CHAPTER 3

33 2 0
                                    

Faith


I woke up with a throbbing pain in my head. Tinanghali na ako ng gising. The wine literally put me to bed. Madalas akong mag-inom pero ito iba ngayon ang tama sa akin ng alcohol.

Parang mababasag ang ulo ko sa tindi ng hangover. Idagdag pa ang sakit ng katawan na nakuha ko sa ilang araw na paglilinis sa bahay. Kaya hindi ako makapagdesisyon kung papapasukin ko si Banjo ngayon o hihilata lang ako maghapon sa kama.

Nakatulog ako ulit dahil sa matinding hilo at sakit ng ulo. Hindi pwede ito. Wala akong matatapos kung ganito na lang ang mangyayari. Kaya kahit nanghihina ako, pinilit kong bumangon sa kama.

I checked my phone. Ang daming missed calls. Saka ko lang naalalang...

Shit! Si Banjo!

Agad kong ni-dial ang number niya. Two rings, he answered it immediately.

"Madam!" bati niya sa akin sa kabilang linya.

"Pumasok ka ba?" walang alinlangan kong tanong sa kanya.

"Opo! Alam ko naman kung saan nakalagay 'yong mga gamit kaya tinuloy ko na ang trabaho." Nagmamagaling na sagot niya sa akin.

I sighed. Mabuti naman at maaasahan ang binatilyong 'to.

"Oh sige. Ikaw na ang bahala diyan. Tapos---"

"Madam, pupuntahan mo ba si Engr. De Guia ngayon?" putol niya sa akin.

Tangina. Isa pa pala 'yon.

Mariin akong pumikit, bahagyang nakaramdam ng pagsisisi dahil sa ginawang pag-inom ng marami kagabi. Isang bote ng wine ang naubos ko. Hindi ko naisip na may mga lalakarin pala ako ngayong importante.

"Oo na, pupunta ako mamaya." Ani ko.

Binuksan ko ang kitchen cabinet ng hotel. I cursed in the air as I checked what's inside. Wala na palang noodles. Kinain ko kaninang hatinggabi. 'yong kapeng binili ko noong nag-grocery ako, dinala ko sa bahay. Pinangmeryenda namin kahapon.

Kesa tuluyang ma-badtrip, kinuha ko na lang ang tuwalya at dumiretso sa banyo para maligo.

Kasalukuyan akong nagmamaneho papunta sa plasa. Nawala na rin sa isip kong araw pala ngayon ng Linggo. Napakaraming tao. Katatapos ng misa sa simbahan at sa kabilang bahagi ng plasa, naroon ang munisipyong tinutukoy ni Banjo. Agad kong nakita ang building na may tatlong palapag malapit doon.

Bukas kaya ang opisina ng engineer na 'yon?

Naghanap ako ng parking area para sa sasakyan. Medyo nahirapan pa ako dahil halos mapuno nang sasakyan ang palibot ng parke. Kaya imbes na sa malapit lang ako makakapag-park, napalayo pa iyon ng kaunti.

Mataas ba ang sikat ng araw. Masakit na ang tama nito sa balat. I am really hoping that it's open kahit na malaki ang tiyansang hindi ito bukas dahil Linggo ngayong araw.

Suot ang aking wayfarer, I graced the building of their office. Sakto lamang ang laki ng reception. May sofa para sa waiting area. At mabuti na lang, bukas ang opisinang ito.

"Good morning, Ma'am!" nakangiting bati sa akin ng receptionist.

Hilaw akong ngumiti sa kanya.

"I am looking for Engr. De Guia." I said.

"May appointment po ba kayo sa kanya today?"

Tumaas ang isang kilay ko. Kailangan pa ba no'n?

Kinamot ko ang sentido ko dahil nagsisimula na naman akong ma-badtrip. The lady sensed my irritation kaya siya muli siyang nagsalita.

Fate (Fierce Love Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon