Piece #3

708 42 35
                                    


“Ang tagal mo naman! Balak mo bang dito na tumira sa Watsons?” naiinip na sabi ni William habang nakasunod sa akin. Hindi ako sumagot at nag-patuloy sa pag-tingin sa serum na hawak. Sa tingin ko ay nahihiyang ako sa brand na 'to. Kailangan kong alagaan ang balat ko dahil ang kapal lagi ng make-up sa mukha ko tuwing kailangan kong maging clown.

“Ano bang pinag-kaiba ng mga 'yan? Pare-parehong lang 'yan na serum,” dagdag niya pa. Inis akong lumingon sa kaniya.

“Alam kong pare-parehong serum 'to, pero iba-iba rin ang function sa balat. Dapat si James na lang ang sinama ko e, reklamador ka talaga.” sinamaan niya ako ng tingin kaya inirapan ko siya.

“Paanong hindi ako mag-rereklamo kung kanina pa tayo nandito? Nakapagpa-laser ka na ng underarms at lahat-lahat tapos nandito pa rin tayo sa mall!”

“Kapag ang tagal niyong mag-decide kung bibilhin niyo ba ang isang sapatos, nagreklamo ba ako?!” napakamot siya sa kilay at hindi na sumagot.

Ilang minuto pa akong nag-ikot-ikot at panay lang din ang sunod sa akin ni William. Alam kong nauubusan na siya ng pasensya pero ano bang magagawa niya? Napangisi ako at pasimple siyang sinulyapan. Siya naman kasi ang nag-presinta na samahan ako ngayon dahil busy iyong dalawa sa acads dahil parehong scholar. Hindi naman talaga sila patapon at matataas ang grades nila.

Sila iyong klase ng mga estudyante na sasabihing hindi sila nag-review para sa test pero halos perfect ang score. Mga dakilang scam.

“Bakit ba ang hilig niyong magpa-kinis? Normal naman na may ilang hyperpigmentation sa balat,” sabi na naman ni William habang tumitingin na ako ng lotion.

“Alam ko. Pero hindi naman masamang alagaan ang sarili. Hindi ko naman 'to ginagawa para sa ibang tao, masaya ako kapag nakikita kong maganda ako. Self-satisfaction 'yon, okay?”

“If you say so.”

Pinanliitan ko siya ng mata. “Bakit ang plastik mo, ha? Gustong-gusto mo nga ang mga babaeng maputi at makinis! Kutusan kita riyan!” ngumuso siya at kalaunaʼy natawa. “Maganda lang silang tingnan sa unang tingin kaya naaagaw ang atensyon namin. Pero wala naman talaga akong pakialam kung hindi sila flawless. Kapag nagustuhan ko ang isang tao, I will also embrace all her flaws.”

Tinapik ko ang pisngi niya at tumango-tumango. “Tama 'yan. Everyone has their own beauty, we should appreciate each other.”

“English 'yan?” kinurot ko ang braso niya.

“Huwag mo ngang punahin! Alam mo nang spokening dollar iyong asawa ni mama tapos kayo rin! Nahahawa ako!” natawa siya at inakbayan ako.

“May nakilala akong babae kahapon noong nag-clown ako sa isang birthday party sa jollibee,” pag-kukuwento ko nang pumila na kami sa counter.

“Oh tapos?”

“Boyfriend niya si—” naitikom ko ang bibig nang may maalala.

Can you keep a secret?

“Sino?” tanong ni William. Muntik ko nang masabi kung sino ang private girlfriend ni Rush Zedova! Sabi ko pa naman ay hindi ko ipagsasabi.

“May boyfriend na celebrity. Wala lang, feeling ko celebrity na rin iyong na-meet ko,” sabi ko at tumawa. Taka siyang tumingin sa akin at pinitik ang ilong ko.

“Diba may kaklase ka namang celebrity? Anong bago roʼn?” hindi ako sumagot dahil turn na naming magbayad.

Ang fascinating lang na nalaman kong siya ang girlfriend ni Rush Zedova. Knowing na ipinagkatiwala niya sa akin iyong identity niya kahit strangers kami, kinilig ako nang slight. Nagiging crush ko pa naman iyong vocalist ng Ludic Selcouth tuwing naririnig ko ang boses noʼn. Ang gwapo na kasi tapos ang gwapo pa ng boses. Actually, lahat silang mag-babanda may hitsura. Iba lang ang impact sa akin ni Rush dahil sobrang angas niya sa paningin ko.

Ludic Selcouth #5: Piece By Piece Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon