CHAPTER 11

30 3 0
                                    

Faith

Pinilit kong iwaksi ang nararamdaman kong galit kay Philip. I thought that it's not worth of my time putting some fucking emotion to him. Nagustuhan ko man ang nangyaring halikan ng gabing iyon, galit ako dahil pakiramdam ko, naloko ako. It was like a spurt of heated desire kaya nadala ako sa mga halik at haplos niya.

Pero bakit nga ba ako nakakaramdam ng ganito? Eh hindi naman kami? Naloko... I shook my head. I shouldn't feel this. Napakawalang kwentang mag-dwell sa ganitong nararamdaman. I should stay cool and act like I don't mind his effect on me.

The hell with him! Yeah, that's it. Hindi na kami mga bata. I have to deal this like it's nothing.

Kakalimutan ko na lang ang nangyari. But damn him, he'll never be easy on me now. He will not expect goodness on me. Tatratuhin ko na lamang siyang isang kakilala na mababaw ang pagkakakilanlan.

Sa mga nagdaang araw, I maintain my stoic aura and coldness towards him. Nakikipag-usap lamang ako sa kanya kung tungkol lang iyon sa renovation ng mansyon. Nakakakuha naman ako ng updates sa engineer na nakatoka rito kaya madalas, hindi ko na siya pinapansin pa.

But he's very eager to get my attention that I started to get irritated with his presence.

Kung hindi ko lang talaga sa firm niya ipinahawak ang project na 'to, nungkang papansinin ko ang lalaking 'to!

"Banjo, ikaw muna ang bahala rito ah?" Ani ko sa kasama na kalaunan ay naging matalik ko ng kaibigan.

"Saan ka pupunta, Madam?"

Nasa tent kami ngayon. Nagpapainit siya ng tubig sa takure, ang naunang nainit na tubig ay tinitimpla na niya para sa panghapong kape ng mga trabahador. I received a billing statement from Philip's secretary. Kailangan ko na ulit magbigay ng partial payment para sa renovation.

"Sa siyudad, magwi-withdraw." Tipid kong sagot.

Tumango siya at saka muling binalingan ang ginagawa. Nagsasalin na siya ng tubig sa mga nakahilerang coffee mugs.

Sanay na siya sa pakikitungo ko. Hindi iyon naging problema sa kanya. Kaya kahit madalas ko siyang sungitan, hindi niya iyon iniinda.
Siya lang, sa mga taong narito, ang kayang umintindi sa kagaspangan ng ugali ko.

"Babalik ka pa ba rito, Madam?" Muli niyang tanong.

Nabitin ang pagsagot ko sa kanya dahil narinig ko ang pamilyar na ugong ng sasakyan sa harap ng gate. The side of my lips rose in irritation. My eyes glared in his car with so much annoyance. At kahit alam ko na kung sino ang bababa roon, hindi ko inalis ang pagkakatingin ko sa sasakyang dumating.

"Madam?" Tawag sa akin ni Banjo.

Doon lang napukaw ang atensyon ko. Bumaling ako sa kanya. Hawak ang dulo ng sigarilyong sinindihan ko kanina, tinaktak ko ang upos no'n at saka muling hinithit.

"Hmm?"

Narinig ko ang pagbukas at pagsara ng pintuan ng sasakyan niya. Hindi ko maiwasang mataranta sa presensyang dala niya rito. Pakiramdam ko, kakausapin na naman niya ako, na ayaw ko nang mangyari.

I saw in my peripheral vision that he's heading to our tent. Lalong dumagdag iyon sa iritasyon ko. I tried my best to stay calm and remain my reactions bland kahit ramdam ko ang malakas na kabog ng dibdib ko.

Why am I suddenly feeling nervous? Eh si Philip lang naman 'to!

Nakita kong nakasunod din ang tingin ni Banjo sa taong kararating lamang. Habang ako, abala ako sa pag-iisip kung paano ko iiwasan ang lalaking unti-unting lumalapit sa pwesto namin.

Fate (Fierce Love Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon