CHAPTER 16

36 2 0
                                    

Faith

Ilang beses niya akong tinawag para pigilan sa paglalakad pero hindi ako huminto. Diretso lang ang tungo ko palabas sa bahay niya. Ayokong madatnan niya ako at makarinig pa ng mga sasabihin niya dahil sa totoo lang...kabang-kaba ako kanina nang magtapat siya sa nararamdaman niya.

Ang gagong 'yon. Ano'ng pumasok sa utak niya't kung anu-anong binabanggit sa akin?

Pero aaminin ko...gusto ko rin ang narinig ko. Gusto ko ang ideyang...may nagkakagusto sa akin.

Hindi ko alam. Napapangisi ako habang minamaneho ko ang sasakyan pabalik ng hotel. Ang eksena sa living room nila ang paulit-ulit na tumatakbo sa isip ko. Gusto kong batukan ang sarili ko dahil tandang-tanda ko ang bawat detalye ng nangyari kanina.

"Tangina," Nahampas ko ang manibela ng sasakyan habang nangingiti. Nailing ako ng minsan. "Nautal ka pang gaga ka!" Para akong baliw na kinakausap ang sarili.

Ano ba'ng nagustuhan sa akin ng lalaking 'yon? I drink, I smoke, and I'm rude. Unang pagkikita pa nga lang namin, nakatikim na sa akin ng sama ng ugali ko.

Wala akong makitang rason para magkagusto siya sa'kin. He looks prim and proper. Malinis ang pananamit. Seryosong tingnan pero madali ring lapitan. Idagdag pang mabait at mayaman...saka gwapo na rin.

Hindi kaya dahil sa halikang naganap noong nakaraan? Ngumisi ako at nakagat ang pang-ibabang labi nang maalala ang nangyari. Mukha lang siyang mabait pero agresibo rin pala kapag inuunahan.

Pabagsak akong nahiga sa kama matapos kong maligo at mag-ayos ng sarili. Hindi pa ako inaantok. Buhay na buhay ang isip ko. I could hit the fridge and get a few cans of beer but tonight, though I'm very wide awake, I can't seem to find the urge of drinking so I could go to sleep.

Teka, ba't ba siya 'tong iniisip ko? Para namang totoo 'yong mga sinabi niya! Bakit ako magpapaniwala sa mga salita niya? Madaling gumawa ng mga bagay ang salita. Madali lang magsabi na 'gusto kita' pero mahirap paniwalaan lalo na kung walang pruweba o walang patunay.

"Tsk! Ba't ko hahanapan ng pruweba ang sinabi niya? Pakialam ko ba kung may gusto siya sa'ken! Wala akong gusto sa kanya!" Inis na bulong ko sa sarili.

Pero sa paglipas pa ng ilang mga araw, mukhang babawiin ko ang idineklara kong pagde-deny dahil palagi niya akong pinupuntahan dito sa mansyon!

Lalo na nang sa wakas ay matapos na ang renovation at lumipat na ako rito, gabi-gabi siyang dumadalaw. Kung minsan, para mangumusta lang. Pero madalas, para magkasabay kami sa hapunan!

"Kailan mo ipapa-bless ang bahay, madam?" Si Banjo habang inaayos ang mga halamang pinamili ko sa siyudad.

Balak ko kasing magpa-landscape pero dahil marunong naman daw ang mga magulamg niya, kami na lang ang bumili ng halamang kakailanganin nila para roon.

"Kailangan pa ba no'n?"

"Siyempre! Para mapalayas ang mga bad spirits!"

I chuckled. "Kung gano'n, hindi na lang. Baka ako pa ang unang mapalayas!"

Ngumiwi siya sa biro ko. Sandali ring natigilan. Mukhang hindi niya yata nakuha ang joke ko! Imbes na matuwa, umiling ako ng minsan at iniwan na siya ro'n!

Umakyat ako sa taas para tumambay sa veranda. Palubog na ang araw. Mula sa kinatatayuan ko, kaygandang pagmasdan ang lawak ng mga lupaing nakapalibot sa bahay na ito. May mangilan-ngilang kabahayan din pero sa lugar na 'to, ito ang pinakamalaking bahay na naipatayo rito.

Sandali akong nag-isip. Tapos na ang renovation. Buhay na ulit ang mansyon. Ano na ang susunod na plano ko?

I know I still have responsibilities back in Manila. Katatapos lang ng residency at fellowship ko nang mapagdesisyunan kong umuwi rito. May clinic pang naiwan sa akin. Kuya Onyx wants me to shut down the clinic and help him in the hospital instead. Pero hindi ko iyon mabitawan. Hindi lang dahil sa pinaghirapan naming ipundar iyon ni Earl, dahil din sa mga empleyadong nagta-trabaho ro'n. Paano ang kabuhayan nila kung sakaling isasara ang klinika? Mawawalan sila ng pagkakakitaan!

Fate (Fierce Love Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon