CHAPTER 7

42 4 3
                                    

Faith


"Diyan lang kayo, may kukunin lang ako." Ani ko bago sila iwan doon para tunguhin ang kotse ko.

Though, I'm not practicing my profession anymore, dala-dala ko pa rin ang mga gamit ko. Nakalagay lang iyon sa compartment ng kotse, in case na kailanganin ko.

Katulad ngayon, magagamit ko na rin ulit pagkalipas ng mahabang panahon.

Sinilip ko itim na bag ko para i-check kung dala ko ang suture kit. Sakto meron. May gasa at povidone iodine rin rin! Ayos!

Ayun nga lang wala akong saline solution panglinis ng sugat.

I sighed in irritation and clicked my tongue. Kinamot ko ang kilay nang may maalala.

Sinilip ko ang paper bag na may lamang alak. Balak ko kasing maglasing ngayong gabi kaya kaninang tanghali bago ako pumunta rito, nag-grocery ako.

Nakita ko ang ilang canned beers na kinuha ko. Kaya lumipat ang tingin ko sa kabilang paper bag. Nang makita ang lemons at lime juice, alam kong dito na makikita ang hinahanap ko.

I took the tall bottle of vodka inside the paper bag. Sinipat ko pa iyon ng minsan. Okay na siguro 'to. Kung papalpak ako sa gagawin ko, eh 'di dalhin nila sa ospital!

Bitbit ang ilang gamit na kinuha ko sa sasakyan, bumalik ako sa tent kung nasaan ang ilang kalalakihan.

Inis ko silang tiningnan dahil kung makatingin, parang nagdududa pa sa akin. Ang ilan doon, pinapaypayan 'yong lalaking nasugatan dahil tagaktak na ang pawis niya. Iyong engineer naman, may kausap na sa telepono.

Nakita ko ring may papalapit na lalaki habang may hawak na timba na may lamang tubig. Agad kong nahinuha ang gusto niyang gawin kaya agad ko siyang sinita.

"Ano'ng gagawin mo diyan?" sita ko sa lalaki.

"Ma'am huhugasan ko po 'yong sugat---"

"Sa'n mo kinuha 'yan? Malinis ba 'yan?" putol ko sa kanya.

Napaawang ang labi niya, hindi na nakasagot sa tanong ko. Umiling ako at lumuhod para asikasuhin na ang 'pasyente' ko.

"Ano'ng pangalan mo?" tanong ko sa kanya habang binubuksan ang itim na bag ko.

Napalunok siya habang nakatitig sa akin. "J-Jeff po." Sagot niya.

"Matapang ka ba, Jeff?" muli kong tanong sa kanya at isinunod kong buksan ang bote ng vodka.

"Ho?" nalilitong balik-tanong niya.

Ngumisi ako. "Tiisin mo lang. Wala akong anesthesia. Sumigaw ka na lang kung masakit." Ani ko bago ko ibinuhos ang alak sa kamay ko.

I disinfected my hands using the liquor I found in my car bago muling nagsalita.

"Pero nadi-distract ako sa maingay, eh. Ayoko sa maingay." Dagdag ko at saka ngumisi. Nagsusuot na ako ngayon ng medical gloves.

"P-Po? Ano po bang---" hindi na niya natapos ang sasabihin dahil napasigaw na siya nang ibuhos ko ang alak sa mga hita niya, partikular sa sugat niya.

"Walang ibang panghugas, eh. Pasensya ka na." tanging nasabi ko habang hinuhugasan ang sugat at ang paligid nito.

Alam kong medyo mahapdi iyon. Pero kailangan niyang tiisin. Malayo raw ang ospital at kailangan na rin namang lapatan ng paunang lunas ang sugat niya.

I took out the suture kit and prepared what are needed. Habang inaayos ko iyon, tiningnan ko ang lalaki. Nanlalaki ang mga mata niyang nakatingin sa hawak ko. he also bit his lip, and his sweat, damn, I wanted to laugh but I reprimanded myself.

Fate (Fierce Love Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon