CHAPTER 1

73 3 2
                                    

Faith


Naramdaman ko ang malambot niyang mga labi sa noo ko. Mahigpit ko siyang yakap. Ayoko siyang bitawan. Ayoko siyang pakawalan. Nang gumalaw siya, mas lalo kong hinigpitan ang pagkakayakap ko sa kanya.

Narinig ko ang mahihina niyang halakhak. Gusto ko man siyang sabayan sa pagtawa, nauunahan ako ng takot ko.

"I love you, Earl." Anas ko at saka tumulo ang mga luha ko.

Kumalas siya sa pagyakap sa akin at saka hinawakan ang aking magkabilang pisngi.

"I love you so much, Faith." Bulong niya at saka pinahid ang mga luha ko sa aking mga pisngi.

Nasilayan ko ang matamis niyang ngiti. God, I miss his smiles.

"I'm sorry, I wasn't there. Kung nandoon lang ako---"

Inilagay niya ang kanyang hintuturo sa aking mga labi, probing me to stop talking.

"It wasn't your fault, Faith. It wasn't, darling." At saka siya umiling.

Inabot ko ang kanyang labi. Pumikit ako. It's cold but I don't mind. I want to feel his kisses. Naramdaman kong gumanti siya ng halik sa akin. Oh, Earl. I'm going crazy all over again.

Nang bitawan ko ang kanyang labi, nagmulat ako ng aking mga mata. Kasabay no'n ay ang paghabol ko ng hininga. Ramdam ko ang mga butil ng pawis na tumatagtak sa noo ko.

Mabilis akong bumangon. Hinanap ko siya sa aking paligid. But he's nowhere to be found.

Mariin akong pumikit at saka pinunasan ang aking noo gamit ang aking kamay. Para akong nakipagkarerahan ng takbuhan dahil sa hingal at pagod ko. Dinungaw ko ang bintana sa veranda. Madilim pa. Madaling araw pa lang siguro. Hatinggabi na ako pumasok sa kwarto ko kanina. Ibig sabihin, ilang oras pa lang akong nakakatulog.

I sighed and smiled. Nakita ko ulit siya.

"Madam!" sigaw na Banjo sa akin habang kumakaway pagkababa ko sa kotse.

Suot ang aking aviators, tinanguan ko siya. May kasama siyang mag-asawa. Probably on their late 40's. Naka-working clothes habang nakasuot ng sumbrerong abaniko.

Nakita kong papalapit sa akin si Banjo. Binuksan ko ang trunk ng sasakyan ko at saka kinuha ang cleaning tools na binili ko sa supermarket.

"Sakto lang, madam. Kararating lang din namin."

Tumango ako at saka muling bumaling sa mag-asawa sa tapat ng gate.

"Parents mo?" I asked.

Nilingon niya sila saglit bago muling bumalik ang tingin niya sa akin at saka tumango. I smirked. Tumango ulit ako at saka nilampasan na siya roon.

Nagsimula kami sa pagtatabas ng mga damo sa paligid. Sa bakuran nag-umpisa sila Benjo at ang mga magulang niya habang pinili kong unahing linisin ang harapan ng gate.

Mataas ang sikat ng araw. Tagaktak na ang pawis ko. Hindi pa ako nagtatagal sa paglilinis, pakiramdam ko ay susuko na ako. Mabuti na lang kahit papaano, paroon at parito si Banjo sa kinaroroonan ko para tingnan kung ayos lang ako.

Pero hindi ako humingi ng tulong. Tss. Kaliit na nga lang nitong nililinisan ko kumpara sa area na nililinisan ng mga kasama ko.

Mag-aalas dose na nang tanghali nang magpahinga kami. Niyaya ko silang kumain sa kalapit na karinderya. These people are good to me. Hindi lang masyadong nagsasalita 'yong mag-asawa dahil sa sobrang kadaldalan ni Banjo. Siya na nga yata ang bumangka sa usapan.

Nakita kong ngumingiti lang iyong matandang babae. Iyong asawa niyang lalaki ay nakikinig lang sa usapan. Kaya kahit hindi ako masyadong interesado, sinubukan ko silang kausapin.

Fate (Fierce Love Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon