CHAPTER 9

21 2 0
                                    

Faith

Sandali ko siyang tiningnan ng may panguuyam pagkatapos niyang  sabihin sa akin ang mga salitang 'yon. Hindi ako makaimik. Pero hindi ko rin masasabing nagulat ako. I already have a hunch before. Sa paraan ng pakikitungo niya sa akin, kinutuban na ako.
His eyes seems hopeful. Nagtatago pa ang multo ng ngiti sa gilid ng kanyang labi. Ano'ng isasagot ko?

Hindi ko tuloy alam kung maiinis o matatawa ako sa sitwasyon na 'to. Sana noong una pa lang, tinuwid ko na 'to. Hindi ko na rin dapat pinakitunguhan ang mga magagandang pinakita niya sa'kin.

I scoffed sarcastically. Kitang-kita ko ang pagkalito sa kanyang mukha. He gulped hard and bit his lip as he looked at me with so much...I don't know. Nakakalito pero wala akong balak i-acknowledge 'yon.

"Ayos ka lang, Philip?" Mapang-uyam kong tanong sa kanya?

He licked his lower lip, still looking at me. Not even trying to look away despite my cold treatment to him.

Tumango lang siya. Wala ring namutawing mga salita sa bibig niya. Tila tinatantiya niya ang lahat ng mga kilos ko.

"Okay..." tanging sagot ko.

Inaantok na ako. Pero bakit gano'n? Kahit halos wala naman kaming napaguusapang matino ni Philip, ayoko pa siyang paalisin? His presence is comforting me despite that I'm already tipsy.

Hindi naman ako ganito noon. I drink with someone but I don't get along with them when alcohol already hit my system.

Tumuwid siya sa kanyang pagkakaupo pero hindi naputol ang kanyang tingin sa akin. Uminit ang pisngi ko sa paraan ng kanyang pagtitig. Ganito ba talaga 'to? Hindi makahuma sa paninitig?

"Huwag mo akong tingnan ng ganyan." Saway ko.

I looked away. Hindi ko kayang salubungin ang mga mata niya.

"Aalis na ako para makapagpahinga ka."
Mabilis pa sa kidlat kong ibinalik ang tingin sa kanya. Nakatayo na siya ngayon at nakapamulsa. He looks dashing with his outfit. Ang linis-linis niyang tingnan. Idagdag pa na maganda ang tikas ng kanyang tindig.
I suddenly remember my Earl.

Agaran ang pagtayo ko para ihatid na siya sa pintuan. Aalis na raw eh. Alangan namang umalis dito sa unit ko na hindi ko man lang maihatid?

I'm cold and dismissive pero hindi ako bastos.
Pero ramdam kong umikot ang buong paligid ko dahil sa ginawa ko. I lost my balance. I shrieked out. Alam kong tutumba ako kaya agad akong naghagilap ng makakapitan. Napapikit na ako at inasahan ko na ring tatama ang katawan ko sa kung saan.

Pero hindi yun nangyari. Pumaere lang ang katawan ko pero may sumalo sa akin. Dalawang matigas na braso. Sa pagdampi ng mainit na balat niya sa balat ko, alam kong nailigtas ako sa pagkakatumba ko.

"Damn it! Are you okay?" Nag-aalalang tanong niya sa akin.

Nakakapit ako ng mariin sa kanyang balikat. Dahil sa gulat, mabilis din ang paghinga ko. I gently opened my eyes and...in my deep shock, I saw...

Nanlaki ang aking mga mata sa nakikita ko. Biglang bumuhos ang lahat ng kasiyahan sa buong pagkatao ko. Tahimik na nagdiwang ang puso ko dahil nandito siya ngayon. Tinalo ng nararamdaman kong saya ang pagkalungkot ko sa ilang araw na hindi niya ako nadalaw.
I missed him. I missed him so bad!

Mula sa pagkakahawak ko sa kanyang balikat, kumapit ako sa kanyang batok para igiya siya palapit sa akin. Hindi naman ako nahirapan dahil kahit siya, sunud-sunuran sa gusto kong mangyari.

I lead his face with mine. Sinalubong ko siya ng halik. Ramdam ko ang paninigas niya pero kalaunan ay nakabawi rin. I deepened my kiss. He groaned. My longingness for him is beyond words. Gustung-gusto kong iparamdam sa kanya kung gaano ko siya nami-miss ngayon.
Tumuwid ako sa pagkakatayo. I grunted when our lips parted for a while pero agad niya iyong hinabol. He sealed my lips again with his. Nakapulupot na ang mga kamay ko sa kanyanng batok habang ang mga kamay niya'y lumalakbay na sa buong katawan ko.

Fate (Fierce Love Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon