CHAPTER 27

19 2 0
                                    

Faith

"Hey..." agaw-pansin ni Kuya Onyx sa atensyon ko.

Nakaalis na kami sa bahay nila Earl. Nadatnan niya akong kaharap ang buong pamilya niya. Too stunned to what I've found out, nagpatianod ako sa hila ni Kuya sa akin palabas ng bahay na iyon.

Tahimik ko siyang nilingon. Sandaling nagtama ang mga mata namin. Pero hindi iyon nagtagal dahil kailangan niyang ituon ang pansin sa kalsada.

I sighed.

"What?" I asked.

"Should I bring you home to your condo o sa mansyon—-"

I looked away and cut him from talking. "Sa condo ko na lang, Kuya. Babalik na ako sa San Nicolas."

Bumuntong-hininga siya. "You know, you can go home there. Para may kasama ka."

Umiling ako. "San Nicolas is my home now."

Kinain ulit kami ng katahimikan. Somehow, ngayon lang ulit kami nagsamang dalawa na hindi nagbabangayan. Hindi ko na maalala 'yong huling pagsasama namin na hindi kami nagkasagutan o nagkaroon ng tensyon sa pagitan naming dalawa.

Maybe...distance made us mature, eh?

Kahit no'ng makarating ako sa condo ko, hindi na kami nagkibuan. Pinapakiramdaman niya ang mga kilos ko. Pero hindi siya nagtanong pa nang tungkol sa nadatnan niya sa kwartong iyon. And...I wasn't ready to talk about it either.

After all the things that I found out, kinain ng pagod ang buong katawan ko.

As I lay myself in bed, I felt my body drifting. I am sleepy. And I was never eager to sleep like this before. Dati, kung hindi talaga pagod na pagod, kailangan ko pang uminom ng alak para lang makatulog.

Siguro...dahil...inaasahan kong muli siyang magpapakita sa akin.

Marami akong gustong itanong sa kanya. Gusto kong kumpirmahin ang sinabi ng kapatid niya. Ni hindi ko nakitaan si Earl na may ganoon pala siyang inaalala. It never crossed my mind that he's gay. His treatment towards me was always the same. Even in my dreams, I know he loves and cares for me.

Kaya lang, he didn't loved me the way I loved him.

I let my eyes close and relax myself. Nakapikit na ako pero ramdam ko pa rin ang sarili sa aking paligid. Iniisip ko pa kung talagang nakatulog na ba ako o hindi pa. Pero hindi iyon ang mahalaga sa akin dahil hinahanap ko si Earl.

I went outside my room. It was dark. Nangunot ang noo ko sa pagtataka. Matagal na ba akong nakatulog? Maliwanag pa kanina, ah?

Narinig kong may kumatok sa pintuan. Kahit madilim, hindi ko na inisip na buhayin ang ilaw sa living room. Tutal, may ilaw naman sa pasilyo papunta sa labas na kapag dinadaanan ko ay kusang nabubuhay iyon. Binagtas ko mula kwarto hanggang sa pintuan pero habang nagmamadali ako, parang lumalayo ang distansya nito mula sa aking kwarto.

Bakit ganito?

Kahit anong lakad ko, madilim pa rin. Naaninag ko ang maliit na ilaw na naka-on malapit sa pintuan ko. Mas lalo kong binilisan ang lakad pero lalong napapalayo ang lakad ko.

I started to sweat as I felt my body's heat from a tiring walk. Hinihingal na rin ako sa pagod. Lumingon ako sa aking likod para sana bumalik na lang sa kwarto. Pero nakakapagtakang hindi ko na maaninag ang pintuan ng kwarto ko.

Namamaligno na ba ako?

Ibinalik ko ang tingin ko sa direksyon ng pintuan. I could still hear that someone's knocking from the outside. Determine to know who is it, I took a deep breath and ran as fast as I could!

Fate (Fierce Love Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon