-ingat sa paglilipat ng mga gamit. Karamihan sa mga kwadrado, marurupok na dahil nalipasan na ng panahon. I want to preserve everything inside that house..." natigilan ako sa pagsasalita nang maramdaman kong nag-vibrate ang cellphone ko. I took it out from my pants and there I saw who's calling me.

Tumikhim ako para sagutin ang tawag. I tried my best to be sound enthusiastic. I have high respect for this person. Ayokong ma-disappoint siya sa akin.

"Good morning, Tita Stella!" bati ko sa kanya. Nakangiti pa akong nagsalita kahit hindi naman niya iyon nakikita.

I raised my index finger to the man I'm talking with. Agad niyang nakuha ang gusto kong sabihin kaya tumango lamang siya at tipid na ngumiti. Hindi na ako lumayo pa. Kahit saan naman ako magpunta, maingay pa rin ang paligid dahil sa dami ng nagtatrabaho.

"When are you coming back? You still have documents to sign!" iritableng salubong niya sa akin.

Napawi ang mga ngiti ko ng marinig ang sinabi niya. Ang excitement na naramdaman ko kanina nang malaman kong siya ang tumatawag ay napalitan ng panlalamig sa gusto niyang mangyari.

My searing irritation reflected on my face. Nagtagis pa ang mga bagang ko habang nakikinig sa kausap. Nagpatuloy lang siya sa katatalak habang ako, kulang na lang, bagsakan ko ng tawag para matigil na siya sa kasasalita.

"Bernadeth?! Are you listening to me?" galit na ang boses niya.

Kung hindi ko lang ito nirerespeto, baka nakatikim na rin ito ng salita sa akin.

But I have to hold my patience. She's Earl's mother. Sigurado akong hindi niya magugustuhan ang iaasal ko kapag hindi ako nagtimpi sa gaspang ng ugali ng Mommy niya.

Fate (Fierce Love Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon