CHAPTER 2

54 2 4
                                    

Faith


Sa pangalawang araw pa lang, inumpisahan na namin ang paglilinis sa loob ng bahay. Inuna namin ang ground floor. Naroon pa ang mga lumang litrato ng mga pumanaw na kamag-anak. It faded as years passed by. Kung hindi ko pa ito inasikaso agad pagkatapos ibilin sa akin ni Papa, baka tuluyan na 'tong nasira.

"May kilala ka bang engineer?" tanong ko habang nagpapahinga kami sa maghapon na paglilinis.

Inaayos na ni Banjo ang mga ginamit namin. Babalik pa naman kami bukas. Pero hindi na kasama ang mga magulang niya dahil mag-uumpisa na sila sa pagsasaka.

"May kilala ako, Madam. Si Engineer De Guia."

Tumango ako. "Magaling?"

"Oo, Madam! Kanila nga 'yong hotel do'n malapit sa arko ng San Nicolas."

Tumaas ang kilay ko. 'yong hotel kung saan ako tumutuloy ngayon ang tinutukoy niya.

"Magaling 'yon, Madam! Saka mabait si Engineer De Guia. Nagtrabaho na rin ako sa kanila noon."

I smirked. "Oh? Eh ba't wala ka na ngayon doon? Eh 'di hindi na mabait?" pang-aasar ko.

"Hehe!" at nagkamot siya ng kanyang ulo.

Kumuha ako ng isang stick ng sigarilyo at inipit 'yon sa mga labi ko. Kinuha ko rin ang lighter na baon ko. Nakatingin lang sa akin si Banjo habang sinisindihan ko ang yosi. Pagkatapos kong pagningasin at hithitin ang usok, muli ko siyang nilingon.

Ibinuga ko ang usok sa kanang bahagi ko at saka ngumisi. "Oh? Ba't parang nakakita ka ng multo?"

Nagkamot siya ng ulo. "Hindi ko alam na naninigarilyo ka pala, Madam." Alanganing ngiti niya sa akin.

"Ngayon alam mo na?"

Mas lalong lumuwang ang ngiti niya. Tumango ako sa kanya ng minsan bago ko iginala ang mga mata sa paligid. Ipinagpatuloy ni Banjo ang pag-aayos. Mahusay sa trabaho ang binatilyong ito. Hindi ako nagkamali ng nilapitan. Kahit ang mga magulang niya, wala akong masabi sa ayos ng trabaho.

Tinungo ko ang kusina. Ito ang huling nalinis ngayong araw. Natanggal na rin ang mga agiw na kumapit sa dingding. Bulok na rin ang ilang bahagi ng kisame dahil sa anay. Kailangan na talaga ng renovation para sa hindi tuluyang masira ito.

"Madam!" tawag sa akin ni Banjo.

"Oh?" balik sigaw ko habang sinisilip ang banyo. Kahit luma, ang disenyo ng loob nito ay hindi pangkaraniwan. May bath tub din sa loob. Basag na rin ang ceramic tiles sa sahig at pader. Humithit ulit ako at pipihitin na sana ang gripo para tingnan kung may tubig nang may magsalita sa likod ko.

"Madam!"

I startled! Parang nahiwalay sandali ang kaluluwa ko sa sobrang gulat. Ang usok na hinithit ko sa sigarilyo ay hindi ko naibuga. Ang resulta, nagkanda-ubo ubo ako!

Ang lintik na 'to!

"Naku, Madam! Sorry! Sorry po!" hindi magkandaugagang sabi niya. Akma niya akong lalapitan ng iniumang ko ang kamay ko nang sa gano'n ay hindi niya na ako lapitan.

Hindi ko alam kung saan ko ipipilig ang sarili. Ang hapdi sa pakiramdam ng hindi mailabas ang usok. Huli kong naramdama ito noong unang pagkakataong nasubukan ang manigarilyo. Kaya habang binabawi ang sarili, lumabas ako sa banyo para isandal ang sarili sa pader ng kusina.

"Sandali kukuha ako ng tubig!" tarantang sabi niya at nagmamadaling iniwan ako roon.

Nanubig na ang mga mata ko sa kakaubo. Nang tuluyang makabawi ay humugot ako ng malalim na hangin at saka tumuwid sa pagkakatayo. Nalingunan ko ang pintuan at nakitang paparating na rin si Banjo habang may hawak na bote ng mineral water.

Fate (Fierce Love Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon