Piece #21

517 35 4
                                    


Isang linggo ang nakalipas pagkatapos ng unexpected na pakikipag-hangout ko kay Zath. Bumalik ako sa usual routine ko na bahay-trabaho lang. Habang tumatagal ay mas lalong lumalala iyong itch na meron ako. Nagsisimula na akong makaramdam ng hypostress at parang gusto ko na agad i-execute ang pinaplano kong backpaking.

Ilang buwan pa lang akong nagtatrabaho, pero mukhang narito na iyong urge ko na mag-resign at umalis ulit ng syudad.

Pero hindi pwede... Wala pa akong sapat na pera.

“What’s with the face? Parang pasan-pasan mo ang mundo ah,” puna ni Ray sa akin. Kasalukuyan niyang inaayos ang mga gagamiting make-up mamaya sa model nila.

Mas lalong bumagsak ang balikat ko kaya yumakap na lang ako sa tall lamp na nasa tabi. “Kailan niyo balak magbakasyon? Ayaw niyo ba mag-hike or mag-beach?” Saglit siyang tumitig sa akin at kalauna’y napailing. “It’s the season again? Kailangan mong maggala ’no?” Tumango-tango naman ako habang malungkot na nakatingin sa kaniya. Nawawalan na ako ng motivation mag-trabaho, kailangan ko ng something na magpapabuhay ulit sa dugo ko.

“But I think we won’t be able to travel for the next couple of months, Odette. May mga naka line-up kaming shoots, you know how it goes when its Ber Months.” Napabuntong-hininga na lang ako at bumitaw sa lamp. Not that may time rin akong maggala ngayon, pero I can always make time!

Nakasalampak pa rin ako sa couch nang dumating si Anthony sa studio. May kausap pa siya sa phone at todo ngiti. Napataas tuloy ang kilay ko habang sinusundan siya ng tingin, hindi man lang ako pinansin.

“Come on, I already promise to accompany you tomorrow, I have no intention of taking it back. I’ll talk to you later after my shoot, okay? Take care.” Ayon ang huli niyang sinabi bago ibinaba ang cellphone. Tumayo na ako at nilapitan siya. Sinilip-silip ko pa ang mukha niya habang naniningkit ang mata.

“Ang lansa,” sabi ko pagkatapos siyang singhutin. Itinulak niya naman ang mukha ko palayo sabay pitik sa aking noo.

“Masyadong mahal ang pabango ko para sabihan mo lang ng malansa, Odette Constantina. Bakit ka nandito? Wala ka bang trabaho?”

“Hindi ko office day today. Tapos na ako sa mga reports ko kaya wala na akong masyadong gagawin. Manunuod ako ng shoot niyo ngayon.”

“Sinong nagsabi na pwede ang outsider dito?” aniya habang nagsisimulang ayusin ang mga camera equipment. Sumandal naman ako sa table na nasa likuran ko habang pinapanuod ang mga ginagawa niya. Kilalang-kilala na ako ng team nila, parang kaisa na rin nila ako kaya naman hindi na bago sa kanila kapag bigla-bigla na lang akong sumusulpot sa studio.

“Ako.”

“Desisyon ka talaga kahit kailan. Pero ano nga? May kailangan ka? Nararamdaman ko na agad ang hagupit ng pagrereklamo mo sa buhay.” Natawa ako sa narinig. Para talagang magkakakonekta na ang aming mga bituka dahil ramdam agad namin ang isa’t-isa.

“Noong nakaraan tumawag din si William at parang bata na nagrereklamo. Gusto raw niyang umuwi rito sa Pinas para magbakasyon pero hindi niya raw magawa, paiyak na si gago. Ikaw, anong ganap mo?” Ngumuso ako at tumingala sa kisame. Nagdrama na rin sa akin si William. Talagang gusto niyang umuwi rito, hindi lang dahil sa gusto niyang magbakasyon, may kailangan din ata talaga siyang takasan do’n.

“Nandito na naman iyong sense of unfulfillment, Anthony... I promise, sinusubukan kong gawin yung best ko sa trabaho ko ngayon, pero kasi...” Napatingin na siya sa akin. Noong nasa kalsada ako, pakiramdam ko naachieve ko na iyong self-actualization na sinasabi nila. Pero ngayon, parang bumababa ulit.

Last week, sabi ko sa sarili ko masaya naman ako, kahit hindi ’to katulad ng saya na meron ako noong peak ng travelling ko. Ang hirap pala talaga kapag nasimulan ko nang gawin yung gusto ko, mahirap na ring tumigil.

Ludic Selcouth #5: Piece By Piece Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon