CHAPTER 23

23 2 1
                                    

Faith

Marahan kong minulat ang mga mata ko. Malamig ang hanging dumadapo sa balat ko dahil nakatodo ang aircon. Mabigat din ang pakiramdam ko dahil sa pagod. My body is sore all over. At kahit gising na ang diwa ko, pinili ko munang hindi kumilos habang pinapakiramdaman ko ang sarili.

Katabi ko ngayon sa kama si Philip. Pareho kaming hubad sa ilalim ng kumot. His arm wrapped around my waist. Ramdam ko ang mainit na hininga niya sa aking batok. Nagdulot iyon ng kiliti sa akin. At ang kanyang mga binti ay nakadantay sa mga hita ko.

He was hugging me possessively. I can feel his hot skin in mine. Ang amoy niya'y dumikit na sa balat ko. He smell manly. I am beginning to get use to the comfort that it brings me.

I sighed. I looked at the digital clock on the bedside table. Pasado alas singko pa lang ng madaling araw.

Ang bilis ng mga pangyayari. Oo't nagpaubaya ako pero nagugulat ako sa sarili kong mga desisyon. Noong isang gabi ko lang siya pinayagang manligaw. Labas sa ilong pa ang naging desisyon ko. Kahit nang sagutin ko siya kahapon, nadala lang ako sa mapaghamon niyang pananalita. I didn't even give it a serious thought. Basta um-oo lang ako. Hindi ko na inisip ang magiging kahihinatnan no'n.

Lalong hindi ako makapaniwala nang magpaubaya akong angkinin niya. Hindi lang minsan, kundi ilang beses pa. I submitted to him wholeheartedly. Ni walang bakas ng pag-aalinlangan o pangamba man lang. Dahil sa init ng katawan, pinagbigyan ko ang aking sarili.

I closed my eyes and I took a deep breath. Nang gawin namin ni Philip iyon, hindi ko naisip ang magsisi kahit katiting lang. Pero ngayon, para akong unti-unting kinakain ng konsensya.

Napasuklay ako sa sabog kong buhok gamit ang mga daliri ko.

"Shit," I whispered. "What have I done?"

Unti-unti kong pinihit ang katawan ko para makabangon na sa pagkakahiga. Marahan lang ang mga kilos ko dahil ayokong magising si Philip. Aside from the fact that he's also tired, I don't know how to face him after we fucked.

Yeah. We just fucked. Hell, yeah, I admit. I am attracted to him. But...I don't think I can feel deeper than attraction.

Libog lang 'to. Ngayong nairaos na namin, pwede na siguro naming itigil 'to.

I succesfully got out of the bed. Hindi siya nagising kahit ilang beses din siyang kumilos. Iniwan ko sa kanyang hubad na katawan ang puting kumot. Nararamdaman niya siguro ang pagkilos ko kahit halos hindi ko na maigalaw ang katawan ko. I started to walked naked in my room. Dinampot ko ang mga nahubad na damit namin at itinabi iyon. After that, I went to the bathroom to take a bath.

Iyon pa rin ang tumatakbo sa isip ko kahit na nadadampian na ng malamig na tubig ang balat ko. Kapag ipinipikit ko ang mga mata ko, awtomatikong bumabalik ang isipan ko sa mga sandaling magkayakap kami habang parehong hinihingal at umuungol dahil sa tindi ng pagnanasang nararamdaman. Umikot ang pisngi ko nang maalalang para akong tuyong lupa na nadiligan. I was really into it. My moans and groans can do the talking. And I was crying his name for the extreme lust we shared. Mukhang hindi ko iyon basta-basta makakalimutan.

Tahimik akong nagbihis pagkatapos maligo. Tulog pa rin siya. Nag-iba nga lang ng posisyon sa pagtulog. Yakap na niya ngayon ang unan na ipinalit ko sa braso niyang nakayapos sa akin kanina. Sandali ko siyang pinagmasdan bago ako lumabas ng kwarto para magtimpla ng kape sa kusina.

Lalo kong naramdaman ang guilt habang tumatagal sa isipan ko ang mga nangyari. Guilt para kay Earl. Pakiramdam ko, nagtaksil ako sa kanya. Hindi ako mapakali. Hindi ko alam kung paano ko iisipin iyon ngayon.

Pilit ko na lang itinatatak sa isip kong casual sex lang ito. Tawag lang ng laman. Pagkatapos makaraos, pwede na ulit magkanya-kanya.

Maybe I should talk to Philip about this when he wakes up? He would understand it. At wala naman siyang magagawa kung sakaling ipagpilitan ko ang gusto ko.

Fate (Fierce Love Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon