CHAPTER 28

22 2 0
                                    

Faith

I sighed as I watch the beautiful scenery in front of me. Hawak ang kopitang may lamang alak, mabagal kong sinimsim ang laman no'n habang binubuo ko ang mga salitang sasabihin kay Philip.

"Faith?"

"Mm?" Sagot ko.

"Hindi ka na nagsalita," wika niya.

I glanced at him as I finished the remaining drops of my wine. Nagustuhan ko ang lasa. Ibinaba ko ang basong hawak ko at kinuha ang bote mula sa bucket para salinan iyon ng panibago.

"Nag-iisip ako," ani ko.

Hindi siya sumagot. Nang makapagsalin ako ng alak ay bumalik ako sa pagkakaupo ko. May paminsan-minsang nilalaro ko ang basong hawak habang nag-iisip ng mga sasabihin ko.

"Philip," lumingon ako sa kanya. "Mahirap ba sa parte ninyo ang magsabi ng totoo kung hindi niyo na mahal ang isang babae?"

Tumaas ang isang kilay niya. "Hah?"

Nagkibit-balikat ako. "Bakit hindi niyo pa diretsuhin na sabihin sa taong ka-relasyon ninyo na hindi niyo na sila mahal? Kesa naman sa magpanggap pa na may nararamdaman ka pa sa kanya."

"Wait," bahagya niyang itinaas ang kamay niyang may hawak na kopita. "Who are we talking here?"

"I am asking you, Philip Emmanuel."

"Baby, how would I know? I have never been in such situation."

Tumaas ang kilay ko. "Talaga? Hindi ka kailanman nagpaasa?"

Tumikhim siya. "What's this all about, Faith? Akala ko ba sasabihin mo sa akin ang nangyari kanina? You seem like a child having a tantrum."

Iniwas ko ang tingin sa kanya at bumuga ng hangin. Why am I suddenly like this?

"Si Earl," I said. Nilingon ko ulit siya. "Earl is gay."

Nakita kong natigil siya sa pag-inom ng alak. Parang nag-iisip ng sasabihin sa akin.

Ibinaba niya ang baso at muling nagsalita.

"And?"

Iyon lang ang reaksyon niyo?

I sighed. "Hindi siya naglakas-loob na aminin sa akin 'yon."

Natahimik kaming pareho. Hinayaan niya lang akong magsalita. Hinintay niya ang susunod na sasabihin ko.

"Kahit no'ng huli kaming magkasama bago kami..." napalunok ako. "Naaksidente."

Narinig ko ang buntong-hininga niya.

"Kaya ba may peklat ka sa bandang tagiliran mo? Doon mo nakuha iyon?" Tanong niya.

Marahan akong tumango.

"Whatever it is, I know he has a reason."

Meron. Katulad ng sinabi ni Pria sa akin kanina, ayaw ni Earl na masaktan ako. He loved me. But not the same kind of love that I feel for him. Pero...bakit hindi niya sinabi sa akin iyon noon pa? Wala ba siyang tiwala sa akin? Sa tingin niya ba'y hindi ko siya maiintindihan?

"Hindi ko lang talaga maintindihan..." marahan akong umiling.

"Kung nasabi nga niya sa'yo 'yon noon, matatanggap mo ba siya?"

Natagil ako sa pag-iisip. Sandaling naglaro sa utak ko ang tanong ni Philip sa akin. I tried to assess myself on that situation. Kaya ko nga ba talagang tanggapin ang pagkatao niya?

"Will you accept his decision for not marrying you?" He asked again.

Suddenly, I wasn't able to voice out what I wanted to say. At kahit mayroon pa akong boses, hindi ko rin pala alam ang mga isasagot ko sa mga tanong niya.

Fate (Fierce Love Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon